I washed my face with cold water. Pagkatapos ay pinatuyo ko lang ito at nag-apply ulit ng konting face powder at lip tint, tapos ay lumabas na ako sa banyo. Ang akala ko nga ay bumalik na si Elliot sa mesa namin, pero hindi rin naman ako nagulat nang makita siya sa labas ng banyo.
Prente siyang nakasandal sa pader habang nakatingin sa pinto, halatang hinihintay ako.
“Uhm, sorry kung medyo natagalan ako. Hindi mo na sana ako hinintay,” mababa ang boses na saad ko.
“It’s okay, Rome,” malambing naman na sagot niya. “Are you done?” tanong pa niya kaya pilit akong ngumiti at marahang tumango.
“Let’s go,” saad ko naman.
Pagkatapos ay nauna na ulit akong maglakad sa kanya. Ramdam ko pa rin ang presensiya niya sa likod ko pero hinayaan ko na lang.
“Ang tagal niyo, girl,” saad ni Zoe pagkaupo ko sa tabi niya.
“Nanlalagkit kasi ako, kaya naghilamos na muna ako,” sagot ko naman kaya marahan siyang tumango.
“Hinintay ko na siya, marami kasing lasing sa madadaanan. It’s better to be safe,” saad naman ni Elliot kaya napangisi ang lahat.
“Uy, concern si Kuya,” maharot na saad ni Ken kaya natawa silang lahat, maliban sa akin.
“Let’s dance!” masayang suhestiyon ni Ana, mabilis naman na tumango sina May at Ken dahil doon. Tapos ay sabay sabay na silang tumayo.
“Tara na, guys!” pamimilit pa ni May sa amin kaya agad na tumayo si Zoe.
“I’ll just stay here. Medyo masakit kasi ang paa ko sa dami ng pinuntahan namin ni Zoe kanina,” sagot ko naman.
“Please, Rome?” pagmamakaawa naman ni Zoe kaya mahina akong natawa.
“Susunod ako, promise. Ipapahinga ko lang saglit ang paa ko tapos pupuntahan ko kayo,” sagot ko naman kaya mabilis siyang tumango.
“I’ll give you ten minutes. Kapag hindi ka sumunod, hindi kita kakausapin ng isang linggo,” may halong pagbibiro na pagbabanta niya kaya natawa na lang ako at marahang tumango.
Sina May, Ana at Ken ay naglakad na papunta sa dance floor. Nagsimula na rin namang maglakad paalis si Zoe, kaya bahagya akong umusog para medyo lumayo kay Elliot. Hindi ko alam kung sasayaw rin ba siya, o ano. Pero sana ay sumama na lang siya sa kanila. Ayaw ko kasi na maiwan kasama siya rito. Nahihiya ako.
“Hans, let’s dance, please?” pakiusap naman ni Zoe.
Ang akala ko ay tutuloy na siya sa dance floor pero huminto pala siya sa harap ni Elliot.
“I don’t dance, Zoe,” sagot naman ni Elliot kaya mabilis na umiling si Zoe at kumapit sa braso ni Elliot para mahila niya ito.
“I also don’t know how to dance, but we’re here to party. Pretty, please?” pamimilit pa ni Zoe habang hinihila si Elliot.
Napabuntong hininga naman si Elliot at wala nang nagawa kung hindi ang tumayo, bago sila maglakad palayo ay tumingin pa siya sa akin.
“Babalik ako agad,” mababa ang boses na saad niya kaya tumango na lang ako at nag-iwas na ng tingin.
Hindi ko maintindihan pero may kaunting kirot sa puso ko nang maglakad na sila papunta sa dance floor. Bago nga sila umalis ay napansin ko ang bakas ng tuwa sa mukha ni Zoe. Napabuntong hininga na lang ako dahil doon. Hindi na siguro ako pupunta sa dance floor. Mawawala na rin sa isip ni Zoe ang pagbabanta niya sa akin lalo na kapag nag-eenjoy na sila. At isa pa, alam ko rin naman hindi niya gagawin iyon sa akin.
Hindi rin niya ako matitiis. Alam ko kasi ilang beses na niyang sinabi iyon kapag lumalabas kami pero hindi naman niya ginagawa. Pagkalipas ng ilang minuto, ang masayang musika ay napalitan ng isang love song kaya naman agad akong napalingon sa dance floor.
Agad kong nakita sina Ana at Ken na magkasayaw, si May naman ay may kasayaw na rin na ibang lalaki. Sunod akong napatingin kina Zoe, at parang mas lalong kinurot ang puso ko nang makita na masyadong magkalapit ang katawan nila ni Elliot habang sinasabayan ang malumanay na tugtugin.
Siguro ay makakasanayan ko rin ang ganitong mga pangyayari. Siguro naman ay darating ang araw na hindi na ako makakaramdam ng kahit na ano, at hindi na ako maaapektuhan sa tuwing makikita ko si Elliot na may kasayaw na ibang babae, kahit pa hindi si Zoe iyon.
“Hey, uhm, I’m… I’m sorry kung makulit ako, p-pero puwede na ba kitang maisayaw?” napalingon ako sa lalaking nagsalita.
Saka ko lang napansin na siya pala iyong lalaki na lumapit din sa amin kanina at inaya akong sumayaw.
“H-Hindi kasi talaga ako sumasayaw, eh,” nahihiyang sagot ko naman.
“Ako rin naman,” agad na sagot niya. “You might find me weird, and I might scare you but it’s not my intention. Gusto ko lang talagang makipagkilala,” nahihiyang dagdag pa niya.
And I don’t know why, but I felt his sincerity when he said that. Kaya naman huminga ako ng malalim bago ngumiti sa kanya at marahang tumango.
“S-Sige, pero mabilis lang, ah? Masakit kasi talaga ang mga paa ko,” saad ko.
Nakita ko ang malawak na ngiting rumehistro sa mukha niya nang sabihin ko iyon. Mabilis din siyang tumango na parang sobrang saya dahil sa naging pagpayag ko. Inabot pa niya sa akin ang kanang kamay niya na agad ko namang tinanggap.
“I’m Leroy, by the way. Leroy Sanchez,” mababa ang boses na saad niya nang nasa dance floor na kami. “Uhm, c-can I put my hands on your waist?” nahihiyang tanong pa niya kaya mahina akong natawa.
“Oo naman,” sagot ko. “I’m Rome,” dagdag ko pa.
Inilagay naman niya ang magkabilang kamay niya sa bewang ko, tapos ako naman ay inilagay ang magkabilang kamay ko sa magkabilang balikat niya.
“It’s nice to meet you, Rome. Pasensiya na ulit sa pangungulit, ah?” saad pa niya kaya umiling ako.
“It’s really okay, Leroy,” sagot ko naman.
“Truth is, I’ve known you since college. Nahihiya lang talaga akong magpakilala. Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob,” saad pa niya na medyo ikinagulat ko.
“Really?” tanong ko kaya tumango siya at ngumiti.
“Yes, Rome. We used to go to the same university,” sagot naman niya na medyo ikinamangha ko.
“Wow, that’s nice to hear!” nakangiting saad ko pa.
“You know, hindi ko inaasahan na makikita ko kayo rito ng mga kaibigan mo. Naaalala ko na sila rin ang lagi mong kasama noon. I really don’t know them all, aside from you and of course, your bestfriend, Zoe,” saad ulit niya.
“Uy, pasensiya na kung hindi kita kilala, ah? Nahihiya tuloy ako,” saad ko kaya mahina naman siyang natawa.
“It’s okay, Rome. Sa dami ba naman ng mga nagkagusto sa ‘yo nung college, hindi ko na inasahan na makikilala mo ako. Kaya natutuwa ako na magkausap tayo ngayon,” sagot naman niya kaya napangiti ako.
“Wala namang nagkakagusto sa akin noon,” nahihiyang saad ko.
May mga nagkakagusto sa akin, pero dahil nga si Elliot ang laging laman ng isip ko ay wala akon in-entertain kahit na sino. Pero hindi naman marami. Bilang lang din sila.
