Days turned real fast and I couldn’t be happier. Naging normal naman ang takbo ng lahat. Wala pa rin kaming ideya ni kuya kung ano ang mga pinagkaka-abalahan ni dad pero okay lang naman sa akin. Hindi na nga rin siya pumapasyal sa opisina kaya medyo matagal din na wala akong narinig mula sa kanya. Sa totoo nga lang niyan ay naging tahimik ang buhay ko kasi wala siya para sitahin ako at pagalitan kahit sa mga maliliit na bagay lang. Naging masaya rin ako kasama si Elliot. Pero gano’n pa man ay hindi ko ipinagdadasal na ipagpatuloy niya kung ano man ang ginagawa niya, lalo na kung hindi iyon makakabuti sa pamilya namin. Nag-aalala pa rin kasi ako kay mom. Sa ilang linggo na laging wala si dad ay pumayat si mom dala ng stress. Hindi na ako nagtanong, pero ramdam ko ang sakit na nararamdama