Chapter 03 Announcement

1833 Words
Chapter 03 Zhannia PINUNASAN ko ang aking mga mata, and I took a deep breath, sinusubukang kalmahin ang sarili bago bumalik sa dining area. Mabigat ang aking pakiramdam, ngunit alam kong kailangan kong magpakatatag. Walang puwang para ipakita kung ano ang nararamdaman ko. Kailangan kong magpanggap na maayos ang lahat, kahit na parang bumagsak na ang mundo ko. Pagbalik ko sa dining area, sinalubong ako ng mga ngiti ni Nanay at ni Tita Nathalie. Patuloy silang masayang nagkukuwentuhan tungkol sa mga plano namin. Kitang-kita ko sa mukha nila ang kanilang pagmamalaki sa amin, kaya pinilit kong itago ang kaguluhan sa loob ko sa pamamagitan ng pagak na ngiti. "There you are, sweetheart," sabi ni Nanay, halata ang kasiyahan sa kanyang tinig. "We were waiting for you to taste this dessert. Is everything alright?" I nodded and smiled, nang mapanatag siya. "Yes, Nay. I just had to take care of something," sagot ko habang umupo sa tabi niya. Agad akong sumubo ng kaunting cake, umaasang makatulong ang tamis nito para mawala ang pait sa aking dibdib. "May nakita akong matanda kanina parang nahirapan huminga, so I help her," pagdadahilan ko. "It's tough being a doctor already, huh?" biro ni Tatay, may ngiti sa kanyang labi. "Always busy, even at family gatherings but that's a good start, sweetheart." Bahagya siyang tumawa, at napilit din akong ngumiti. "Not too bad, Tay," sagot ko, pilit na pinananatili ang gaan ng aking tinig. "But yeah, you always have to be ready for anything. Ganoon ang doktor, right?" Tatay nodded. "I'm so proud of you!" malambing niyang sabi. Nakihalubilo ako sa kanilang usapan para maalis lang sa isip ko ang nasaksihan ko kanina. Kung magpapadaig ako sa damdamin ko, tiyak akong bibigay ako at maiyak lang ako. Sinabi ko, kahit na sa loob-loob ko ay may bumabagabag sa akin. Ramdam ko ang pagmamalasakit ni Nanay sa akin, may nakikita ako sa mga mata ni Nanay, at bawat segundo ay kailangan kong kontrolin ang sarili para hindi lumabas ang tunay kong nararamdaman. Nanubig bigla ang mga mata ko but I blinked those tears away at dinaan ko sa palahaw na tawa ng magbiro muli ang Tatay Zane. "Did you enjoy the graduation?" tanong ni Tito Ethan, puno ng sigla ang boses. "You have worked so hard. I'm so proud of you." "Thank you, Tito" sagot ko, pilit na ngumiti. "I did my best to reach my dreams." Hinawakan ko ang kamay ni Nanay, umaasang hindi niya mapansin ang tensyon sa akin. Patuloy pa rin ang kwentuhan, na parang walang nangyari. Pinag-usapan namin ang mga plano para sa future, ang mga hamon na darating, at ang excitement sa pagsisimula ng aming mga karera. Tumatawa ako kasabay nila, tumatango habang nagsasalita sila, at nagbibigay ng aking sariling opinyon paminsan-minsan. Ngunit sa ilalim ng lahat ng iyon, ang isip ko ay nag-aabang pa rin sa pagbabalik nina Khail at Tessa. Isang bahagi ng sarili ko ang natatakot sa kanilang pagbabalik, alam kong kailangan kong magpanggap na okay lang ako kahit sila’y nandiyan na. Ramdam ko ang pag-igting ng aking dibdib sa pag-iisip na iyon, pero pilit kong pinipigilan, nakatuon sa mga ngiti sa paligid ng mesa at sa init ng mga boses ng aming mga magulang. "So, what’s next for you after this?" tanong ng Daddy ni Khail, nakatingin sa akin na may mabait na ngiti. "Any plans for a break before you start working?" "I was thinking of taking a short trip," sabi ko, sinusubukang panatilihing kalmado ang boses ko. "Maybe visit some friends out of town. It might be nice to get away for a bit before everything gets busy. Sasama ako, kina Nanay at Tatay sa Cagayan na miss ko na sina Lola at Lolo." Tumingin sa akin si Nanay na tila hindi makapaniwala. "That sounds like a great idea," sabat niya, ang mga mata niya'y nagningning. "You deserve a break after all the hard work." Tumango ako, at nagpapasalamat sa bagong topic ng usapan. "Yeah, just a little time to relax before diving into the job. Bago ang board exam." Sabi ko na pilit pinapasigla ang tinig ko. Pero habang nagsasalita ako, ang isip ko ay inaakupa pa rin nilang dalawa. Alam kong kailangan kong pagsikapan nang husto ang pagpapanatili ng aking composure, magpanggap na parang wala akong nasaksihan na nagpabasag sa aking puso. Sa ngayon, nananatili akong nakatutok sa usapan, ngumingiti upang itago ang pait. Kailangan kong kumapit sa sandaling ito ng normalcy, kahit pa ito’y isang ilusyon lamang. HABANG patuloy pa rin ang aming masiglang kwentuhan, sa gilid ng mga mata ko'y nakita kong may papalapit sa dining area. Mabilis nang bumilis ang t***k ng aking puso. Pagtingin ko, nakita ko si Khail at Tessa na bumalik sa mesa. Magkasabay silang pumasok, at magkahawak kamay. Nakangiti si Khail, makikita sa kanyang mga mata ang kasiyahan. Si Tessa naman ay ganoon rin, malambing na nakahawak sa braso ni Khail habang papalapit sa amin. Nang makalapit sila ay hinila niya ang upuan para kay Tessa at buong ingat na pinaupo si Tessa. "Oh, there you are!" masayang bati ng Mommy ni Khail. "We were have you been? Sayang at hindi ninyo narinig ang usapan namin." Ngumiti at tumango si Khail. "Yes, Mom. Sorry it too, a while. We had to take care of something." "Well, you’re just in time for dessert," sabi ng Nanay ko, inaabot ang isang plato ng cake sa kanila. "Thank you, Tita," sagot ni Tessa, kinuha ang plato at nagbigay ng isang matamis na ngiti. "It looks delicious." Habang sila’y abala sa pagtikim ng dessert, pilit kong pinanood ang bawat galaw ni Khail. Nakikita ko ang kakaibang kislap sa kanyang mga mata, pag–ibig. Pag–ibig para kay Tessa. Bata pa lang kami si Tessa na ang lagi niyang binibigyang pansin, kahit gasgas lang alagang–alaga niya si Tessa. Sa bagay, sila naman talaga ang unang naging magkaibigan bago ako dumating sa buhay nila. Kahit masakit sa dibdib, sinubukan kong makipag-usap ng normal. "Did you finalize your plans for the trip?" tanong ko, hinahanap ang pagkakataong makakuha ng kahit kaunting impormasyon mula sa kanya. Baka magbago isip ko, sasama ako sa kanya. Tumango si Khail, ngunit hindi pa rin siya tumitingin ng diretso sa akin. "Yes, we're thinking of going somewhere relaxing before everything gets busy." "That sounds lovely," sabi ni Tatay, hindi napapansin ang tensyon sa hangin. "You all deserve a good break." "Saan ang balak mong pumunta? Uuwi muna ako sa Cagayan," sabi ko naman, teasing him. Kumislap ang mga mata ni Khail tila ba natutuwa sa narinig mula sa akin. "That's good! Good for you, Yanna," mabilis niyang dagdag na tila tuwang–tuwa siya, pakiramdam ko ayaw niya akong makasama. "Balak namin ni Tessa mag Paris," dagdag niya. "Mas maganda na makasama mo ang pamilya mo." tila pagtataboy niya sa akin. Wala sa loob na tumango ako sa kanya mas pinili ko na lamang ang manahimik. Ramdam kong ayaw niyang may sagabal sa kanilang dalawa ni Tessa. Nagpatuloy ang usapan, hanggang sa maramdam kong nag-iba ang atmospera sa paligid. Alam kong kailangan na magpanggap, na maayos ang lahat sa amin, ngunit bawat segundo na lumilipas ay parang isang malaking pasanin. Sa bawat ngiti na ibinibigay ni Khail kay Tessa, nararamdaman kong lalong bumibigat ang aking dibdib. Ngunit tulad ng dati, pilit kong tinatago ang tunay na nararamdaman sa likod ng maskara ng pagiging masaya at kalmado. Nang matapos silang kumain ng dessert, nagkatinginan silang dalawa at sabay na tumayo sina Khail at si Tessa. Ramdam ko na may kakaiba—may tensyon na hindi ko maipaliwanag, ngunit nararamdaman ko na isang malaking rebelasyon ang magaganap. Tumikhim si Khail, at sumulyap kay Tessa. Kinuha niya ang kamay nito at hinagkan sa harapan namin ang likod ng palad ni Tessa. Nagsasalubong ang kilay ng mga magulang niya, at unang nagsalita siya, may kasabikan ang kanyang tinig. "Mom, Dad," simula niya, at agad kong nakita ang pag-aalala sa mga mata ng kanyang mga magulang. "There's something we need to tell you." Napatingin din sina Tessa sa kanyang Aunt Jessica. Alam ko na alam nila kung ano ang sasabihin nina Khail at Tessa, ngunit nag-aalangan sila, parang naghihintay ng tamang sandali upang masiguro na ang lahat ay maayos na tatanggapin ang balita. Nag-umpisa ang mga magulang ni Khail na magtanong ng mga bagay na parang naghihintay na lumabas ang balita na kanilang inaasahan. Si Tita Nathalie ay nagmamasid sa kanya ng may halong pagtataka, habang si Tito Ethan ay tila nag-aabang sa mga susunod na sasabihin ng anak. Ang mata ni Tessa ay puno ng determinasyon habang nakatayo siya sa tabi ni Khail. Tumagal ang sandaling iyon bago nagsalita si Khail ng malinaw. "Tessa and I... we’re together. We've been in a relationship for a few months now." Ang mga salitang iyon ay parang isang kidlat sa katahimikan ng dining area. Agad na nagbago ang ekspresyon ng mga magulang ni Khail mula sa simpleng pag-aalala patungo sa malaking pagkabigla. Ang Mommy niya ay tumitig kay Khail na para bang hindi makapaniwala sa kanyang narinig, habang ang Daddy niya ay tila naghahanap ng tamang sagot sa sandaling iyon. "T-together?" ulit ng Mommy ni Khail, ang boses niya ay nanginginig sa gulat. "Are you saying you’re in a relationship?" Khail nodded, na nagbigay ng malalim na hininga bago nagsalita ulit. "Yes, Mom. We’re together." Ang mga magulang ni Khail ay nagpalitan ng mga tingin, ang kanilang pagkabigla ay halatang hindi maikakaila. Ang Mommy niya ay tila naguguluhan at nag-aalala, habang ang Daddy niya ay tila nag-iisip ng malalim, sinusubukang maiproseso ang balita. Habang patuloy sila sa kanilang pag-amin, ramdam ko ang bigat ng mga sandali. Ang bawat salita ni Khail at Tessa ay parang patalim sa aking dibdib. Hindi ko na kayang tiisin ang nararamdaman ko. Ang sakit ay hindi ko na kayang itago pa. Sa halip na magpatuloy sa pagkukunwari, napagtanto kong kailangan kong lumayo para makapagpahinga mula sa bigat ng sandali. Sa isang malalim na paghinga, pinilit kong tumayo mula sa aking upuan. Nakayuko ako, sinusubukang itago ang sakit na lumalabas sa aking mga mata at pagtulo ng aking mga luha. "Excuse me," sabi ko, ang boses ko ay halos hindi marinig sa pagsusumikap na hindi umiyak. Lumingon ako sa mga magulang ko, na naguguluhan ngunit hindi nagkaroon ng pagkakataon na magsalita. Pabuntot kong lumakad palabas ng dining area, ang bawat hakbang ay parang nagpapabigat sa aking mga binti. Ramdam ko ang mga tingin sa aking likuran, ngunit hindi ko na kayang magpatuloy pa. Nang makarating ako sa labas ng hotel. Napahawak ako sa gilid ng isang puno, ang malamig na hangin ay tila bumabalik sa aking pakiramdam, ngunit hindi nito kayang alisin ang sakit sa aking dibdib. Pumikit ako, ang mga luha ay dumadaloy na hindi ko na kayang pigilan. Ang lahat ng narinig ko, ang bigat ng mga reaksyon, at ang sarili kong pakiramdam ay tila bumuhos sa mga luha. Pinilit kong kalmahin ang aking sarili, ngunit sa mga sandaling iyon, ang lahat ng sakit ay hindi ko kayang pigilan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD