This story is a work of fiction. Names, characteristic, places, and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons, living or dead, events , or locales is entirely coincidental.
Prologue
Yanna POV
"Papakasalan kita pero sa isang kondisyon: walang makakaalam na asawa kita, ni ang pamilya mo o mga kaibigan mo. Sa mata ng mundo, kailangan nating itago ang lahat, at ipapamukha ko sa'yo araw-araw na wala kang halaga sa buhay ko." ---KHAIL---
May kasabihan akong narinig na hindi ko alam kung totoo. "Never fall in love with a broke person na hindi pa naka–move on sa kanilang ex."
Mahirap daw mahalin ang isang tao kapag hindi pa nakaka–move on sa kanilang nakaraang relasyon. Maaring hindi pa sila handa na magbigay ng buong pagmamahal at atensiyon sa isang bagong relasyon, na maaring magdulot ng komplikasyon at sakit sa puso sa hinaharap.
Sa dami–dami ng mga lalaki sa mundo, ngunit pilit pinipili ng puso ko na mahalin ang taong sinira ng pagmamahal.
Sabi ko noon na ayaw kong maging katulad kay Nanay. Ayokong magmahal ng lalaking hindi ako mahal, pero nakakainis ang puso ko.
Pinili niyang mahalin ang lalaking turing sa akin ay isa lamang matalik na kaibigan. Isa akong Doctor tulad ng aking ama, isang cardiologist. Kung pwede ko lang palitan ang aking puso, ginawa ko na.
*******
MASAYA ako habang nagtitinda sa gilid ng kalsada, hindi ko mapigilan ang ngiti ko. Halos ubos na ang mga lumpiang gulay at Shanghai na pinaghirapan kong lutuin kanina. Sulit ang pagod. Pero bigla akong napatigil. Si Michi… nasaan si Michi? Kanina lang nasa tabi ko siya, tumutulong sa akin, pero ngayon…
Nataranta ako, mabilis kong nilibot ang mga mata ko sa paligid. “Michi? Michi!” tinawag ko siya, ngunit wala akong narinig na sagot. Tumayo ako, at nagtanong sa kapwa tindera sa tabi. “Manang, nakita mo ba ‘yung anak ko? Si Michi?”
“Oo, Anna. Kanina ko pa nga nakitang pumunta doon sa may motorcross area,” sagot ni Manang Esme habang tinuturo ang direksyon.
May motor cross event dito sa lugar namin. Bumalik ako sa pwesto ko, at hinahanap ko ang isang tupper ware na may laman na shanghai at lumpiang gulay na i–uuwi ko sana sa bahay para ipamigay sa mga bata. Tiyak kong dinala ito ni Michi roon at benenta. Makulit ang apat na taong gulang na anak ko, gusto niya akong laging tinutulungan.
Hindi na ako nag-aksaya ng panahon. Mabilis akong naglakad papunta sa sinabing lugar. Sa bawat hakbang, nararamdaman ko ang pabilis nang pabilis na t***k ng puso ko.
"Nakita mo ang anak ko?" tanong ko sa kakilalang nakasalubong ko.
"Naroon siya," sagot niya sa akin at itinuro ang isang tent na blue at dilaw ang kulay.
Binilisan ko ang paghakbang. Pagdating ko sa malapit sa tent, nakita ko si Michi na nakatayo, sa isang grupo—at isang lalaki na halos limang taon ko nang iniwasan.
Siya. Ang dati kong asawa. Ang ama ni Michi. Si Mikhail Niccolo Hayes.
Mabilis akong nagtago sa gilid ng isang sasakyan, nakatitig sa eksenang parang mababasag ang puso ko sa bawat segundo. Naririnig ko ang bawat salita, bawat hinga. Ang boses ng anak ko at ang lalaking minsan kong minahal at pinag-alayan ng aking buhay.
"Hey, little girl, what’s your name?" tanong ni Amara, I know her anak siya ni Rune Hayes, sikat na anak niyang babaeng racer. Ito ang sumunod sa yapak ni Rune Evander Hayes.
"Michi po," sagot ng anak ko, nanatiling nakangiti.
"Where’s your dad and Mom? Bakit ka nandito? Ano ang tinitinda mo? Walang nag-aalaga sa'yo?" Halata ang pag-aalinlangan sa boses ni Amara, parang hindi siya makapaniwala sa ginagawa ng bata.
Nakita kong napatigil ang dating asawa ko, tila hindi alam ang sasabihin. Hindi niya alam ang buong katotohanan, na nagka–anak kami.
Michi pouted her lips. "My dad… he’s dead. He drowned in the sea a long time ago," sagot ni Michi, nang walang emosyon, para bang matagal na niyang tinanggap ang katotohanang iyon. Sa puntong iyon, naramdaman ko ang sakit na hindi ko maipaliwanag—parang lahat ng pinilit kong itago, bigla na lang bumagsak sa harapan ko.
Mas lalo pa akong napakubli nang makita ang kakambal kong, si Yuan, nasa mukha niya ang tila hindi makapaniwala sa narinig. "Wala na ang tatay mo? Eh, paano ang nanay mo, okay lang ba sa’yo na wala kang tatay?"
Sa sandaling iyon, gusto kong sumigaw, gusto kong ipagtanggol ang anak ko. Pero nanatili akong nakatago, pinipilit ang sarili na huwag umiyak. Ayokong malaman nila kung nasaan ako, na buhay na buhay pa ako. Hahayaan ko sila sa paniniwala nilang patay na ako. Iniwan ko ang marangya kong buhay at pinili maging simpleng mamamayan.
Pero ang sagot ni Michi, tila isang kutsilyo na tumusok sa puso ko at sa lahat ng nakarinig. "Okay lang po, kasi may nanay akong love na love ako. Siya ang nanay at tatay ko. Siya ang super hero ko, pinaka the best Nanay in the whole wide world." May pagmamalaki sa tinig ni Michi.
Halos hindi ako makahinga. Nakita ko ang mukha ng dating asawa ko—gulat, guilt, at lungkot na hindi niya maitago. Naramdaman ko rin ang bigat ng mga sinabi ni Michi. Sa kabila ng lahat ng hirap, pinalaki ko siyang marunong magmahal at marunong ipagtanggol ang sarili. Pero masakit pa rin, dahil alam kong kahit ano pa ang gawin ko, may parte ng buhay niya na hindi ko kayang punan.
Makalipas ang ilang saglit muling nagsalita ang anak ko. "Bilhin niyo na po ang paninda ko, please, para makauwi na kami ni Nanay. May sakit po kasi siya. Kailangan ko na pong umuwi."
Nasapo ko ang aking sarili noo, sinabi ko kanina sa kanya na masakit lang ang ulo ko. This headache is not that serious naman. Doctor ako kaya alam ko. Bago siya umalis kanina, hinilot pa niya ang ulo ko. Akala niya talaga ni Michi na malubha ang sakit ng ulo ko, naglalambing lang naman ako sa kanya. Nakita ko kung paano nag-iba ang mga mukha ng mga kausap ni Michi—mula sa curiosity, naging awa at malasakit. Napatingin ang dating asawa ko sa anak ko, tila hindi makapaniwala sa mga naririnig. Nakita ko siyang lumapit pa kay Michi, at biglang niyakap ito ng mahigpit.
Halos bumagsak ang buong mundo ko sa eksenang iyon. Gusto kong sumigaw, gusto kong pigilan siya, pero natigilan ako sa sakit at gulat na nasa díbdîb ko.
"Doktor ako, sabi ng asawa ko, habang nakayakap pa rin kay Michi. "Gusto mo ba, tingnan ko ang Nanay mo? Para malaman natin kung ano ang kalagayan niya."
Biglang lumiwanag ang mga mata ni Michi, na parang nakuha niya ang pinaka-importanteng balita sa buhay niya. "Totoo po? Doktor kayo? Gusto ko rin pong maging doktor paglaki ko, para matulungan ko si Nanay!"
Parang tinusok muli ang puso ko ng mga salitang iyon. Sa kabila ng lahat ng hirap, kung alam niya lang na Isa rin akong doktor, profession na iniwan ko. Ang Hindi alam ng aking anak na parehong Doktor ang mga magulang niya. Hindi na Ako nagulat sa pangarap niyang maging doktor, hindi lang para sa sarili niya, kundi para matulungan ako, ang nanay niya. At ngayon, ang lalaking hindi ko inisip na babalik sa buhay namin, ay nagbibigay ng pag-asa sa anak ko.
Mabilis kong pinahid ang mga luha sa gilid ng mata ko, pero alam kong hindi ko kayang harapin sila sa mga oras na iyon. Hindi ko kayang ipaliwanag ang lahat ng ito sa kanya, lalo na’t hindi ko pa alam kung paano ko siya haharapin ulit pagkatapos ng lahat ng nangyari.
Dahil ang sakít ay nanatili pa rin sa puso ko.
Ipagpapatuloy....