CHAPTER 3

2354 Words
HINDI naman ako mas’yadong nahirapan sa pagkaladkad ng katawan n’ya. Mabigat pa rin s’ya pero kayang-kaya ko naman. Ingat na ingat ako sa bawat kilos. Abot hanggang sa loob ng banyo ang kadenang naka-attach sa kaliwang paa n’ya. Pinasandal ko s’ya pader na tiles. Kinuha ko agad ang adjustable shower. Hininaan ko muna ang pressure at si-net up ko sa warm water. Tinapat ko ‘yon sa tuktok ng kan’yang ulo at binasa ko ng tubig ang buhok n’ya. Hindi ko na s’ya huhubaran. Nang basa na ang buong katawan n’ya, nilagyan ko na ang liquid body wash ng body scrub at marahan kong pinunasan ang mukha n’ya. “He’s so handsome even his eyes closed…” mahinang usal ko habang tinititigan ang bawat parte ng mukha n’ya. He has a pointed roman shaped nose. Parang may bukol kasi ang gitna banda ng nose bridge n’ya kaya lalakeng-lalake talaga s’ya tingan. Nangangayat kaya hulmang-hulma ang jawlines pati cheek bones n’ya, namamakat sa magkabilang mga pisngi. His skin looks manly too. Sakto lang ang pagiging kayumanggi. Pero ang mukha n’ya mismo, namumutla. I am sure he was never exposed to the sunlight during those months in the underground punishment. “His lips are very dry…” Ang tigang tingan ng mga labi n’ya. Nababakbak ang balat n’ya roon at nagkasugat-sugat na. Hinugasan ko ng maigi ang kan’yang buhok. Nakakadalawang attempt pa ako ng pag-lagay ng shampoo pero hindi bumula kaya ang ginawa ko, dinamihan ko na at sa wakas, tinablan din. Limang buwan din yata s’yang hindi naka-tikim ng ligo dahil pag-tingin ko sa tiles, kitang-kita kong nag-b-brown ang kulay ng tubig na nanggaling sa katawan n’ya. Pagkatapos kong shampuhan ang buhok n’ya, sinunod ko na ang upper at lower body n’ya. Siguro halos isang oras ang ginugol ko para masiguradong nalinisan ko na talaga s’ya. “Should I call someone?” Bumubulong ako habang pinagmamasdan ko ang preso na wala pa ring malay hanggang ngayon. Kinakailangan na n’ya kasing bihisan dahil baka sipunin pa ‘to. Wala naman akong respeto kung huhubaran ko s'ya na hindi n'ya alam. Gagawa na lang ako ng paraan. “What? You want me to dress him up?” Tinanguan ko ang soldier na kausap ko ngayon. Sakto dahil pag-labas ko ng selda, may nadatnan akong naka on duty na soldier na naglalakad sa hallway. “Opo. Puwede po ba?” Hiningahan ako ng marahas. “Sige na, Sir… kahit ngayon lang po.” Napa-kamot na lang sa likod ng ulo n’ya at tinanguan ako. Umaliwalas kaagad ang mukha ko. “Fine. What’s his prison cell number?” “Cell number 9 po. Dito lang din sa floor 3.” "Oh, the newbie huh. He's inmate 999." Nilagpasan na ako ng soldier at tinungo ang selda ng bilanggong 'yon. Ilang segundo pa akong naka-tayo sa hallway. Iniisip ko kung susundan ko ba o hindi pero kinalaunan, bumalik ulit ako roon. Naka-bukas ang prison cell door. Nag stand by muna ako rito sa labas habang naka-titig lang ako sa naka-saradong pintuan ng banyo. Alam kong hindi naman mapapahamak ang soldier dahil walang lakas para manlaban ang inmate at isa pa, imposible namang maka-takas s’ya rito. Lumipas ang mahaba-habang minuto, naagaw ang aking atens’yon nang dahan-dahang bumukas ang pintuan ng banyo. Doon naka-focus ang mga mata ko. Ang unang lumabas, ang soldier