Chapter 06 Matchmaking

1765 Words
Chapter 06 Zhannia HABANG pumipili ako ng damit, napili ko ang isang bagay na kakaiba sa aking usual style—isang revealing outfit. Hindi ito karaniwan para sa akin, pero gusto kong subukan ang lumabas sa comfort zone ko, kahit isang gabi lang. Sinuout ko ang isang fitted crop top na may mababang neckline at isang high–waisted na skirt na medyo mas maikli kaysa sa mga damit na karaniwang sinusuot ko. Habang pinagmamasdan ko ang sarili ko sa full lenght mirror, parang ibang Yanna ang nakikita ko—isang Yanna na mas daring at confident. Baka wala sa pinoy ang swerte ko kundi sa Afam. Hmm. Why not? Natawa ako sa iniisip ko. Hindi ako mahilig sa afam. Habang sinusuri ko ang aking sarili sa salamin, narinig ko ang paulit–ulit na busina mula sa labas. Napakunot–noo akong dumungaw sa bintana. Nasa driveway ang sasakyan ni Tiger, lumabas ang ulo niya sa bintana, may halong iritasyon na rin sa mukha niya habang paulit–ulit na pinipindot ang busina ng sasakyan. "Ate Yanna! Ano ba? Ang tagal mo naman!" sigaw ni Tiger, nakataas ang mga kilay niya. "Gabi na, Ate! Nakakainis talaga kayong mga babae, magbihis na nga lang ang tagal pa," naiirita niyang sabi. Napiling akong natatawa sa hitsura ng kapatid ko. "Opo, Tiger! Sandali na lang si Ate!" Sigaw ko pabalik na may konting lambing sa tinig ko habang sinisigurong tama ang pagkakakabit ng aking hikaw. Pagkatapos muli akong humarap sa salamin. Upang bigyan ng final na hagod ang aking sarili sa salamin saka dinampot ang night bag sa ibabaw ng kama at nagmadaling lumabas ng silid. Halos takbuhin ko na ang pagbaba sa hagdanan. Ngunit bago pa ako makarating sa pintuan, napansin ko agad ang apat na matandang umiinom ng tsaa. Napatigil sila at sabay–sabay na napatingin sa akin, at ramdam ko ang kanilang mga matang mapanuri. "Zhannia, hija..." unang nagsalita si Lola Farrah, kita sa mga mata niya ang pagkadis–gusto. "Ano iyang suot mo?" Sumunod si Lolo Henry, na parang hindi makapaniwala sa nakikita niya. Ewan ko ba at napaka over protective ang apat na matandang ito sa akin. Palibhasa kasi ako lang nag nag–iisang Apo nilang babae. "That's too...revealing, hija , hindi ba?" Ramdam ko ang init na umakyat sa mukha ko sa mga sinasabi nila. Alam kong hindi sila sanay na makita akong ganito ang suot. Nagkibit ako ng mga balikat. I rolled my eyes upward. "What's wrong with my dress? Gusto ko lang pong subukan ang ibang style, grandpa," sagot ko, pilit na ngumiti kahit may halong kaba. "Promise po, hindi naman ako aalis ng bahay I'f I'm not comportable with my outfit." Pero halata sa mga mukha nila na hindi nila gusto ang suot ko. "Just make sure, Yanna," sabi ni Lola Zarina, may halong concern ang kanyang tinig. "Gusto lang naming maayos at komportable ka." "Mag–ingat ka, Apo," dagdag ni Lolo Anthony, na mukhang pinipilit na tanggapin ang desisyon ko. Tumango ako sa kanilang apat. Humakbang ako papalapit sa mga matatanda, upang humalik sa kanilang pisngi, bigla kong narinig ang isang pamilyar na tinig mula sa likuran ko "And I don't like it either, Yanna. Sigurado ka bang iyan ang isusuot mo?" ang pamilyar na tinig mula sa likod ko. Ano na naman ang ginagawa niya rito? Napatigil ako at dahan–dahang lumingon. Nandoon si Khail, kasama si Tessa. Nakapalupot ang kamay sa braso ni Khail. Kahit ang apat na matatanda ay nagulat na makitang bumalik sa Villa ang lalaki. Mahina akong ngumiti. "Khail, Tessa!" Bulalas ko, na pilit itago ang inis kay Khail. Napatingin ako kay Tessa. Napansin ko ang pagbabago sa mukha niya, parang hindi niya nagustuhan ang sinabi ni Khail na pagsaway sa akin. "Bagay naman sa iyo, Yanna," sabi ni Tessa, ang ngiti sa kanyang mukha, parang sunisuportahan ako. Mahina akong tumango sa sinabi niya. Alam kong kahit siya nagulat dahil sa aming dalawa siya talaga ang nagsusuot ng mga revealing na damit. Sanay silang makita akong naka–shirt, jeans and sneakers. "Salamat, Tessa," sagot ko, may halong pag–aalangan sa tinig. "Ate!" malakas na sigaw ni Tiger. Mabilis kong hinalikan sa pisngi ang mga matatanda bilang paalam, ngunit habang naglalakad ako palabas ng pintuan, ramdam ko ang kakaibang tensyon. Pagkalabas namin ng pinto, hindi ko maiwasang magtanong. Bakit nga ba ito bumalik pa? "Bakit nandito kayo? Akala ko may lakad kayo ni Tessa?" Isang matamis na ngiti ang sumilay sa labi ni Khail, isang ngiti na tila may nais ipahiwatig. Nang biglang magring ang phone ni Tessa. "Excuse me, sagutin ko lang ang tawag ni Mom." Paalam niya at naunang lumabas, nang makaalis si Tessa saka nagsalita si Khail. "Bumalik kami kasi may gusto akong ipakilala sa'yo, Yanna." Napatitig ako sa kanya. Sinikap kong kaswal na magkibit ng mga balikat, hindi agad makapaniwala sa narinig. Isang tipid at walang buhay na ngiti ang ibinigay ko kay Khail. "Ipakilala?" Naramdaman ko ang bigat sa dibdib ko habang unti–unting sumisiksik sa isipan ko ang posibilidad na parang binubugaw niya ako sa ibang lalaki. "Anong ibig mong sabihib?" tanong ko nang tuluyan kaming makalabas sa pinto, ang boses ko ay may halong pagdaramdam sa sinabi niya. Nagpatuloy si Khail, hindi alintana ang lungkot na lumukob sa akin. "Para magkaboyfriend ka, Yanna. Gusto ko kasing may kasama ka, lalo na sa plano ko para kay Tessa," aniya, tila hindi alintana ang sakit na nararamdaman ko. Napahinto ako sa paglalakad, pinipilit intindihin ang sinabi niya. "Gusto mong magkaboyfriend ako...para sa plano mo kay Tessa?" Hindi ko mapigilang ulitin, pinipilit kong intindihin kung bakit niya ito ginagawa. He stopped in front of me, his eyes full of determination. "Yes. Naisip ko kasi, kung sasama ka sa amin sa Paris, mas magiging komportable ka kung may kasama kang partner. Gusto ko na naroon ka kapag ginawa ko ang binabalak ko para kay Tessa," he explained, tila walang malisya sa mga sinasabi. Parang may pumiga sa puso ko sa narinig. Gusto niyang akong magkaboyfriend, hindi dahil sa gusto niya akong maging masaya, kundi dahil may sarili siyang plano na gusto niyang maayos. Parang hindi alam kung matatawa o maiiyak ako sa sitwasyon. How insensitive he was. I took a calming breath, pilit na tinatago ang bigat na nararamdaman ko. "Khail, hindi ako puwedeng sumama sa inyo sa Paris," sabi ko, pilit na pinapanatili ang kalmado kong tinig. "Malapit na ang board exam. Kailangan kong mag–focus." Napatigil si Khail at tumitig sa akin, ang kaninang ngiti sa kanyang mukha ay unti–unting naglaho. "Yeah! Board exam?" ulit niya, parang nahimasmasan. "But Yanna, sandali lang naman iyon. Kaibigan kita, gusto ko andoon ang suporta mo. Sigurado akong makakahanap ka ng oras para sumama sa amin." Gusto kong mainis. Pero hindi ko gustong makipagtalo sa kanya. Sa halip ay isang matamis na ngiti ang ibinigay ko rito. "Hindi ganoon kasimple iyon, Khail. Kailangan kong seryosohin ang board exam. Kaya mo yan!" sabi ko sa kanya, pilit na balewalain ang sakit sa dibdib ko. Napansin ko ang bahagyang pagkadismaya sa mukha ni khail, but I know tama ang desisyon ko. Maganda na ito para makaiwas ako. Aside of that, hindi ko puwedeng ipagpalit ang pangarap ko para sa isang bagay na hindi naman importante. Bago makasagot si Khail, biglang bumusina muli si Tiger. "Ate! Ang tagal mo naman!" sigaw ni Tiger mula sa sasakyan, halatang hindi na makapaghintay. Napatingin ako kay Khail, na mukhang naiinis sa pagtanggi ko. Sanay itong Oo lang ako nang Oo sa kanya. "I—am sorry. Kailangan ko nang umalis, Khail," paalam ko, sinisikap na gawing magaan ang sitwasyon. Khail took a deep breath and nodded. "Sige, inga ka. Kita na lang tayo sa gig. The Mayor invited us also." Nakangiti akong tumango at nagmadaling naglakad patungo sa sasakyan ni Tiger, na naiinip na naghihintay sa loob ng sasakyan. Habang sumasakay ako, hindi ko maiwasang makaramdam ng kaunting kaluwagan. Pagkasakay ko sa sasakyan, agad kong napansin ang naiinis na mukha ni Tiger. Tumitig siya sa akin habang pinaandar ang sasakyan. "Ang tagal mo naman, Ate Yanna," reklamo niya, halata sa boses niya ang inis. "Kanina mo pa ako, pinaghihintay." Dinadaan ko sa ngiti ang paghingi ko ng pasensiya. "Sorry, Tiger. May kailangan lang akong ayusin kanina," sagot ko, sinisikap na huwag nang palalain ang inis niya. Umiling si Tiger, pero halata pa rin ang kunot sa kanyang noo. "Alam mo namang importante itong gig na 'to para sa amin, di ba?" sabi niya, tila nagpapalipas ng inis habang binibilisan ang takbo ng sasakyan. "Hindi puwedeng late tayo. Anong oras na, Ate?" Huminga ako ng malalim, iniintindi ang point niya. "Oo, alam ko. Sorry talaga. Hindi na mauulit." Tumango si Tiger, pero hindi na siya nagsalita pa. Habang tinatahak namin ang daan papunta sa venue, ramdam ko pa rin ang tensyon sa pagitan namin. Naisip ko na sana'y hindi ko na siya pinaghintay ng matagal. Alam kong special ang gabing ito para sa kanya at sa banda nila, at gusto ko lang talagang masiguro na magiging maayos ang lahat. Pagkalipas ng isang oras ng biyahe, narating na rin namin ang venue. Agad kong napansin na kami na lang pala ang hinihintay. Lahat ng kasama niya sa banda ay naroon na, nag-aayos ng kanilang mga gamit, at naghahanda na para sa kanilang mga set. Ramdam ko ang bigat ng mga tingin ng ilang mga miyembro ng banda, at lalo lang akong nainis sa sarili ko dahil pinaghintay ko si Tiger at ang iba pa. "Sa wakas, nandito na rin kayo," sabi ni Derrick sa amin, at matamis na ngumiti at isang brotherly hug ang binigay niya kayTiger. Pagkatapos, inakbayan ako at matamis na ngumiti sa akin kasabay ng pagpisil sa pisngi ko. Habang abala sila sa pag–aayos ng drum, bigla kong naramdaman ang isang pamilyar na presensya sa harapan ng stage. Pagtingin ko, nakita ko si Khail na hawak-hawak ang kamay ni Tessa habang kausap ang Mayor. Napakagat-labi ako, pilit na itinatago ang biglaang kirot na naramdaman ko sa dibdib ko. Mahigpit ang hawak niya sa kamay nito, na para bang pinapakita sa lahat kung gaano nila kamahal ang isa’t isa. Ramdam ko ang sakit sa bawat sandaling nakikita ko sila. Nilingon ko na lang ang drum set ni Tiger, sinisikap na ibaling ang atensyon ko sa kahit ano maliban sa kanila. Ngunit kahit anong pilit ko, hindi ko maiwasang maramdaman ang lungkot at sakit na dulot ng sitwasyon na ito. Gusto kong mag move on pero ang hirap pala at hindi ko alam, kung paano umpisahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD