Chapter 01
Zhannia
ANG daming tao sa auditorium ngayon. Halos hindi ako makahinga sa dami ng emosyon na nararamdaman ko. Ngayong araw na ito ang pinakahihintay ko—ang araw ng aming pagtatapos sa medical school. Sa wakas, matapos ang lahat ng puyat at pagod, narito na ako, nakatayo bilang summa c*m laude.
Tinawag na ng dean ang pangalan ko. Tumayo ako, at narinig ko ang palakpak ng mga tao. Naglakad ako papunta sa podium, at pakiramdam ko’y nanginginig ang mga kamay ko. Huminga ako nang malalim, pinilit na kalmahin ang sarili. Habang papalapit ako sa entablado, biglang bumalik sa akin ang mga alaala ng pagkabata ko.
Noong bata pa ako, pangarap ko talagang maging arkitekto. Lagi kong iniisip ang mga disenyo ng bahay at gusali. Pero habang lumalaki ako, unti-unting nagbago ang pangarap ko. Nakikita ko ang tatay, si Dr. Zane Kristoffe Dela Costa, sa kanyang trabaho bilang doktor. Sikat siya at napakagaling, at tuwing may pasyente siyang natutulungan, parang may magic. Naging inspirasyon ko siya, at unti-unti kong naisip na gusto ko ring maging doktor katulad niya.
Inilibot ko ang tingin ko sa buong auditorium. Kailangan naroon ang mga magulang ko. Sa wakas, nakita ko sila—ang nanay ko, naka-ngiti nang malapad, at ang tatay ko, nakatayo at pumapalakpak nang malakas, halos maluha na sa sobrang saya. Ang tatay ko, isa sa mga guest speakers ngayong araw.
"Ladies and gentlemen, esteemed faculty, and fellow graduates," panimula ko, pilit na pinapanatiling steady ang boses ko. "Today, we stand on the threshold of a new chapter in our lives. Our journey here has been filled with challenges and triumphs, and each one of us has grown in ways we never imagined."
Habang nagsasalita ako, hindi ko maiwasang mapako ang mga mata ko kina Khail at Tessa. Magkatabi sila nang upuan dahil magkasunod ang mga apelyido nila. Napapansin ko ang bawat galaw nila—ang mga paghawak ni Khail sa kamay ni Tessa, ang pag-ngiti nila sa isa't isa. Parang pinipiga ang puso ko sa tuwing nakikita ko sila, lalo na kapag hinahawakan ni Khail ang kamay ni Tessa. Minsan, makikita ko rin ang paglingon ni Tessa kay Khail, may kakaibang ningning sa kanyang mga mata. Lihim kong ninanais na ako ang nasa kanyang kalagayan. Sana ako na lang si Tessa. Tinitingnan ako ni Khail pero hindi sa ganyang paraan.
"We've learned not only about medicine but about resilience, compassion, and the importance of support from those around us," pagpapatuloy ko, pilit na pinipigilan ang pag-aalinlangan sa aking boses. "I've been fortunate to have two amazing friends by my side, who have made this journey unforgettable."
Nagtagpo ang mga mata namin ni Khail, at nag-thumbs up siya sa akin, ang ngiti niya kasing liwanag ng araw. May ibinulong si Tessa sa kanya, at nagtawanan sila. Pakiramdam ko’y may bumara sa lalamunan ko pero pilit kong tinapos ang speech.
"To my fellow graduates, as we move forward into our careers, let us remember the lessons we've learned here. Let us be the kind of doctors who not only heal but also inspire hope and kindness. Congratulations to the class of 2019. We did it!"
Nagpalakpakan ang mga tao, at umatras ako mula sa podium, ang puso ko’y puno ng halo-halong emosyon. Bumalik ako sa upuan ko, dala ang bigat ng mga hindi nasasabi. Sina Khail at Tessa, kumaway sa akin, masayang-masaya. Ngumiti ako pabalik, tinatago ang kirot sa puso ko, alam na ang pag-ibig ko kay Mikhail ay mananatiling lihim—sa ngayon.
Pagkatapos ng seremonya, sinalubong ako ng mga magulang ko. Ang nanay ko'y yakap-yakap ako nang mahigpit, at ang tatay ko'y tila hindi mapigilang umiyak.
"Anak, we are so proud of you," sabi ng tatay ko, ang boses niya'y nanginginig. Siya ang isa sa mga pinakamahusay na doktor sa bansa, at ang mga salita niya'y tila ginintuang medalya para sa akin.
"Salamat po, Nay, Tay," sabi ko, sinusubukang pigilin ang mga luha. "Para po sa inyo ito." Saboy abot sa Diploma ko at suot sa medalya ko.
MATAPOS ang seremonya, nagkakagulo ang mga tao sa labas ng auditorium. Lahat ay abala sa pagkuha ng mga pictures, pagbati, at pagkukuwentuhan tungkol sa mga plano sa hinaharap. Abala rin ako sa pagyakap at pakikipag-usap sa mga kamag-aral at sa mga propesor. Sa gitna ng kasiyahan, napansin ko sina Mikhail at Tessa na papalapit kasama ang mga magulang ni Mikhail at ang tiyahin ni Tessa.
"Congratulations, Zhannia!" sabi ni Tita Nathalie, ang ina ni Mikhail. Nakangiti siya nang malapad at may hawak na malaking bouquet ng mga bulaklak. "We are so proud of you. Summa c*m laude! That's such an incredible achievement." Masaya niyang sabi.
"Thank you po, Tita," sagot ko, nararamdaman ang init ng kanilang pagbati sa akin. "Congratulations din sa'yo, Khail. Magna c*m laude! At sa'yo Tessa, with honors." Masaya ko ring sabi.
Ngumiti si Mikhail at niyakap ako ng mahigpit. "Yanna, you did it! I knew you would. You were always the smartest among us."
"Thanks, Khail," sabi ko, sinusubukan ang hindi magpaapekto sa closeness nila ni Tessa. "Pero hindi rin biro ang magna c*m laude, ha. Congratulations din sa'yo. And Tessa, with honors! Ang galing natin, we made it."
"Thanks, Yanna," sagot ni Tessa, habang pinapahiran ang luhang saya sa kanyang mga mata. "We all worked so hard for this. We deserve to celebrate! Sulit ang pagod natin."
"Of course," sabat ni Tito Ethan, ang ama ni Mikhail. "You kids should be proud of yourselves. You've achieved so much, and we know you'll all go on to do amazing things. We are so proud of you guys."
Tumango si Khail, hawak ang kamay ni Tessa. "This is just the beginning for us. The real challenge starts now, but I know we can handle it. Especially with friends like you by our side, Yanna."
Naramdaman ko ang pag-init ng mga pisngi ko. Friends? Yeah, we are friends. "Thanks, Khail. And I'll always be here for you guys, no matter what."
Napansin kong tumabi ang tatay Zane ko kay tito Ethan. "Zane," bati niya, "I always knew our kids would make us proud."
"Indeed, Ethan," sagot ni Tatay "It's a great day for all of us. And I'm so proud of my Princess. You made Tatay so proud, my Princess." Sobrang proud na sabi ni Tatay at niyakap akong muli.
Habang nag-uusap kami, lumapit ang nanay Zairah ko at nagtanong, "So, sabay-sabay ba kayong magte-take ng board exam? I heard it's scheduled for November." She said excitedly. Nangingislap ang mga matang nakatitig sa akin.
Pagkatapos, nagkatinginan kami nina Khail at Tessa at sabay-sabay na tumango. "Yes po, Tita," sagot ni Tessa. "We've been preparing for it together. It's going to be tough, but we're ready. Kami pa! So excited, right?" Sabay sabay kaming tumango na tatlo.
"That's good to hear," sabi ng nanay ko, halatang proud sa amin. "You three have always supported each other. I know you'll all do great."
Ngumiti si Tessa at tumingin sa kanyang Auntie. "It's just sad that my parents couldn't make it today. They're in America on a business trip, so my Aunt Jessica came instead. But I know they're proud of me." May bahid na lungkot ang tinig nito.
