Chapter 05 Advice

1992 Words
Chapter 05 Zhannia HABANG naglalakad kami ni Khail sa tabi ng dalampasigan, hindi ko mapigilan ang sarili sa pag–usisa ng isang tanong na matagal ko nang gustong itanong. I took a deep breath before I spoke. "Khail," simula ko, sinusubukan kong gawing casual ang tono ko. "...why do you love Tessa so much?" Tumigil si Khail sa paglalakad at tumingin sa malayo, parang iniisip ang isasagot. Tahimik ang paligid, at tanging ang paghampas ng mga alon ang maririnig namin. A few moments passed before she spoke. "Bago pa kita nakilala, magkaibigan na kami ni Tessa," sagot niya, na para bang bumabalik sa mga alaala. "She saved my life." Tumango ako. I heard that story pero hindi ako naglakas loob na magtanong, Tessa saved him. Gusto kong tanungin kung paano, ngunit may parte sa akin na natakot malaman ang buong kwento, na parang lalo lamang akong masaktan. Kaya't hinayaan ko siyang magpatuloy magsalita. "Mula noon," patuloy ni Khail, "hanggang ngayon, siya lang ang gusto ko." Habang sinasabi niya ito, ramdam ko ang bawat patak ng sakit na tila dumadaloy sa bawat sulok ng puso ko. Kitang–kita ko kung gaano kalalim ang pagmamahal niya kay Tessa. Hindi ko alam kung paano magre–react, kaya't tumingin ako sa malayo, sa parehong direksiyon, na tinitingnan niya kanina. Ang bawat salita niya ay parang pumupukaw ng matagal nang itinatagong damdamin sa loob ko. Alam kong wala akong karapatang magreklamo—kaibigan niya ako, at sa kanyang mga mata, si Tessa ang dahilan ng kanyang kaligtasan. Alam kong mas mahalaga si Tessa kay Khail. Pilit akong ngumiti at tumango, kahit na ang totoo, parang may sugat sa puso ko na mahirap gamutin. Hindi na ako nagsalita pa, mas pinili ko ang manahimik kaysa magtanong pa, bigla kaming tinawag ng isang katulong sa resort. "Señyorita Yanna, Sir Khail, ready na po ang breakfast. Hinihintay na po kayo ng mga matatanda sa dining area," sabi niya. Napatingin kami ni Khail sa isa't isa, at tahimik na sumunod sa katulong. Pagdating namin sa dining area naabutan namin ang dalawa kong lolo at lola na puro puti na ang buhok, masakitin na minsan pero puno ng buhay ang kanilang awra. Tinuring ko ng tunay na Lolo sa Grandpa Anthony, palagi sila rito sa Villa kung wala sila sa bahay nina Tita Zari sa Santa Ana, hindi na rin ito Congressman ngayon. Ang Congressman namin ngayon ay si Tito Jacob. Kasama rin ang mga kapatid kong quadroplets, na masiglang nagkukulitan habang naghihintay sa amin. Kung hindi mo sila kilala talagang malilito ka dahil walang pagkakaiba ang kanilang mga mukha. "Good morning, everyone!” bati ko, nginitian ko ang lahat habang umupo sa tabi ni Khail. “Good morning, hija,” sagot ni Lola Farrah. Tumitig siya kay Khail at ngumiti ng malapad. “Khail, hijo, kumusta ka naman? Tagal mo nang hindi napapasyal dito. And by the way, Congratulation!" Ngumiti si Khail. “Mabuti naman po, Lola. Medyo naging busy lang sa graduation kaya ngayon lang ulit nakadalaw.” “Ganun ba,” sabat naman ni Lolo Henry, na palaging mabiro. “Naku, baka may dinadalaw kang iba, ha?” Napatawa si Khail, ramdam kong pilit na tinatanggal ang tensyon na nararamdaman niya. “Wala po, Lolo. May kailangan lang ako kay Yanna kaya pumunta po ako." Napansin ko ang ngiti sa mga labi ng mga lolo’t lola ko. Halata sa kanila na natutuwa silang makitang nag-uusap kami ni Khail pero ang mga titig ni Lola Farrah ay may kakaiba. Ang mga kapatid ko naman, tila walang pakialam sa mundo, busy sa kanilang sariling kwentuhan. Habang naghihintay sa paghahain ng breakfast, ramdam ko ang init ng pagmamahal ng pamilya ko. Bagama't may mga bagay na bumabagabag sa akin, sa mga oras na iyon, pinilit kong mag-focus sa kasalukuyan. Nakikihalubilo ako sa tawanan. Nang biglang nagsalita si Tiger, na palaging puno ng energy at excitement. "Ate, h'wag mong kalimutan 'yung gig mamaya, ha! Isasabay kita," sabi niya, may halong ngiti sa kanyang tinig. "Ayoko namang mag–perform na wala ka roon." Sabi niya na may kasamang kindat. Napangiti ako kay Uno, at napangiti. "Oo naman, Tiger," sagot ko. "Sabay na tayo mamaya sa gig. Excited na rin akong makita kayong tumugtog." "Perfect!" sabi niya, mukhang talagang natuwa sa sagot ko. Alam ko naman kung bakit niya pinaalala para hindi siya mapagalitan. Bumaling si Tiger kay Khail. "Kuya, sama ka sa amin mamaya sa gig?" alok sa kanya, sabay ngiti. "Mas maganda kapag naroon ka Kuya." Napatingin si Khail kay Tiger, at saglit na ngumiti, pero agad ding tumanggi. "Thank you, Tiger, pero may lakad kami ni Tessa mamaya," sabi niya, medyo nag–aalangan." "Naku, sayang naman!" sagot ni Tiger, na may bahagyang pagkadismaya sa kanyang boses. "Pero okay lang, Kuya. Next time, ha?" Tumango si Khail at ngumiti sa kapatid ko. "Yeah, sure! Don't worry, next time." Nang biglang sumabat si Grandma Zarina sa usapan. "Totoo ba, hijo, na kayo na ni Tessa?" tanong niya kay Khail, in a nice way. May konting kaba sa kanyang tinig. Kumislap ang mga mata ni Khail at makikita mo ang buong pusong pagmamahal niya kay Tessa. "Yes, we are," he answered bluntly, na may halong saya. "We've been friends for a long time, and now, it's become something more special. Matagal na po akong may gusto kay Tessa, Lola Zarina. Kaya niligawan ko na po talaga siya." Habang sinasabi niya yon ay muling kumirot ang puso ko. Magkaibigan din naman kami. Napansin ko ang lungkot sa mga mata ng dalawang matandang babae sa sagot ni Khail. Parang may mabigat sa kanilang dibdib na hindi nila maipaliwanag. Ako naman kahit pilit na ngumiti, kahit masakit. Pero pinilit kong itago iyon, lalo na't alam kong masaya si Khail. Ganoon kapag magkaibigan, dapat masaya ka para sa kaibigan mo. At dapat mong tanggapin na hanggang kaibigan lang ang pagtingin sa'yo. Nasa kalagitnaan ng kanilang pag–uusap biglang tumunog ang cellphone ni Khail, at napatingin kaming lahat sa kanya. Kinuha niya ang kanyang cellphone mula sa bulsa, at walang pag–aalinlangan, sinagot niya ito sa harapan naming lahat. "Hey, baby," bati ni Khail, with a beautiful smile on his face. Sandali siyang nakinig sa kabilang linya, at maya—maya pa, narinig namin ang mga salitang, "I love you too." Kita ko ang lalong lungkot sa mga mata ng dalawang matandang babae. At sabay silang napatingin sa akin. Nasa mga mata nila ang tila awang narararamdaman para sa akin. Kahit ang dalawang matandang lalaki ay ganoon rin. Ang quadro ay tila walang paki–alam sa nangyayari sa paligid nila dahil isa isa na silang umalis sa mesa. Tanging pag–iling ng ulo ang tugon ko sa dalawang matandang babae. "Okay, I'll pick up at the airport," patuloy ni Khail, hindi alintana ang mga nakikinig sa kanya. "See you soon and I missed you so much, baby." Matapos niyang ibaba ang tawag, tumingin siya sa amin, tila ba noon lang niya napansin na nakikinig kaming lahat. "Yanna, Beautiful Lola's, sorry, pero kailangan ko nang umalis. I have to pick up Tessa at the airport." Tumango na lang kami, habang ang mga matatanda'y nakatingin sa kanya ng may halong panghihinayang. Ako, kahit gustuhin ko mang magsalita, parang natuyo ang lalamunan ko. Pinilit ko na lang ngumiti at nagpaalam na rin kay Khail. Nang makaalis si Khail, tumahimik ang buong paligid. Ramdam ko ang bigat ng sitwasyon, at para bang naging mas mahirap huminga. Isang malalim na buntong–hininga ang pinakawalan ni Grandpa Henry, inabot ang table napkin, at pinang–punas sa kanyang bibig bago nagsalita. "Kausapin niyo si Yanna," sabi ni Grandpa Henry saka tumayo. Umiling si Grandpa Anthony. Without words tumayo rin sa kinauupuan. Nasa mga mata nito ang pagkadisgusto, maaring nararamdaman nila ako. Tumayo ako at umupo ako sa isang sulok, pilit na inaayos ang aking nararamdaman, ngunit alam kong hindi ko ito maitatago sa dalawang matandang babae. Lumapit si Lola Zarina at sumunod si Lola Farrah, dahan-dahan siyang umupo sa tabi ko. Hawak niya ang aking kamay, at naramdaman ko ang init ng kanyang pagmamahal. Ilang sandali siyang tahimik, tila ba naghahanap ng tamang mga salita. "Apo," simula niya, ang boses niya'y mahina at puno ng pag-unawa. "Alam kong matagal na kayong magkasama ni Khail. Napansin ko rin kanina, na parang may kakaiba sa'yo habang naririnig mo silang nag-uusap ni Tessa." Hindi ko napigilang magpakawala ng malalim na buntong-hininga. Hindi ko inakala na mapapansin nila ang mga nararamdaman ko, pero alam ko na hindi ko sila maloloko. "Mga lola...," bulong ko, habang ang mga tingin ko ay palipat–lipat sa dalawa, "Hindi ko alam...kung tama ba... nasasaktan ako." Hinaplos nilang dalawa ang buhok ko, na parang noong bata pa ako. "Alam mo, Apo," sabi niya nang dahan-dahan, "ang pag-ibig ay hindi laging masaya. Minsan, masakit din ito. Pero, ang mahalaga, alam mo kung saan ka lulugar." Naramdaman ko na unti-unti nang umiinit ang mga mata ko, at pilit kong pinipigilan ang mga luha. Ngunit patuloy si Lola Zarina sa kanyang pagsasalita, at alam kong kailangan kong pakinggan ang kanilang payo. "Sa pag-ibig, Zhannia, hindi ka dapat magtanim ng pag-asa sa isang taong alam mong hindi ka kayang mahalin pabalik ng buo," dagdag ni Lola Zarina, habang tinitigan niya ako ng diretso. "Hindi mo dapat pilitin ang isang bagay na hindi para sa'yo. Kung si Khail ay masaya kay Tessa, hayaan mo siya. Magpakatatag ka, dahil ang tunay na pagmamahal, darating 'yan sa tamang panahon at tamang tao." Nagsimula nang pumatak ang mga luha ko, hindi ko na kaya pang pigilan. Tumungo ako sa balikat ni Lola Zarina, at doon ko ibinuhos ang lahat ng sakit na kanina ko pa pinipilit itago. "Pero, Lola," sabi ko habang humihikbi, "...bakit ganito? Bakit ang sakit-sakit?" Hinalikan ni Lola Zarina ang aking noo. "Dahil, Apo, mahal mo siya. At normal lang ang masaktan. Pero tandaan mo, hindi natatapos ang buhay sa isang tao lang. Maraming darating pa, at kapag handa ka na, matutunan mong tanggapin kung ano ang para sa'yo at kung ano ang hindi." "Mag–enjoy ka, magiging doktor ka pa. Magfocus ka sa pwedeng magpasaya sa'yo," sabi ni Lola Farrah. Hinayaan nila akong umiyak nang umiyak. Ramdam ko ang kanilang pagmamahal at suporta, at sa kabila ng lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon, alam kong tama sila. Kailangan kong matutong bitawan ang mga bagay na hindi ko kayang kontrolin, at ipaubaya na lamang ang lahat sa tadhana. Habang ako’y patuloy na umiyak sa balikat ni Lola Zarina, muling nagsalita si Lola Farrah, ang tono niya’y puno ng kabutihan at karunungan. “Yanna, tandaan mo lagi,” dagdag niyang sabi, “isang mahalagang bagay na dapat mong tandaan ay ang pagmamahal sa sarili. Huwag mong hayaang ang sakit mula sa isang pagmamahal na hindi kayang suklian ay magdulot sa’yo ng pagdududa sa iyong halaga. Kapag mahal mo ang sarili mo, mas madali mong makikita ang tunay na pagmamahal na para sa’yo.” Kumalas ako sa pagkakasandal sa balikat ni Lola Zarina, pinunasan niya ang luha sa aking mga pisngi, at tinitigan nila ako ng may malalim na pag–uunawa. “Hindi mo kailangan ng tao upang mapatunayan ang iyong halaga. Ang pagmamahal sa sarili ang unang hakbang sa pagtanggap ng tunay na pagmamahal mula sa iba.” Sabi ni Lola Zarina. “Pagdating ng panahon, makikita mo rin ang mga pagkakataon na ang puso mo ay magiging buo muli. Hanggang sa oras na iyon, magpakatatag ka, at alagaan ang sarili mo. Minsan, ang pinaka-mahalagang relasyon na kailangan nating pagtuunan ng pansin ay ang relasyon natin sa ating sarili.” Sabi naman ni Lola Farrah habang hinahagod ang likuran ko. Naramdaman ko ang mainit nilang pagmamahal sa akin, at kahit na ang sakit ay naroroon pa rin, tila nagkaroon ako ng kaunting liwanag sa gitna ng kadiliman. Nagpasalamat ako sa dalawang Lola ko sa kanilang mga payo sa akin, at gagawin ko ang lahat para makalimot ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD