Chapter 04
Zhannia
TATLONG araw na simula ng makauwi ako rito sa Cagayan, ramdam ko agad ang kakaibang kapayapaan na hatid ng lugar na ito. Ang sariwang hangin, ang tunog ng mga alon na humahampas sa pampang, at ang malawak na asul na langit—lahat ng ito'y nagbibigay sa akin ng bahagyang ginhawa mula sa bigat ng mga nangyari. May binili kasi ang Tatay na beach resort para sa aming pamilya lamang.
Mula sa terace ng villa, tanaw ko ang buong dagat. Nakakabighani ang tanawin, ngunit hindi nito kayang burahin ang sakit na nararamdaman ko. Tulog pa ang quadro, ganoon rin ang apat na matanda.
Nagpasya akong bumaba sa dagat. Habang naglalakad ako papunta sa pampang, nararamdaman ko ang malamig na buhangin sa ilalim ng aking mga paa. Ito ang unang pagkakataon sa mahabang panahon na nakaramdam ako ng kapayapaan, kahit papano. Umupo ako sa gilid ng dagat at hinayaan ang mga alon na humaplos sa aking mga paa.
Tumingala ako sa kalangitan, iniisip kung paano bakit ganito kasakit ang nararamdaman ko. Ang rebelasyon nina Khail at Tessa ay parang patalim na sumasaksak sa puso ko, at kahit anong pilit kong itago ang sakit, naramdaman kong hindi ko ito kayang itago nang matagal.
Mahal na mahal ko si Mikhail, noong una ko pa lang siyang nakita, sabi ko na sa aking sarili na siya ang gusto ko makasama habang buhay. Dahil sa kanya lahat ng mga manliligaw ko, tinanggihan ko.
I close my eyes at sinubukan kong magpahinga. Gusto kong burahin lahat ng sakit at magsimula muli. Pero alam kong hindi ganoon kadali iyon. Kailangan ko itong harapin. Kailangan kong magpakatatag. Lalo pa at makakasama ko pa sila.
Habang nakaupo ako sa rito, iniisip ang lahat ng nangyari, biglang narinig ko ang pangalan ko mula sa likuran. "Yanna!"
Agad akong napalingon, at sa gulat at tuwa, nakita ko si Derrick, isa sa mga kaibigan ko rito sa Cagayan na matagal ko nang hindi nakita. Ang kanyang mga ngiti ay kasing warm ng mga alaala namin noong mga panahong mas madalas kaming magkita. Hindi ko inaasahan na makikita ko siya.
"Derrick?" tanong ko, halos hindi makapaniwala. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at mabilis siyang sinalubong. Niyakap ko siya ng mahigpit, parang biglang nawala ang bigat na kanina ay pasan ko. Nararamdaman ko ang init ng kanyang presensiya na parang nagpapalakas sa akin.
"What brought you here?" tanong ko, habang unti–unti akong bumibutaw sa kanya pagkakayakap sa kanya.
Matamis siyang ngumiti sa akin. "May gig kami sa fiesta ng Tuguegarao at gusto kong manood ka, Yanna." Nagniningning ang kanyang mga mata sa excitement habang iniimbita niya ako. "Na–miss ka na rin ng buong banda."
Napangiti ako sa sinabi ni Derrick. Mukhang kailangan ko ring aliwin ang sarili ko. "Talaga? Kailan yan?"
"Mamayang gabi," sagot niya, puno ng sigla.
Napatingin ako sa malayo, sa karagatan na parang kumakatawan sa dami ng iniisip ko. Alam kong kailangan kong magpahinga at mag–enjoy, at maaaring ito ang tamang pagkakataon. I looked at him, at nakita ko sa kanyang mga mata ang sinserong pagnanais na mapasaya ako.
"Sige, Derrick. Panoorin kita," sabi ko, bahagyang tumango. "Manonood ako."
Ngumiti siya ng malapad, at alam kong ginawa kong tama ang desisyon. "Ayos! See you tonight. Dadalhin kita sa harap mismo ng stage," pabiro niya, na ikinatawa ko.
Habang nag–uusap kami ni Derrick, bigla siyang sumeryoso at ngumit. "By the way, Zhannia Kristine Dela Costa, congratulations! Summa c*m laude ka pala. I'm so proud of you! Kahit noon hanggang ngayon wala kang kupas sa galing!"
Napangiti ako and I waved na tila isang Miss. Universe, kahit may halong hiya. "Thank you, Mr. Derrick Philipp Montagué. Hindi ko ini–expect na magiging gano'n."
Inakbayan niya ako at hindi ko iyon binigyang ng malisya. "Ikaw pa, Yanna! Alam kong walang imposible sayo. You've always been hardworking and brilliant," sabi niya na, ikinalaki ng ngiti ko. "Tama lang na mag–celebrate ka! Kaya perfect timing ang gig namin mamaya. You deserve to have fun after all that hard work."
I felt comfortable sa sinabi ni Derrick. Tama siya, dapat kong i–celebrate ang tagumpay ko. Nakaramdam ako ng kakaibang saya sa mga sinabi ni Derrick. Totoo, matagal kong pinaghirpan ang lahat, dahil gusto ko proud sa akin sina Nanay at tatay, at ngayong tapos na, siguro nga'y panahon na para mag–enjoy na naman ako. Ramdam ko ang sincerity sa mga mata ni Derrick, at kita ko na gusto niya akong maging masaya.
"You are right, Derrick," sabi ko habang tumatangi. "Kailangan ko nga sigurong mag–celebrate."
"Exactly my point!" sagot niya, puno ng saya. "At walang mas magandang paraan para gawin 'yan kundi ang manood ng live music at sumayaw kasama ang mga kaibigan. Kasama naman si Tiger sa gig, siya ang drummer namin."
Tumaas ang kilay ko. "Alam kaya nila Tatay at Nanay ang ginagawa niya?"
"Oo." Maikli niyang sagot at nag thumbs up.
Umiling ako. "Talaga ang batang iyon. Baka napabayaan niya ang pag–aaral niya. Alam mo naman si Tiger siya ang pinakamatigas ang ulo sa lahat," sabi ko na tila nadidismaya.
"Don't worry, ang pagkakaalam ko magaling siya sa academics, ang kapatid mo," depensa niya sa kapatid kong matigas ang ulo. Akala mo kung sino itong sweet 'nung bata pa, hindi mo akalaing lalaking pasaway.
Habang patuloy kaming nag–uusap, bigla siyang nagtanong. "Nasaan nga pala si Khail? Nakita ko siya last sa competition ng pinsan niyang si Amara. Kasama ka ba doon? Nakita kong kasama niya si Teresa."
I swallowed hard, at biglang bumigat ang dibdib ko sa mga sinabi niya. "Si Khail? Busy 'yun," sagot ko, pilit na ngumingiti, pero kapit sa dibdib ko ang sakit, pilit na ngumingiti, pero ramdam ko ang sakit habang binibigkas ko ang mga salita. "Kasama niya 'yung girlfriend niya."
Habang sinabi ko ang salitang "girlfriend," parang may humihigpit na kapit sa dibdib.
Masakit. Hindi ko maiwasang maalala ang lahat ng nangyari. "Baka nasa Paris sila ngayon," dugtong ko, pilit na iniingatan ang boses ko para hindi mahalata ni Derrick ang lungkot na nararamdaman ko. "Yun kasi ang plano ni Khail."
Nagkibit-balikat si Derrick, hindi niya agad napansin ang bahagyang pag-aalinlangan sa tono ko. "Wow, Paris! Ang saya naman nila," sabi niya, tila hindi napansin ang sakit sa mata ko. "Alam mo naman si Khail, adventurous na tao. Mahilig sa travel."
I nodded, pilit na ngumingiti, kahit na ang bawat salita niya ay parang nagdagdag ng bigat sa dibdib ko. "Oo nga, si Khail 'yun," sabi ko, hinahayaan na lang ang malamig na hangin ng dagat na tangayin ang sakit na hindi ko masabi kay Derrick. Nag–init ang bawat sulok ng mga mata ko. "God! Help me! Para mawala itong sakit, please..." piping usal ko at mabilis kong ibinaling sa ibang direksiyon ang mga mata ko para hindi makita ni Derrick ang luha sa mga ito.
"Yanna."
Sabay kaming napalingon ni Derrick sa pinanggalingan ng boses, at nakita namin si Khail napapalapit sa amin. Bago pa man ako makapag–react, bigla niyang inalis ang kamay ni Derrick na naka–akbay sa akin.
Nagulat ako sa ginawa niya. "Khail? Anong ginagawa mo rito?" tanong ko, bakas ang pagtataka sa tinig ko.
Seryoso ang ekpresyon ni Khail palipat–lipat ang tingin sa aming dalawa ni Derrick. "I had to see you," sagot niya, hindi pinapansin ang pagtataka ko.
Napatingin ako kay Derrick, na mukhang nagulat rin sa pagsulpot ni Khail. Nagtataka ako kung bakit narito si Khail—akala ko ay magpa–Paris silang dalawa ni Tessa. Ngunit heto siya, nakatayo sa harapan namin, at tila may nagbabadya sa kilos niya na hindi ko maintindihan.
Habang nakatayo kaming tatlo, may tensiyon na hindi ko maintindihan sa pagitan ni Khail at Derrick. Derrick, took a deep breath and he extend his hand para makipagkamay kay Khail. "Hey, Khail," bati niya.
Imbes na abutin ang kamay ni Derrick, tumitig lang si Khail kay Derrick, tapos tinanong niya nang may bahid ng interrogasyon. "Nililigawan mo ang bestfriend ko?"
Nagulat ako sa tanong ni Khail, at ramdam ko ang biglaang pagbabago sa atmosphere. Kita ko rin sa mukha ni Derrick ang pagkabigla, pero agad siyang sumagot, "Hindi. Inimbita ko lang si Yanna na manood ng gig namin mamayang gabi fiesta kasi ng Tuguegarao. That’s all."
Napatingin ako kay khail, na tila naninigurado sa sagot ni Derrick. Ilang sandali pa, tumango si Derrick at ngumiti sa akin bago nagpaalam. "Anyway, Yanna, I’ll see you tonight. Enjoy the rest of your day."
Nang umalis na si Derrick, naiwan akong mag-isa kasama si Khail. Ngunit ang tanong niya kanina ay patuloy na naglalaro sa isip ko. Bakit ganito ka-protektibo si Khail? At bakit narito siya, sa halip na kasama si Tessa sa Paris?
Nang maka–alis si Derrick ay naupo akong muli sa kinauupuan ko kanina, napansin ko ang kakaibang tingin ni Khail sa akin. Bago pa siya makapag-salita, ako na ang nagtanong, “Nasaan si Tessa? Hindi yata kayo magkasama?"
Imbes na sagutin ang tanong ko, bigla niya akong tinanong. “Pupunta ka ba sa gig ni Derrick mamaya?”
"Siyempre," sagot ko agad, iniisip kung bakit parang biglang uminit ang tono niya. "Oo."
Saglit na tumahimik si Khail, parang nag-iisip, tapos bigla siyang parang naiinis na hindi ko maintindihan. Pero agad din itong nawala, at ngumiti siya nang pilit. "Maganda 'yan, lumabas ka. Oras na siguro para magkaboyfriend ka," sabi niya, na ikinagulat ko.
Bago pa ako makapag-react, dinugtungan niya, "Nagpunta ako dito para humingi ng tulong sa'yo, Yanna. Sa monday pa ang alis namin."
Napatingin ako sa kanya, halatang seryoso siya at nagpatuloy siyang magsalita. "Gusto kong mag-propose kay Tessa," patuloy niya, "At dahil bestfriend kita, ikaw ang gusto kong unang makaka-alam."
Naramdaman ko ang biglaang pang sa sinabi niya. Napatitig ako sa kanya, hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Iyon lang ang pinunta niya rito? Upang ipaalam sa akin na magpropose siya.
Sa sinabi niya, para akong tinamaan ng malamig na hangin sa dibdib. Pilit akong ngumiti, parang may kumukurot sa puso ko.
Alam kong dapat maging masaya ako para sa kanya, pero ang sakit? Bakit parang may bahagi ng sarili kong nawawala sa ideya na magpo–propose na siya kay Tessa.
Habang tumatagal ang katahimikan sa pagitan namin, nararamdaman kong kahit gaanon ko pilit itago, hindi ko kayang pawiin ang sakit na nararamdaman ko sa mga oras na ito.
Ang hirap magtago ng sakit.
Muling namagitan ang katahimikan sa aming dalawa, makalipas ang ilang segundo, binasag ni Khail ang katahimikan. “Yanna,” simula niya, “may mairerekomenda ka bang magandang lugar kung saan puwedeng mag-propose? Gusto ko kasi na maging espesyal ang moment na ‘to para kay Tessa.”
Napatingin ako sa kanya at pagak akong natawa, pilit na hinahanap ang tamang salita sa dami ng emosyon na nararamdaman ko. Kaipangan ba talaga sa akin niya itanong 'yun? Bakit ba, lalo niyang dinudurog ang puso ko. I cleared my throat, dahil pakiramdam ko nanakit ang lalamunan ko sa sakit. "Uhm... siguro sa tabing-dagat? M–maganda ang sunset, at tahimik. Perfect para sa isang proposal. O di kaya sa Paris sa harap ng Eiffel Tower, pupunta kayo doon, diba?"
Ngumiti si Khail, tila nakikita ang larawan ng sinabi ko sa kanyang isipan. “Sounds perfect,” sabi niya, at bigla siyang nagpatuloy, “Pwede mo ba akong samahan bukas? Gusto kong bumili ng singsing, at alam kong may magandang taste ka pagdating sa mga bagay na ‘yan.”
Napilitan akong ngumiti at tumango. “Sure, samahan kita,” sagot ko, kahit sa loob-loob ko ay ramdam ko ang sakit na pilit kong itinatago. Hindi ko alam kung paano ko haharapin ito, pero para kay Khail—para sa bestfriend ko—gagawin ko. Kahit na ang bawat hakbang na kasama siya ay parang nagdadagdag ng bigat sa dibdib ko.