"Of course, they are," sabi ni Aunt Jessica habang hinahaplos ang balikat ni Tessa. "They sent their love and congratulations. They know how hard you've worked for this."
Ngumiti si Tessa at sumandig kay Khail. "Kahit wala ang parents ko, ang mahalaga nandito si Mikhail para sa akin," sabi niya, sabay palupot ng kanyang braso kay Khail. Nagkatinginan silang dalawa at sabay silang matamis na ngumiti sa isa't isa.
Naramdaman ko ang kirot ng selos sa dibdib ko, pero pilit ko itong itinago sa likod ng hilaw na ngiti. "That's great, Tessa. I'm really happy for you both." Kunwa'y na sabi ko na pilit itago ang nasa dibdib ko. Iniwas ko ang tingin sa kanilang dalawa, particularly sa kamay na nakapalupot. Hindi ko nagagawa kay Khail, everytime na nagattempt ako, agad na umiiwas sa akin si Khail. Iyong pakiramdam na may boundary kaming dalawa. Hindi kagaya kay Tessa na okay lang.
Nagsimula ang masayang usapan tungkol sa mga plano namin sa hinaharap—ang mga specialization na balak naming kunin, ang mga ospital na gusto naming pagtrabahuan.
Ayokong magtrabaho sa ospital ni Tatay. Ngunit, may pinatayong ospital si Tatay rito sa Maynila na kasosyo niya ang mga magulang ni Mikhail kaya sila nagkilala at pati na ang mga magulang ni Tessa ay kasosyo pero pinakamalaking share ay kay Tatay Zane. At napaguspan ang mga plano para sa bakasyon bago pumasok sa mundo ng medisina. Excited na akong maging license doktor, like my Tatay Zane.
"Speaking of hospitals," sabi ni Tito Ethan, "instead of working at other hospitals, why don't you all work at the hospital Zane and I built? Thier family owns the largest share, and with our partnership and Tessa's share, we'll all be contributing to its success. Kayong tatlo ang kailangan sa ospital na 'yon kaysa pumunta pa kayo sa ibang ospital."
"Ethan is right. Doon kayo magtatrabaho na tatlo," sang–ayon ni Tatay Zane sa suhestiyon ni Tito Ethan na sinang–ayunan naman ng tatlong babae.
Isang malalim na buntong–hininga ang pinakawalan ni Khail, tila pagsuko sa aming mga ama. "Yes," sagot ni Khail. "It'll be exciting to work there together. Tito Zane family has built an amazing facility, and with our parents' partnership and Tessa's share, we're bound to make a significant impact."
Ngumiti si Tessa at sumang-ayon. "It's going to be a great journey. I'm looking forward to working with both of you. Thank you, Tito Amery and Tito Zane."
Sa kabila ng kasiyahan, hindi ko maiwasang mapansin ang mga maliliit na sandali ng sweetness nina Khail at Tessa—ang mga paghawak nila sa kamay ng isa’t isa, ang mga lihim na tinginan na tila walang nakakaalam kundi sila lang parang ang mundo ay pag–aari lang nilang dalawa. Hindi ko alam kung napapansin ba ito ng mga magulang namin.
Sa kabila ng lahat, masaya ako. Masaya ako dahil nakamit ko ang pangarap ko, masaya ako dahil kasama ko ang mga kaibigan ko, at masaya ako dahil narito ang mga magulang ko, super proud sa akin, lalo ang Tatay. Si Yuan, siya ang pumalit sa pangarap ko. Siya ngayon ang Architect sa aming dalawa pero nasa ibang bansa siya ngayon para hawakan ang isang napakalaking proyekto roon. Si Tito Chris ang nagtuturo sa kanya kung paano patakbuhin ang Construction Company nila ni Tatay. Ang mga anak ni Tito Chris ay iba iba ang piniling propesyon.
Muli akong napatingin sa dalawa, nagseselos ako sa kanila. Ngunit sa ilalim ng lahat ng kasiyahan, alam kong may bahagi sa puso ko na umaasang darating ang araw na makikita rin ako ni Mikhail higit pa sa isang kaibigan.