Gaya ng hiniling ko sa kanila ay hindi na namin pinag-usapan ang nangyari. Mas pinili na lang naming mag-enjoy. Aaminin ko na sobra pa rin akong apektado sa nangyari pero wala naman kasing magbabago kung magmumukmok ako at didibdibin pa ang mga sinabi ni Dad. At isa pa, birthday na birthday ko para magpaka-nega. Hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa akin pag-uwi namin ni Elliot pero bahala na. Basta mas gusto ko na mag-enjoy na muna ngayon. “Alam niyo, magandang maligo sa lawa bukas at mamingwit ng isda. Iihawin natin ang mga mahuhuli natin tapos magluluto rin ako ng gulay,” nakangiting saad ni Anica. “Uy, mukhang masaya nga! Parang buhay sa mga probinsiya. I mean, gano’n kasi madalas iyong mga nababasa o napapanuod ko. Gusto ko ring masubukan,” nakangiting sagot ko naman. “Gano’n