Habang tahimik kaming nag-uusap at nagsasayaw ay bahagya akong napalingon sa gawi nina Zoe at Elliot, nakita ko na madilim ang titig sa akin ni Elliot na parang hindi niya nagugustuhan ang nakikita niya, at hindi ko alam kung bakit.
Kinabahan ako sa klase ng tingin na meron siya sa akin. Iyong tingin na parang kahit na anong oras ay handa siyang manakit ng tao. Masyadong nakakatakot. Kahit pa alam ko naman na hindi niya gagawin iyon ay natatakot pa rin ako.
“Uhm, Leroy, pasensiya na, ah? Masakit na talaga ang mga paa ko. Ang dami kasi naming pinuntahan ni Zoe kanina,” nahihiyang saad ko, ngumiti naman siya at mabilis na tumango.
“Okay na okay lang, Rome. Masaya ako na pinaunlakan mo ako kahit na papaano,” saad niya. “Ihahatid na kita pabalik sa mesa niyo,” dagdag pa niya kaya ngumiti rin ako at marahang tumango.
Inalis na niya sa bewang ko ang mga kamay niya, ibinaba ko rin naman ang mga kamay ko tapos ay sabay na kaming naglakad pabalik sa mesa namin ng mga kaibigan ko.
“Uh, d-do you think it’s going to be too much if I will ask you for your number?” nahihiyang tanong niya nang makaupo na ako, nakita ko na bahagya pa siyang nagkamot ng batok nang itanong iyon.
“No, no… it’s okay,” nakangiting sagot ko naman. “Although, I’m not a fan of texting and I don’t usually answer calls. Pero magre-reply ako kapag may libreng oras basta magpakilala ka,” dagdag ko pa kaya malawak ulit siyang napangiti at mabilis na tumango.
“Thank you!” masayang sagot niya at agad na inabot sa akin ang cellphone niya, hindi naman ako nagdalawang isip na kunin iyon at ilagay ang number ko.
Nang matapos ay ibinalik ko rin sa kanya at ngumiti ulit. He looks really nice and friendly. At sa totoo lang, kahit pa mabilis lang ang naging pagsayaw namin ay nag-enjoy ako sa kuwentuhan namin. Kaya wala naman sigurong masama kung kakaibiganin ko rin siya.
“Thank you so much, Rome. I really appreciate it. Ang ganda mo na ang bait mo pa,” saad ulit niya kaya mahina akong natawa.
“Huwag ka nang mambola,” sagot ko kaya mahina siyang humalakhak. “Anyways, thank you as well for the time,” dagdag ko pa.
“Babalik na ako sa table namin ng mga tropa ko,” pagpapaalam niya kaya marahan na lang ulit akong tumango.
Nang makabalik na siya sa mesa nila ay napabuntong hininga na lang ako. Tapos ay kinuha ko ang baso ko na may lamang alak at uminom doon. Mga ilang minuto lang ay napansin ko na pabalik na rin sa mesa namin ang mga kaibigan ko.
“Uy, girl! Naaalala ko na ang nakasayaw mo! We went to the same university. Basketball player iyon noon! Grabe, kaya pala familiar siya,” excited na saad ni Ken pagkaupo nila.
“Nabanggit nga niya sa akin kanina,” sagot ko naman.
“Leroy Sanchez, tama?” tanong pa niya kaya marahan akong tumango.
“Kaya pala familiar siya,” saad naman ni May.
“Gaga, crush na crush niyo kayang dalawa ni Ana iyon dati,” natatawang saad naman ni Ken. “Ano, girl, did you get his number?” tanong pa ni Ken sa akin.
“He asked for my number,” sagot ko naman.
Halos himatayin na sila sa kilig dahil doon, ako naman hindi ko alam kung paano magre-react kasi ramdam ko pa rin ang mabigat na titig sa akin ni Elliot.
“Did you enjoy his company? Mukhang tuwang tuwa ka, eh,” pabulong na saad pa niya sa akin kaya napalingon ako sa kanya. Iyong tingin naman niya sa akin ngayon ay parang nang-aakusa na may ginawa akong mali.
Teka, nagseselos ba siya?