CHAPTER 2

2119 Words
“Relax ka lang, I will just feed him.” Tumigil ako ako sa harapan ng tray. Nag-squat ako at inusog ko ‘yon palapit sa kan’ya. Dalawang ruler lang yata ang distansya ko sa inmate. Wala akong takot na sinalubong ulit ang kan’yang nananaksak na mga mata. Kung si Martha, natatakot titigan ang bilanggo na ‘to, iba naman ang nararamdaman ko at naaaliw pa ako. Yes, he looks terrifying at first glance but I love the way he frowns at me to make that beastly facial expression. Nakakatuwa titigan ang mga mata n’ya. “Lizah naman…” she whines. Hindi ko na s’ya binigyan ng pansin. Pinantayan ko ng tingin itong preso. Hindi n'ya kinurap ang kan’yang mga talukap. “Good afternoon, Sir… kung hindi n’yo po kaya kumain, hayaan n’yo na pong… subuan ko kayo,” magalang kong sambit. Kinukurbahan ko s’ya ng mga labi pero hindi pa rin nag-bago ang kondisyon ng mukha n’ya. Sa awrahan pa lang ng lalakeng ‘to, alam ko naman na delikado s’yang lapitan pero bago ko s’ya husgahan, susubukan ko muna. Bumaba ang pagkakatitig ko sa tray. Dinampot ko ang metallic zip lock doon. Inalisan ko ng lid at in-unzip. Maingat kong binuhos ang laman sa stainless steel tray. Hindi ko inaksaya kahit isang patak ng sauce. Hindi ko mas’yado maintindihan kung ano ang hitsura ng ready to eat ration nila pero dark red ang kulay ng sauce tapos may kanin, shredded pork meat, at mga hiniwa-hiwang assorted na gulay. Kinapitan ko ang kutsara at sinandok na ang food ration na 'to. Unti-unti kong nilapit ang kutsara sa naka-tikom na bibig ng preso. Ini-steady ko saglit dahil hindi n’ya pa binubuka ang kan’yang bunganga. Ang mga labi ko pa talaga ang binuka ko para makumbinsi man lang s’ya. Siguro umabot ng ilang minutong naka-angat lang ang kamay ko at naguumpisa na akong makaramdam ng pangangalay pero hindi ko pa rin binababa. Nagbabasakali na tatanggapin n’ya ang pinapasubo ko. “Sir, gugutumin kayo ‘pag hindi po kayo kakain—“ Napa-tigil ako sa pagsasalita nang bigla-bigla n’yang tinapik ang hawak kong kutsara. Tumalsik ‘yon sa ibang bahagi ng selda. “Liz!” nagaalalang sigaw ni Martha. “Hayaan mo s’ya, lumabas ka na riyan!” S’ya ang hinayaan kong sumigaw doon dahil naka-tutok pa rin ang buo kong atens’yon sa bilanggo na ‘to na parang lumalala ang pangingitim ng aura n’ya. Sunod-sunod n’yang diniin ang panga na parang gigil na gigil. Wala naman s’yang sinasabi. “Liz, umalis ka na! Gusto mo bang hilahin pa kita palabas?!” Hindi ako makapag-concentrate sa panggugulo ni Martha kaya nilingon ko na s’ya. “Kaya mo ba?” panghahamon ko sa kan’ya. Akala ko papasok s’ya rito sa loob para mahila raw ako pero umatras pa talaga s’ya palayo. “B...Baka kung ano ang gawin sa ‘yo. Hindi pa naman naka-posas ang mga kamay n’ya...” “Hindi ko s’ya masusubuan kung lalayo ako.” Hinarap ko ang preso. “Sir,” tinawag ko ulit s’ya sa mahinahon na paraan. “Kain na po kayo—“ “LIZAH!” Napa-hiyaw na ng malakas si Martha dahil bigla na lang kinuha nitong bilanggo ang tray at literal na hinambalos sa gilid ng mukha ko. Sa impact, napa-upo ako sa malamig na sahig. “SINABI KO NA SA ‘YO NA LUBAYAN MO ANG HALIMAW NA ‘YAN!” Hinila na agad ako patayo ni Martha. Parang ma-o-out balance pa ako dahil umalog yata ang utak sa bungo ko. Pinikit ko muna ng mariin ang mga mata ko. Natapunan pa ako ng food ration sa mukha at nabahiran ang suot kong uniform. “’Di ba?! I told you! Ang tigas kasi ng ulo mo! ‘Wag mong pilitin kung ayaw kumain! Kakain din ‘yan ‘pag nagutom!” No, I don’t think so. Sigurado akong hindi s’ya kakain kung hindi kukumbinsihin. He looks so hopeless and gloomy. Ramdam kong hinihintay n’ya na lang si kamatayan. Naiisip kong, kung malaki talaga ang atraso ng taong ‘to kay Madame Anghelisha, sana hindi na s’ya pinalabas sa underground punishment. There’s an untold story behind this man’s beastly glare. “Let’s get out of here!” He didn’t say a word. Hindi ko naman inoobliga na mag salita o mag sorry pero, hindi n’ya talaga ako sinigawan para mas mabigyan linaw kung ano ang gusto n’yang mangyari. Hinila na ako ni Martha palabas. S’ya na ang nag-lock ng selda at nagmadali kaming pumasok sa elevator. Pag-baba namin sa ground floor, dumiretso kami papasok sa lounge at inalalayan pa rin ako ni Martha sa banyo. “Ano, ayos ka lang ba?” Tinanguan ko na lang s’ya at kalmadong nilakad ang sink na parang walang nangyari. Hindi ko naman gagawin na big deal ang ginawa sa ‘kin ng inmate na ‘yon. Tumigil ako sa lababo saka inangat ng tingin ang bathroom mirror na naka-dikit sa pader. Bahagya kong si-nide view ang pisngi ko kung saan ako nahataw kanina. Namumula at siguradong magkakapasa ako nito. “Maligo ka na muna. May extra uniform ako sa locker ko. ‘Yon na lang ang suotin mo.” “Sige, salamat,” marahang tugon ko. “So ano, lalapit ka pa ba sa hayop na ‘yon?” “’Wag mong isusumbong kay Kuya Lans itong nangyari sa ‘kin.” Huminga s’ya ng marahas. “Basta sundin mo na lang ang sinabi kong ‘wag mo nang lapitan ang preso na ‘yon dahil sigurado akong mauulit ang ginawa n’ya sa ‘yo... kung hindi ka didistans’ya sa kan’ya.” Um-oo ako sa paalala ni Martha pero mas masusunod pa rin ang gusto kong gawin. Sure akong may dahilan kung bakit binigyan ng pagkakataon mabuhay ang lalakeng ‘yon. Sayang naman kung ibabaon sa hukay ang maganda n'yang imahe. “I will take a bath.” Lumabas na ulit sa Martha sa banyo. Tinungo ko na ang shower para makaligo na. Sinuot ko ang uniform na pinahiram sa ‘kin. “Kukuha ba ako ng ice pack? Namumula ‘yong pisngi mo oh? Ang lakas kasi ng pagkakahampas sa ‘yo ng hayop.” Naka-upo na ako sa sofa habang nagkakape. “Ako na lang ang kukuha. Uubusin ko lang ‘to.” Kalahati pa lang ang nahigop ko pero kumuha na ako ng ice pack sa ref at nilapat ko ‘yon sa pisngi ko. Sana hindi ko muna makita si Kuya para hindi mag halungkat kung bakit ako nagkaroon ng pasa. May parusang matatanggap kapag sinaktan kami ng inmate. Hindi ko naman gustong maparusahan ang lalakeng ‘yon at masusugatan ulit ang likod n’ya ‘pag nagkataon. “Hala, Liz? Napano ka?” Dumating naman ang mga katrabaho namin servant at nakita ang pisngi ko. “Nadapa lang ako sa banyo,” pagdadahilan ko at nakita kong napapailing si Martha. Pagkatapos ng short break time namin, lumabas na kami sa lounge. Tatapusin pa namin ang mga labahin sa laundry area. Habang nag-d-dryer na sila, pumasok ako sa storage room dahil may naisipan akong gawin. Nagkukuwentuhan pa naman sila roon at ayaw ko naman sayangin ang oras ko. Kinuha ko na ang dapat kong makuha sa storage room. Mukhang hindi ako napansin ng mga kapwa ko servants na lumabas ako ng laundry area at tuloy-tuloy lang ang chismisan nila. Naka-hinga ako ng maluwag. Sumakay ako ang elevator at hinatid sa floor 3. “Miss Liz! Magandang hapon!” “’San punta natin?” “What happened to your face?” Huminto-hinto pa talaga ako para sagutin ang mga katanungan ng mga inmate na nadadaanan ko. “Magiingat ka sa susunod.” Ngumiti ako sa inmate na soldier. “Opo, salamat po.” Bahagya akong yumuko saka pinagpatuloy ulit sa wakas ang paglalakad ko. Kung matatamdaan ko, cell number 9 dito sa third floor naroroon ang preso na ‘yon. Hindi nga ako nagkamali dahil nakita ko na agad ang selda n’ya. Mahigit isang oras na yata ang nakalipas simula no’ng hinaras n’ya ako kanina pero hindi man lang nag-bago ang posisyon n’ya. Naka-upo lang s’ya sa gitnang bahagi roon sa dulo ng kan’yang selda. Hindi ko mawari kung naka-pikit o naka-dilat ang mga mata dahil naka-yuko ulit ang ulo. Plano kong kausapin si Sir Colt. Isa s'ya sa mga capo na namamahala sa dome prison na ‘to. Mag-re-request ako ng duplicate key. Mabait naman si Sir kaya sigurado akong papayagan n’ya ako. Kung kay Kuya kasi ako makikiusap, malamang hihindian n’ya ako. “Sir, I brought your prison uniform,” magalang kong sambit. I am using the gentle tone of my voice. Hindi naman ako ganito makipagusap sa mga kakilala ko. Depende kung sino ang mga nakakaharap ko. Mas approachable kasi kapag malumanay ang tono ng pananalita ko. It’s a sign of respect to them. “Ihahagis ko na lang po malapit sa inyo para maabot n’yo.” Lumapit ako sa bakal na rehas. Pinalusot ko roon ang kaliwang kamay ko kung saan kapit-kapit ang naka-plastic na uniform. Hinagis ko ‘yon pero nasobrahan yata ang tansta ko dahil imbes sa harap n’ya babagsak ang plastic, sa tuktok s’ya ng ulo tinamaan. “Naku pasens’ya na po.” Nag-sorry na agad ako. Akala ko aangatan n’ya ako ng tingin pero hindi n’ya talaga sinubukan na itaas ang ulo n’ya. Tulog yata. Naka-hinga tuloy ako ng maluwag. S’ya na yata ang inmate na i-m-monitor ko araw-araw. Umalis na ulit ako at bumalik sa laundry area. Pag-sapit ng ala sais ng hapon, ako naman ang mas naunang umuwi dahil pupuntahan ko pa si Sir Colt. “It seems like you are interested with that prisoner, Miss Aguilar.” Ngumiti na lang ako sa sinabi ni Sir Colt. Nasa loob kami ng office n’ya ngayon habang may hinahalungkat s’ya sa key drawer para mahanap ‘yong susi na hinihingi ko. “Hindi naman po sa interesado. Naaawa lang ako.” “Marami naman ang dapat kaawaan, bakit s’ya pa, hmm?” He chuckled. “Sa Dome prison, s’ya po ang pinakamalala ngayon kaya need n’ya po talaga ng assistance.” “Here you go.” Hinarap n’ya na ako at humakbang palapit sa kabilang side ng office table n’ya saka inabot sa ‘kin ang duplicate key. Tinanggap ko agad ‘yon. “Salamat po, Sir.” “You are so kind. Ipagpatuloy mo lang ang ginagawa mo.” Natawa ako ng hilaw. “I will, Sir. Thank you po ulit.” Hindi ako nag-tagal sa office ni Sir Colt. Umuwi na ako sa hideout ko. Na sa akin na ang susi. Hindi malalaman ni Kuya ang kung ano man na gagawin ko dahil hindi naman s’ya nag-d-duty sa dome prison. May mga nakalaya nang mga soldier at associate na na-handle ko. Nagpapasalamat sila sa ‘kin at marami na rin akong natanggap na regalo galing sa kanila. Ang iba, tinangkang niligawan ako pero hindi puwede. Kapag kaibigan, okay lang sa ‘kin. Supposed to be, night shift ako kinabukasan pero mag-d-duty na lang ako. 7 am ako umalis sa hideout at tinungo ang dome prison. Halos tulog pa ang mga inmates kaya nag dahan-dahan talaga ako para hindi maka-likha ng kahit anong ingay. Patungo ako ngayon sa cell number 9. Nang marating ko na, napa-sapo ako sa noo dahil ganoon pa rin ang puwesto ni inmate 999. Tatlong tray na ang naka-balandra sa kan’yang harapan. Nilinisan na ‘yong kalat na ginawa n’ya kahapon pero hindi pa rin talaga kumakain kagaya ng in-e-expect ko. Hindi rin n’ya pinansin ang prison uniform n’ya. Kahit ‘yon lang sana ang inasikaso n’ya. “I guess I have no other choice.” Bumaba ulit ako sa ground floor at pinasok ng office ng mga soldiers. May naabutan akong tatlong soldier doon kaya nirequest ko na ‘yong gusto kong makuha. Pumayag naman sila kaya binalikan ko ulit ang cell number 9. Sinusian ko muna ang selda ni inmate 999. Bahagyang gumalaw ang katawan n’ya nang marinig ang pag-bukas ang prison cell door. Kalmado akong humakbang palapit sa bilanggo habang kapit-kapit ko ‘yong bagay na gagamitin ko para sa kan’ya. Nakita kong dahan-dahan n’yang inangat ang kan’yang ulo na sakto, tumigil ako sa kan’yang harapan. Natakpan s’ya ng madilim kong anino habang nanliliit ang mga mata n’ya. “Sorry, Sir but I have to do this.” Doon ko niyuko ang aking upper body. Bago pa s’ya maka-react, pinadikit ko agad sa gilid ng kan’yang leeg ang nanggagalaiting stun gun. Nasaksihan ko kung paano s’ya nangisay nang dumikit sa kan’yang balat ang boltahe ng kuryente na agad s’yang nahimatay. Pagkakataon ko naman para kaladkarin ang walang malay n’yang katawan papasok sa banyo. Papaliguan ko lang ‘to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD