Chapter 02
Zhannia
PAGKATAPOS ng kasiyahan sa auditorium, nagdesisyon ang lahat na magtungo kami sa Manila Peninsula. Doon kami magla-lunch kasama ang mga magulang ni Khail, ang tiyahin ni Tessa, at ang mga magulang ko. Ang ambiance ng hotel ay elegante at maganda, pero sanay na kami sa ganitong lugar dahil lagi kaming dinadala ni Tatay rito.
Nalungkot ako bigla dahil wala ang quadro, nasa bahay sila nina Lola Farrah at Lolo Henry. Pati si Lola Zarina and Lolo Anthony, wala rin. Dahil naging masakitin na sila sa katandaan nila. At hindi maiwasang hindi pumasok sa isip ko ang panahon ng kabataan. Bagaman hindi ako nag–iisang anak ay laging masaya sa bahay. Mga panahon na naglalaro lang kami at kasama ang mga anak nina Tito Kaydan at Tita Kassandra pati ang mga anak ni Tito Josh at Tita Zari and Tita Zien at Tito Jacob.
Then, nakilala ni Tatay si Tito Ethan sa isang auction at doon nagsimula ang kanilang partnership, then my friendship to Khail was started, nung nagkilala kami sa anniversary ng kanilang HayesTower. Si Khail ang nagpakilala sa akin kay Tessa, same school kaming pinasukan noong highschool pero noong grade school lagi kaming nagkikita sa mga special event at kung mapapasyal sila sa Cagayan dahil may biniling property si Tito Ethan.
Subalit nang magsilaki na kami'y nagkanya–kanya na ang buhay. At nasa ibang bansa na nagpirmi ang iba. I missed the old times na walang pinoproblema kundi ang maglaro at kumain. Si Tito Josh, may sariling ospital na pinapatakbo, kaya madalang na lang namin silang makita at makasama. Si Tito Kaydan abala sa pamamahala sa Pharmacuetical Company nila. Si Tita Kassandra busy sa pagsusulat niya at mas pinili ang umuwi lagi sa Isla, ang mga anak nila sobrang busy rin sa kanya–kanyang buhay.
Well, that's life by the way. Hindi na kami mga bata.
Pagpasok namin sa lobby, napansin kong magkahawak kamay ang dalawa. Naglakad kami papunta sa reserved table sa isang private dining area, kung saan makikita ang ganda ng buong restaurant.
"Wow, this place is beautiful!" sabi ni Tessa habang nililibot ng mga mata niya ang paligid. "Thank you for arranging this, Tita Zairah."
"Of course, Tessa," sagot ni Nanay. "Para sa inyong tatlo."
"This is beautuful, Nanay," nakangiting pasasalamat ko sa aking ina.
"Actually hindi lang ako ang nag-arrange nitong lunch," sabi ni Nanay sa kanya. "Si Tita Nathalie niyo, ang tumulong para ma-reserve ang lugar na ito. May isang grand celebration pa nga kaming gagawin sa Sabado para sa inyo."
"Really, Tita? Nay?" sabay na tanong namin ni Tessa, halatang excited at nagkatawanan kami. "That sounds amazing!" dagdag ni Tessa.
Papalapit na kami sa mesa, hinila ni Khail ang upuan para kay Tessa at sabay silang ngumiti. Bahagyang nanlumo ako at umaasa rin na gagawin iyon ni Khail para sa akin, pero agad kong binalewala ang aking naramdaman at naupo na lang nang tahimik.
"Thank you, Khail," sabi ni Tessa, habang naupo sa upuan.
"You're welcome, Tessa," nakangiting sagot ni Mikhail.
Habang hinihintay namin ang pagkain, nagsimula na ang mga kwentuhan at tawanan. My fafher and Tito Ethan was busy talking about business. Ate Amelia is not around too, nasa states.
"Yanna, what are your plans after the board exam?" tanong ni Tita Nathalie. "Any specific hospital you have in mind for your residency?"
"Well, Tita, kung ano ang sinabi ni Tatay at Tito baka doon na rin po," sagot ko. "It's always been a dream of mine to work there and continue the legacy of my Father." I said proudly. Inabot ni Nanay ang kamay ko at pinisil ang palad ko.
"That's wonderful," sabi ni Tita Nathalie. "And you, Son? Have you decided where you want to specialize?"
Ngumiti siya at tumingin kay Tessa bago sumagot. "I'm thinking of specializing in cardiology. It's a challenging field, but I think it's where I can make the most impact."
"That's great, Khail," sabi ko, pilit na hindi magpaapekto sa sweetness nila ni Tessa. "I know you'll do great in whatever you choose. Ikaw pa? Believe na believe ako sa'yo, Khail."
"And you, Yanna?" tanong ni Tito Ethan. "Have you decided on your specialization?"
Ngumiti ako at sumagot, "I'm also planning to specialize in cardiology, Tito. It's a field that fascinates me, and I want to make a difference in people's lives." Masayang sabi ko.
Nagulat si Khail sa sagot ko at medyo nawala ang ngiti sa labi niya. "Cardiology? Akala ko ba neurosurgery ang kukunin mo? Bakit ngayon biglang naging cardiology?" tanong niya, may bahid na pagkadis–gusto sa kanyang tinig.
Pinilit kong ngumiti kahit nararamdaman ko ang tensyon sa sagot niya. Alam kong tutol siya rito. "I–I know, Khail. I was considering neurosurgery before, but as I learned more about cardiology, I realized it was a better fit for me. It's a field where I feel I can make a significant impact, parang ito ang gusto kong gawin." I defended myself, mula sa mga titig niya.
Napilitang, tumango si Khaila nang ipatong ni Tessa ang kamay nito sa ibabaw ng kamay ni Khail, pero hindi pa rin maalis ang pagka–disgusto sa kanyang mukha. "I just thought you were set on neurosurgery. It's surprising to hear this change."
"People change their minds, Khail," depensang sabi ko, tried to explain. "We learn new things and discover different interests. Cardiology just feels right for me now." Dagdag kong sabi dahil iyon ang totoo.
Na amaze ako, how's our heart work katulad ng aking nararamdaman sa kanya.
"And Tessa, what about you?" tanong ng nanay ko, marahil ramdam niya ang tensiyon.
Ngumiti siya at tumingin kay Khail. "I'm planning to specialize in pediatrics. I love working with kids, and I think it's a field where I can really make a difference. Nag–iisang anak lang ako kaya napakalapit ko sa mga bata."
Tumango–tango ang nanay. "That's wonderful, Tessa," sabad ni Aunt Jessica. "I know you'll be an amazing pediatrician." Pagmamalaki niyang sabi sa pamangkin.
Ilang sandali lang. Dumating na ang mga pagkain, at lahat kami ay nagsimula nang kumain. Habang kumakain, nagpatuloy pa rin ang kwentuhan tungkol sa mga plans namin sa hinaharap at ang mga experiences namin sa medical school. Hindi ganoon kadali ang pinagdaanan namin, kahit doktor si Tatay hinahayaan niyang matuto ako in my own way.
Umalis ako sa bahay namin sa Cagayan at mas pinili ko ang mag–aral here in Manila. Sa states sana ako papaaralin ni Tatay but I choose here in the Philippines mayroon naman akong mga kaibigan na supportive.
"Mahirap man ang naging journey natin, worth it naman," sabi ni Khail habang nagtatawanan kami sa isang funny na nangyari noong internship namin. "We all went through a lot, but look at us now."
"Exactly," sagot ko. "And we'll continue to support each other, no matter what."
PAGKATAPOS naming kumain habang patuloy lang sa kwentuhan, nagpasya si Tessa na magpunta sa CR. Tumayo siya mula sa kanyang upuan at nagsalita.
"Excuse me, I'll just go to the restroom," sabi niya. Tumango ako sa kanya at ganoon rin ang mga kasama namin.
Bago siya tuluyang lumakad palayo, tumingin siya kay Khail nang makahulugan, na para bang sinasabi ng kanyang mga mata na sumunod si Khail sa kanya. Napansin ko ang palitan na tingin na iyon at naramdaman ang kaunting kirot sa dibdib ko. Dahil ang mga mata nila ay hindi makakapagsinungaling, kung ano ang mayroon sa kanila. Ang mga kasama namin ay abala pa rin sa kanilang mga kwentuhan at hindi napansin ang dalawa.
Makalipas ang ilang sandali, tumayo rin si Khail at nagpaalam. "I'll just check on Tessa," paalam niya habang lumakad patungo sa direksyon ng restroom.
Habang hinihintay ko ang kanilang pagbabalik, patuloy na nag-uusap ang mga magulang namin at ang tiyahin ni Tessa. Sa kabila ng abala, hindi ko maiwasang mag–isip sa kung ano ang nangyayari sa loob ng restroom. Dahil kanina pa sila wala.
Pagkaraan pa ng ilang minuto, hindi pa rin bumabalik sina Khail at Tessa. Nagdesisyon akong sundan sila sa restroom. Tumayo ako at nagsabi ng paalam.
"Excuse me, I'll just go to the restroom as well," sabi ko, sinusubukan na hindi ipahalata ang kaba ko. Sabay–sabay silang tumango habang patuloy silang nag–uusap about business.
Lumakad ako papunta sa hallway na tahimik at walang ibang tao sa paligid. Huminga ako ng malalim at nagpatuloy sa paglakad patungo sa restroom ng babae.
Pagdating ko sa tapat ng pinto, dahan-dahan kong binuksan ito. Sa loob, nakita ko silang dalawa na nag-uusap nang seryoso. Si Khail ay nakasandal sa sink habang si Tessa ay nakatayo sa harap niya, nakapalupot ang dalawang kamay niya sa leeg ni Khail. Sobrang sweet nilang tingnan.
Pagkatapos, naghahalikan sila nang matindi. Agad akong nagkubli sa likod ng pader, sa matinding kaba at panibughong naramdaman ko, sinusubukang hindi gumawa ng ingay. Narinig ko ang kanilang paghinga, na tila nagpapahiwatig ng kanilang mga nararamdaman. Pagkatapos ng ilang sandali, huminto sila sa paghahalikan, at narinig ko si Tessa na nagsalita.
"Baby, kailan mo ba balak sabihin ang tungkol sa atin?" tanong niya habang nakapalupot pa rin sa leeg ni Khail, nakatingin nang diretso sa mga mata nito.
Nakita kong huminga nang malalim si Khail bago sumagot. "Baby, I... I don't know. It's complicated. I don't want to hurt anyone."
"Baby," sabi ni Tessa, "you can't keep this a secret forever. Yanna deserves to know the truth. We deserve to be honest with everyone. Kailangan natin sabihin sa kanila na tayo na." Tila nadidismayang sabi ni Tessa and she pouted her lips at inabot iyon ng isang mariin na halik ni Khail.
Para akong pinagsakluban ng mundo. Hindi ko man lang alam na sila na palang dalawa, wala man lang silang sinasabi sa akin. Ang sakit ng dibdib ko, pakiramdam ko naninikip sa sakit.
Tahimik pa rin akong nakikinig sa kanila, ramdam na ramdam ang bigat ng mga salita ni Tessa at ang pag-aalinlangan ni Khail. Alam kong hindi magiging madali para sa kanya ang sitwasyong ito, ngunit nararamdaman ko rin ang kirot sa dibdib ko dahil sa nalaman ko.
Hinawakan ni Tessa ang mukha ni Khail, tinitigan siya ng mariin. "Mikhail, we have to make a decision. We can't keep hiding. Kailangan na nating sabihin ang totoo tiyak kung, Yanna, will understand us." Pangungumbinsi niya rito.
Isang matamis na ngiti ang pinakawalan ni Khail sa kanya at niyakap niya ito na tila ba takot na takot na wala ang dalaga. "You're right, Baby," sagot ni Khail. "I'll talk to Yanna soon. I promise." Malambing niyang sabi sa babae at muling naglapat ang kanilang mga labi.
Parang piniga ng malalaking kamay ang puso ko. Naramdaman ko ang isang piraso ng puso ko na parang nadurog. Hindi ko na kayang magtagal pa sa nakikita ko, kaya dahan-dahan akong umalis sa pinto ng restroom, sinusubukang hindi magpahalata ng aking nararamdaman.