at sinundan na ‘yon ni inmate 999. He is now wearing a striped black and white prison uniform. Um-e-echo sa bawat sulok ng selda ang tunog ng kadena habang humahakbang s’ya patungo sa sulok. “He’s a goner. I think he will last... 2 months and a few weeks.” Iyan ang inusal ng soldier nang lumabas na s’ya sa selda. “Salamat po ulit, Sir.” Ni-lock n’ya na ang prison cell door at umalis. Binalingan ko ulit ng tingin ang inmate. My heart suddenly stopped beating again when our eyes met. He was looking at me with such resentment. I still don’t have any other tricks to tame this beast but I want to help him. Mabubulok talaga s’ya rito kung hindi naagapan. Hindi ko pa alam kung paano makipag-communicate sa kan’ya. Wala s’yang planong mag-salita. In days of trying, he never spoke a word. Ang tanging ginagawa n’ya lang, ibato sa ‘kin ang food ration n’ya. He even pushed me at almost slammed my face on the wall. Puro pasa ang inabot ko sa kan’ya. Mabuti na lang dahil long sleeve ang uniform namin at hindi nakikita ang mga nagkukulay ube kong balat doon. Ganoon na s’ya kabayolente. Kahit ganito na ang inabot ko sa kan’ya, hindi pa rin ako sumuko at nagbabasakali akong baka pagdating ng araw, kakain na s’ya. “Son, please talk to me.” Kakalabas ko lang ng elevator, may narinig akong boses ng isang matanda na um-echo sa buong palapag. Natanaw ko na agad ang nag-salita. Kumunot ang noo ko dahil napagtanto kong naka-tayo ang taong iyon sa harapan ng selda ni inmate 999. “Ilang buwan ka nang hindi umiimik. Buto’t balat ka na lang! I don’t want you to die here! Please, survive! Can you hear me?!” Nagmamakaawa ang matanda. Base sa mga narinig ko, mukhang tatay s’ya ng billanggo. He was wearing a suit. Nagpapatunay lang na galing sa disenteng pamilya. Kahit sa malayo, masasabi ko nang mapera. Lumakad ako palapit sa kan’ya habang tulak-tulak ang push cart. Hindi pa rin s’ya tumigil sa kakakumbinsi sa preso. Partida, tatay na ang kaharap pero wala pa rin akong narinig kahit maikling sagot man lang. “Hindi ako titigil hangga’t hindi nila babawasan ang sintensya mo. Get a hold of yourself. It’s not the end of the world! There’s still a light ahead of you so please, live…” Parang mangiyak-ngiyak na ang matanda habang tinititigan kung gaano kasalimuot ang sitwasyon ng kan’yang anak. Kahit ginawa ko na rin ang makakaya ko para mapakain lang s’ya, palya lahat ng pakulo ko. “Ah, Sir… excuse me…” Nang tumigil ako sa paglalakad, hinarap ako ng matanda. “Who are you?” Sumeryoso ang kan’yang boses. “Servant po, kayo po?” magalang na tanong ko. “I am the father of the prisoner in this cell.” Ngumiti ako. “What are you doing here?” “Breakfast time na po. Sa oras na ‘to, kailangan namin i-distribute ang mga food ration ng mga inmate.” Nakita kong binabaan n’ya ng tingin ang laman ng malaking cart. “My son would never eat that thing,” bulong n’ya. “May tanong po sana ako?” Inangat n’ya ako ng tingin. “Puwede ko po bang malaman kung… ano ang mga paboritong pagkain ng anak n’yo?” Napa-angat ang kan’yang mga kilay. “I tried bringing his favorite foods but the guards confiscated all of it.” “Sabihin n’yo na lang po sa 'kin kung ano.” Nilawakan ko ang ngiti ko. I saw confusion lingering on the old man’s face. “Well… steak, seafood boil, and strawberry flavored ice cream.” “Is that all po?” “Yes, ang mga iyon lang ang alam ko.” Tumango ako at napa-sulyap sa loob ng selda. Sa sulok pa rin nagmumukmok ang anak n’ya. Gusto ko pa sanang mag-tanong ng ibang bagay na bumabagabag sa utak ko pero pinigilan ko lang. “Trabaho na po ako. Maiwan ko na kayo rito.” Hinarap ko ulit ng matanda at saglit ko s’yang niyukuan. “What is your name?” “Lizah.” Inabot ko ang kanan kong kamay. “Lizah Aguilar.” “Nice to meet you, Lizah. I am Dracul.” Nakipagkamay s’ya sa ‘kin. “Will you cook those dishes for my son?” I smiled. “Hindi ko naman po tatanungin kung hindi ko gagawin.” Nilawakan ko ang pag-kurba ng mga labi ko at napa-ngiti na lang s’ya ng hilaw. “Sa anak n’yo lang ako nahirapan ng husto. Ang tigas ng ulo n’ya.” Kumunot ang noo ni Sir Dracul. Para mas maintindihan n’ya ang sinabi ko, binitawan ko ang handle ng food cart at isa-isang tinaas ang sleeves ng uniform ko. “What happened to you?” Nanlaki ang mga mata n’ya nang pinakita ko ang mga pasa ko roon. “My son… caused those bruises?!” “Opo. He behaves like an untamed beast.” “You are hurting yourself, young lady.” “I am,” kalmadong tugon ko at binaba na ulit ang mga sleeve. “But why, Miss? My son might kill you.” Tinitigan ko s’ya. “Hindi naman po siguro.” “Binabayaran ka ba ng organisasyon sa ginagawa mo? Nakiusap na ako sa mafia boss na kukuha sana ako ng maid para sa anak ko pero hindi nila ako pinahintulutan.” “Libre lang po itong ginagawa ko.” Parang nagugulan ang matanda kung hahanga ba s’ya sa ‘kin o magtataka na lang. “Aalis na po ako.” Hindi na s’ya nakapagsalita pa. Lumakad na ako palayo para masimulan ko na ang trabaho ko. Nang maasikaso ko na ang lahat, hindi ko na nadatnan si Sir Dracul. Mukhang uuwi ako sa hideout ngayong break time dahil bibili pa ako ng mga ingredients para sa mga lulutuin ko mamaya. “Liz, ‘san punta mo?” Pag-labas ko sa lounge, nakasalubong ko si Martha rito sa tapat ng pinto. “Sa supermarket. May bibilhin lang.” Wala naman s’yang naging reaks’yon. Sana mailuto ko na ang lahat bago mag-lunch. Bawal kasi talaga na lutuan ng home made meals ang mga preso dahil may food ration na para lang sa kanila. May naisip naman akong paraan para maitago. Kung may makakapansin, sabihin ko na lang na lunch ko ang dala kong pagkain para hindi ako mahuli. Siguro almost 12:11 pm natapos ang preparation. Nilagay ko sa loob ng lunch boxes ang mga niluto ko at pati ‘yong isang tub ng strawberry ice cream. Ang smooth lang ng plano ko dahil wala namang nag-hinala hanggang sa nakarating na ako sa selda ni inmate 999. Pumasok ako sa loob at kalmadong lumakad palapit sa kan’ya. Bumaba ang aking tingin para mapagmasdan s’ya. He is barely breathing but I know he is awake. “Sir, nag-luto ako ng paborito n’yong pagkain. Kumain na agad kayo habang wala pang dumadaan na soldiers.” Lumuhod ako sa kan’yang harapan at nilapag sa sahig ang bitbit kong paper pag. Isa-isa kong kinuha sa loob ang tatlong lunch boxes. Inalisan ko ng takip. Umusbong kaagad ang usok galing sa mainit na kanin, medium rare steak, at seafood boil na inasilan ko na ng mga shell pati balat. Wala akong nakitang crab. Malalaking hipon, mussles, at crawfish na lang ang binili ko. Lastly, tinabi ko rin sa mga lunch box ang ice cream tub. Mukhang nalanghap n’ya ang nakakatakam na amoy ng mga pagkain dahil narinig kong dahan-dahan n’yang suminghot sa hangin at ikinaangat ng kan’yang ulo. The cold, intense fury that glistened in his eyes frightened me. Nawala naman kaagad ang kilabot ko dahil kung susugurin n’ya ako, isang tulak ko lang sa kan’ya, matutumba s’ya. Kahit alam kong wala s’yang sapat na puwersa, hindi ko na pinatulan kapag sa tuwing nagiging bayolente s’ya sa ‘kin. Ganoon ako kabait sa kan’ya. “Unahin mo muna itong ice cream dahil matutunaw na.” Sinubukan ko ulit na kausapin s’ya sa kaswal na paraan. Dinampot ko ang tub at kutsara saka inalis din ‘yong takip. Kumuha ako ng isang scoop. Hindi ako nag dalawang isip na ilapit ‘yon sa naka-tikom n’yang bibig. “Masarap ‘to.” Umiba ng direks’yon ang kutsara at ako muna ang susubo. Sumagi pa ang kaunting ice cream pisngi ko banda pero hinayaan ko na lang. Nang matikman ko na, pinalitan ko agad ng panibagong kutsara at nag-scoop ulit. “Saka mo na ako pagmalupitan ‘pag nakakain ka na. Puwede mo akong sakalin o saktan sa ano mang paraan na gusto mo.” Lubog na talaga ang mga mata n’ya na halos hindi na maidilat. His lips are so dry and chapped. He’s not staring at the food but at me. It looks like he rather chooses to devour me. “Here, let me help you.” Pinadako ko ang kaliwa kong kamay at marahang dinakma ang chin s’ya. Dahan-dahan kong piniga ‘yon na ikinabuka ng kan’yang bibig. Doon ko pinasok ang kutsara. Nangahalati iyon at tinanggap sa wakas ng bibig n’ya ang ice cream. Sa kauna-unang pagkakataon, nasilayan kong napa baba-taas ang adam’s apple n’ya at narinig ko ang hilaw na pag-lagok. Hindi lang ‘yan, gumalaw-galaw na rin ang kan’yang mga labi para lasapin ang matamis na lasa ng ice cream. Nasaksihan kong bahagyang umangat ang kan’yang mga kilay at nabuhay saglit ang kan’yang mga mata. He wants more. Nag-scoop ulit ako. I didn’t want to make him feel uncomfortable so I didn’t speak. Hindi na ako nagpahayag ng kahit anong komento. Pinigilan ko ang sarili kong mapa-ngiti dahil tila wala s’ya sa sarili na sinubo ng kusa ang ice cream sa kutsara. He can’t resist the sweet taste of it. Malaking improvement na ‘to para sa kan’ya. Hindi talaga ako nag-salita hanggang sa naubos na n’ya ang tub. “Sir, may I know your name? Ayaw ko kasing tinatawag ka na inmate 999.” Sinalubong n’ya ang aking mga mata. “Ryu…” When I heard his voice for the first time, I felt the chills crawl down my back. “Ikinagagalak kong… makilala kayo Sir Ryu—“ Nahinto ang pagsasalita ko nang bigla n’yang dinakma ang leeg ko gamit ang magaspang at malapad n’yang kamay. Pinikit ko agad ng mariin ang mga mata ko at pinigil ko muna ang pag-hinga ko. I thought he would strangle me but he didn’t tighten his grip. Sa halip, naramdaman ko ang mainit n’yang hininga na dumampi sa kanang pisngi ko. “Ryu…jin… The name is Ryujin…” At namilog ng husto ang mga mata ko nang madama ko ang namamasa n’yang dila sa gilid ng mga labi ko at padiin na dinilaan ang ice cream na naiwan doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD