CHAPTER 4

3216 Words
WHEN I felt the unpleasant feeling creep up from the pit of my stomach and crawl into my throat, I almost pushed him away. I thought he would attack or hit me but he just stared at my eyes. His burning gaze was fixed on me alone. Mariin kong nilunok ang sarili kong laway. Naguguluhan pa ako kung ano ang i-r-react ko. He just licked me like a behaved cat. Hindi ko na binigyan ng malisya ang ginawa n’ya. He only wanted to lick the ice cream off my cheeks. That’s it. I will erase these disturbing thoughts circulating in my mind. “Do… you want more? Gusto n’yo po ba ulit ng ice cream?” Hindi ako lumayo sa kan’ya kahit ilang inches na lang ang pagitan naming dalawa. Akala ko makikipagusap na sa ‘kin pero s’ya na itong lumayo at bumalik sa pagkakasandal sa malamig nap pader. He only spoke several words. It looks like he doesn’t want to communicate with me anymore. Nagiisip ako kung susubuan ko ulit s’ya pero baka sasaktan n’ya na ako kapag pinagdikdikan ko pa. Pinikit na n’ya sa kasi ang kan’yang mga mata. He consumed only the ice cream I had bought for him. Although wala namang importanteng nutritional value para maibalik ang dati n’yang anyo, pinangiti n’ya ako dahil kinain n’ya pa rin. Para magkaroon s’ya ng privacy, iniwan ko s’ya sa loob ng kan’yang selda. “Liz? Anong ginagawa mo rito?” Pagkapasok ko sa loob ng lounge, tanong kaagad ang bungad sa ‘kin ni Martha. Nakita ko s’yang nag-m-mop ng tiles nitong sahig. “Hindi ba’t night shift ka pa?” “Oh ano naman? Bawal ba akong pumasok ng maaga?” Tinungo ko ang water dispenser. “It’s too early. ‘Wag mong sabihin na pinuntahan mo na naman ang hayop na ‘yon?” Tumigil ako sa harapan ng dispenser. Kumuha ako ng disposable cup at tinapat ‘yon sa hot water. Ilang segundo lang, lumabas na ang tubig. “Hoy, sagutin mo kaya ako? Nagpabingi-bingian kahit rinig naman ako.” “Oo, pumunta nga ako ro’n. Ano naman ang masama?” “Magtatanong ka pa? Paano ‘pag nakarating sa kuya mo na inaalagaan mo ang nakakatakot na bilanggo na ‘yon?” “Hindi n’ya malalaman kung walang magsusumbong,” pandidiin ko. Nilapag ko sa counter ang cup at kumuha ako ng isang stick ng all in one coffee. Inalis ko ang lid at maingat na binudbod sa mainit na tubig. Sa pagmamadali ko kanina, hindi na ako nakapagkape. Hindi kumpleto ang araw ko ‘pag hindi ako nakakainom nito. “Hindi kita i-r-report pero... tigilan mo na sana. Hindi pa kaya humuhupa ang pasa mo.” Hindi ko na kasi pinapansin ang mababaw na bagay na ‘yan. “At Lizah…” Humakbang si Martha palapit sa ‘kin. Naramdaman ko ang presens’ya n’ya sa likuran ko. “Hindi rin malabong malalaman ni Briggs ang tungkol dito.” Akma kong kakapitan ang cup pero natigilan ko. “Manliligaw mo pa lang s’ya, oo pero… hindi ba’t nagkaaminan na kayong dalawa na gusto n’yo ang isa’t isa? Hindi naman yata tamang may special treatment ka sa mga inmate, ‘di ba?” Huminga ako ng malalim. Tinititigan ko na lang ang umuusok na cup. “I didn’t mean to offend you. If I do, I am sorry.” May manliligaw nga ako. Isang soldier, si Briggs. Lagi s’yang wala rito sa Demorgon’s village dahil naka-destino s’ya sa malalayong lugar para sa kanilang misyon. Kasama n’ya ang iba pang mga capo. Siguro 3 weeks na kaming walang communication. Hindi naman kasi kami puwedeng gumamit ng cellphone o kung ano mang gadget. Wala namang kaso sa ‘kin dahil pareho lang kami ng sitwasyon na may mga priority na dapat unahin. “Magagalit si Briggs sa ginagawa mo lalo na kung malaman n’yang.. pogi ang inmate na binabalik-balikan mo. Hindi n’ya maiwasang mag-isip ng hindi maganda." “Kung may tiwala s’ya sa ‘kin, hindi n’ya ako pagiisipan ng masama,” depensa ko naman. Wala akong ibang nararamdaman kay Ryujin ‘kun ‘di awa lang. May gusto nga ako kay Briggs at iyon ang pinanghahawakan ko. Para sa ‘kin, wala naman akong ginagawang masama dahil mahal ko ang trabaho ko. “Ikaw ang bahala, Liz. Concern lang naman ako sa inyong dalawa. Seloso pa naman si Briggs.” Hindi naman maisawan mag-selos pero wala s’yang karapatan para pigilan ako dahil tumutulong lang naman ako. Hinawakan ko na ang mainit na cup at dinala sa center table saka ako umupo sa sofa. Hindi na ako kinausap ni Martha kaya hinigop ko na ang kape ko. Pagkatapos ng mahaba-habang mga minuto, pinuntahan ko ulit ang cell number 9 at nabigla ako sa nasaksihan ko. “Naubos n’yo ang lahat ng pagkain…” mahinang usal ko habang sinisilip ko s’ya sa loob. Nasa sulok na naman si Ryujin pero ang laman ng mga lunch box, parang nag laho na parang bula at wala akong nakitang kahit isang butil ng kanin. He left no crumbs. Binuksan ko ulit ang prison cell door at nag-lakad palapit sa kan’ya. Lumuhod ako sa malamig na sahig saka ko isa-isang pinasok ang mga lunch box pabalik sa paper bag. “Natutuwa po ako at kumain na po kayo ng maayos,” sabi ko habang inaasikaso pa rin ang mga pinagkainan n’ya. “Who are you and why are you so interested in me? Did my father send you to take care of me?” Hininto ko ang pag-kilos ko at inangat ko s’ya ng tingin. Ganoon pa rin ang kan’yang mga mata. Bahagyang naka-baba ang mga talukap n’ya na parang pilit na aninagan ako. “Mali po lahat ng tanong n’yo.” I smiled. “Hayaan n’yo akong magpakilala sa iyo.” Tumikhim ako. “Ako si Lizah Aguilar, servant po ako ng organisasyon at hindi po ako inutusan ng tatay n’yo para alagaan ka.” Tinaasan n’ya ako ng mga kilay. “Then why do you keep pestering me?” Mga kilay ko naman ang tumaas ngayon. “Pinepeste po ba kita?” “What do you think you’ve been doing?” “Kilan pa naging pamemeste ang pagaalaga?” Sumalpok na ang magkabila n’yang mga kilay at lalong nanliit ang mga mata n’ya. “You electrocuted me.” Oo nga pala. Ginamitan ko nga pala s’ya ng stun gun para mahimatay. Ang kulit n’ya kasi, ayaw mag-pahawak at puro na lang pasa ang inabot ko sa kan’ya. Napa-kamot ako sa batok ko at natawa ng hilaw. “Sorry po, ang baho n’yo na kasi kaya kating-kati talaga akong paliguan kayo. ” “Mind your own business and leave me alone.” “Ganiyan ba kayo mag pasalamat pagkatapos n’yo ubusin ang lahat ng pagkain na niluto ko para sa inyo?” “Did I ask you to cook for me?” Ang taray talaga nito sa ‘kin. Bayolente na nga tapos ang suplado pa. “But your father did.” Iniwasan n’ya na ako ng tingin. Nag side view s’ya. “Ang laki-laki pa naman ng gastos ko para mapakain lang ang maarteng bilanggo na katulad n’yo. Almost 5 thousand ang nawala sa ‘kin.” Hindi n’ya ako sinagot. “Kahit sabihin n’yong hindi n’yo ginusto, sana man lang marunong kayo mag thank you. Hindi naman mahirap sabihin ‘yon. Isa pa, kung hindi kayo kumain ngayon, matitigok talaga kayo sa gutom.” “I don’t mind dying.” ‘Sabi na nga ba. “Buhay pa kayo pero pinapatay na ang sarili n’yo… Sana, bago mangyari ‘yon, pagbayaran muna ang kasalanan n’yo rito sa lupa para matanggap kayo sa huling hantungan.” “I don’t believe in God. It's not real.” “Patay, Blasphemy is the unforgivable sin of all…” This guy has so much problem. Nangati ang mga tainga ko sa mga sinabi n'ya. “Pero hindi ko naman sinasabi na sa langit ang huli n'yong hantungan dahil sa sinasabi n’yo pa lang, hindi ka na papapasukin ni San Pedro.” “Who’s that?” Huminga ako ng marahas. “Wala, ‘wag mo nang pansinin ang sinasabi ko.” Nangalay na ako sa kakaluhod kaya umupo na lang din muna ako sa sahig. “Get out of my sight,” mariing usal n’ya. “Oo, wait lang. Papahinga lang ako po ako rito.” Nakita kong pinikit na n’ya ang kan’yang mga mata. Pinapamukha talaga sa ‘kin na ayaw n’ya akong makita. Ang pino pakinggan ang tono ng pananalita pero hindi n’ya maitago ang pagkaarogante n’ya. “Matagal ko nang gustong itanong sa inyo ‘to—“ “One more word, I will twist your neck.” Tinikom ko na lang ang bibig ko. Akala ko gaganda na ang mood n’ya dahil nagkalaman ang tiyan pero parang walang pinagbago. Huminga na lang ako ng malalim at iginala ko ang aking paningin sa bawat sulok ng selda n’ya. Hindi na namin trabaho ang linisan ang mga bilangguan nila pero sa nakikita ko ngayon, parang walang planong mag-linis ang lalakeng ‘to. “Kukuha lang ako ng vacuum cleaner.” “What are you gonna do with that thing?” “Your prison cell is a mess. Ano pa nga ba ang purpose ng vacuum?” Dahan-dahan akong tumayo sa pagkakaupo. Napa-hawak pa ako sa balakang ko at lumiyad. Narinig ko na lang na may pumutok-putok sa mga buto ko roon. “Don’t you dare to come back here again.” “’Wag mo na po akong pigilan at mapapahamak lang kayo.” Binabaan ko s’ya ng tingin habang naka-lihis pa rin ang ulo n’ya sa kabila. “Servant man ako sa inyong paningin pero may kakayahan ako para kontrolin kayo. Kung ayaw n’yong mahimatay ulit, ‘wag n’yo na akong pakealamanan.” Doon n’ya ako binalingan ng tingin. Halos kukunutan ko na s’ya ng noo dahil nasilayan kong umangat ang gilid ng kan’yang mga labi para ngisihan ako. “What a devious young lady. Do you think you can scare the hèll out of me?” “What an ungrateful prisoner,” mahinang bulong ko. “Kung hindi n’yo na pinapahalagahan ang buhay n’yo, isipin n’yo na lang si Mr. Dracul. Your father is waiting for you, Sir…” “It’s not a good idea to intrude on other people’s business.” Hindi ko na sinagot ang sinabi n’ya sa ‘kin at umalis na lang ako sa selda n’ya. Bumaba ako sa ground floor at tinungo ko muna ang lounge para uminom ng malamig na tubig. Nauhaw ako bigla. “Excuse me, is that you, Miss Lizah?” May narinig akong pamilyar na boses ng isang matanda. Pag-lingon ko, nasilayan ko si Mr. Dracul at may kasama s’yang isang soldier. “S’ya na nga ‘yan. I will give you 10 minutes to speak with her,” seryosong bilin sa kan’ya ng soldier bago s’ya iniwan doon sa bungad ng naka-bukas na pinto. “Mr. Dracul, magandang umaga po,” magalang na bati ko. Humakbang ako palapit sa kan’ya. “Maupo muna kayo.” Tumigil ako sa harapan n’ya. “No, it’s okay. Hindi naman ako magtatagal.” Tumango na lang ako sa sinabi n’ya. “How’s my son? Hindi ako pinahintulutan ng guard na makita ang anak ko dahil kahapon ko lang s’ya binisita.” “Nag-luto po ako ng lunch n’ya. Surprisingly, kinain n’ya po lahat.” Doon nabigyan ng sigla ang imahe ng tatay n’ya. “R-Really? Kumain na si Ryujin?” Tumango ako ng dalawang beses. “Pinagluto ko s’ya ng mga paborito n’ya. Hindi na siguro natiis ang gutom.” Huminga s’ya ng malalim. “Thank you so much... and I am sorry I won’t be able to pay you now. The guards are so strict that I couldn’t bring any money…” “Naiintindihan ko po. ‘Wag n’yo na lang ako bayaran.” “Kapag naka-labas na si Ryujin, I will pay for your service. I promise.” Tuwang-tuwa si Sir Dracul sa binalita kong naka-kain na ang anak n’yang matigas ang ulo. “I am begging you…” Kinuha n’ya ang kaliwang kamay ko at nilapat n’ya roon ang magkabila n’yang mga palad. “Please bear with my son… huwag ka sana mag-sawa at babayaran ko lahat ng pagod mo.” Nagmamakaawa na s’ya sa ‘kin. “Pero ang sama ng ugali ng anak n’yo. Sa nararamdaman ko, tila ba mas gugustuhin n’ya na lang mamatay. Ang hirap pa naman kumbinsihin ang mga taong may gan’yang mindset na wala nang ganang mabuhay,” seryosong pahayag ko. “Malaya kang gawin lahat ng gusto mo sa anak ko basta’t makakauwi s’ya... I need my son, young lady…” I took a deep sigh. “Hindi ako magbibitaw ng pangako na maisalba ko ang anak n’yo pero susubukan ko.” He nodded. “Thank you so much… I will entrust my son to you… Makakamit mo ang buhay ng karangyaan kapag naka-laya ang anak ko…” Hindi ako aasa sa sinasabi ng matandang ‘to. Matapos ang maikling paguusap na ‘yon, pumasok na ulit ang soldier para sunduin s’ya. Nagiisip ako kung babalik pa ba ako sa selda si Ryujin. Sumasangayon naman ang utak ko pero hindi natuloy dahil inutusan ako ng isang soldier na linisan ang office nila. Akala ko makakabalik na ako sa selda ni Ryujin pero naging sunod-sunod ang mga utos sa ‘kin hanggang sa sumapit na ang night shift ko. Hindi na ako nag-pakita sa kan’ya. Pagod na ako kaya umuwi na lang ako sa hideout pagkatapos ng lahat ng trabaho ko. Kinaumagahan ng araw na ‘yon, habang kumakain ako ng agahan sa kusina, may kumakatok sa pintuan ng hideout ko. Tumayo ako sa pagkakaupo at lumabas. Patungo ako sa naka-saradong pinto. Pag-hinto ko sa harap, kinapitan ko na ang door knob at binuksan. “Good morning, Liz.” Natigilan ako nang masilayan ko ang presens’ya ni Briggs. “Did you miss me?” Bago pa ako maka-sagot, sinalubong n’ya ako ng mahigpit na yakap. “Because I miss you…” I hugged him back. “Na... miss din kita. Ang tagal naman ng misyon n’yo?” Kumalas s’ya sa pagkakayakap. “Yeah, I am sorry.” “Kumain ka na ba?” Inilingan n’ya ako. “Tara na sa kusina. Ipagluluto kita.” Sabay namin nilakad ang daan patungo roon habang kinukwento n’ya sa ‘kin ang mga kaganapan ng misyon nila. Pinagtimpla ko muna s’ya ng kape at nag-halungkat ako sa ref. Bacon at eggs na lang ang lulutuin ko. “And you? How’s your work going?” Habang piniprito ang itlog sa non-stick pan, saglit akong natigilan sa tanong n’ya. “Ayos naman…” “Dinagdagan na naman ba ng mga soldier ang trabaho mo?” seryosong tanong n’ya. “No, walang gano’n.” Magagalit ‘to ‘pag sinabi ko ang totoo. Makikipagaway na naman sa soldiers na naka-duty doon sa dome prison. “And the inmates?” “Mga mababait pa rin sila,” mabilis na tugon ko. Kapag umuuwi si Briggs, umuulan ng mga katanungan at sinasagot ko naman lahat kahit ang iba, hindi naman totoo. “Mamayang 8 am, aalis ulit ako.” “Agad-agad?” “Yes,” tugon n’ya. “Magiingat ka sa work mo.” Kumain na kami ni Briggs habang naguusap. Nang sumapit na ang 7:58 am, doon na n’ya nilisan ang hideout ko. Nag-asikaso na ako ng sarili ko dahil naghihintay na rin ang trabaho ko roon sa dome prison. “I don’t eat rubbish.” Bahagya kong pinikit ang aking mga mata nang binato ni Ryujin ang tray. Kamuntik na akong tinamaan at naramdaman ko pa ang nilikhang hangin na dumaan sa gilid ng mukha ko. Tumilapon ang tray sa ibang bahagi ng kan’yang selda. “Saan napunta ang binibigay na pera ni Dracul?” “Walang binibigay ang ama n’yo sa ‘kin at sapat na lang ‘yong natirang allowance ko kaya hindi ko kayo mapaghandaan ng matinong pagkain ngayon,” paliwanag ko sa kan’ya pero siningkitan n’ya lang ako ng mga mata. “You liar... I know you are receiving a huge amount of money from that old man.” He’s getting more aggressive. “May body inspection ang mga soldiers at isa sa mga pinagbabawal, ay ang salapi—“ “Sinungaling! You keep all the money all by yourself!” Nanlilisik na ang mga mata n’ya kaya lumayo talaga ako. “Bahala ka kung ayaw mong maniwala. Basta ako, nagsasabi ako ng totoo—“ “Lizah? What’s happening here?” Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang boses ni Briggs at sinundan ‘yon ng mga yabag n’yang papasok dito sa loob. Nakita kong nahagipan ako ng tignin ni Ryūjin, lalo na ngayong namilog itong mga mata ko. “Hmm?” Napa-tikom ang aking bibig dahil ‘yan ang narinig kong inusal n’ya habang pasalin-salin n’ya kaming tinitigan ni Briggs. “I have never seen this prisoner before. Is he new?” Naramdaman kong tumigil si Briggs sa tabi ko. “O-Oo…” nautal kong sagot. “By any chance…” Nag-salita ulit si Ryujin at nakita kong binalingan n’ya ng tingin si Briggs. “...this indecent woman is your girlfriend?” “Ryujin,” mariing saway ko. “And why?” Sinagot s’ya ni Briggs. Nasilayan kong nginisihan s’ya ni Ryūjin. “Can you get rid of her? She’s been flirting with me.” Mas lalong nanlaki ang mga mata ko at napa-titig na agad ako kay Briggs. Nilunok ko ng mariin ang sarili kong laway dahil nasaksihan ko kung paano nandilim ang aura n’ya sa sinabi ni Ryūjin. “No, hindi totoo ‘yon—“ “It’s true. Look how immoral she is the way she dressed in front of me.” Saglit akong napa-titig sa suot kong uniform na wala namang mali! “She would always show her cleavage and her pale neck... to seduce me.” Pumakawala ng mala-demonyong hagikhik si Ryūjin. Binalingan ko s’ya ng tingin. “’Yan pala ang iniisip mo habang tinutulugan kita? Gan’yan pala kadumi ang isip mo? Sa dinami-daming inmate na inasikaso ko, sa iyo ko lang narinig ‘yan.” “Maybe because they are enjoying the view.” Kinuyom ko na ang mga kamao ko. “Do you think you can seduce me? You have been taking care of me only because…” Sumalin ang pagkakatititg n’ya kay Briggs. “…I am good looking.” “Admit it that is what you think about me.” Sa akin naman s’ya tumingin ngayon. “Right, Lizah?” Lumakas ang pintig ng dibdib ko. “Oo at naawa ako sa ‘yo,” kalmadong tugon ko. “See? She’s a slûtty bìtch.” Matinik pala ang dila nito. Mas mainam pala na hindi na lang s’ya nagsasalita. Nagagalit s'ya dahil akala n'ya hinuhuthutan ko ang tatay n'ya? Dahan-dahang bumaba ang mga talukap ko. Patutuwirin ko ang baluktot n'yang mga tuhod. “Hindi ko papalagpasin na gagawan mo ako ng kwento na inaakit kita.” Lumalim ang tono ng boses ko. Tinalikuran ko s’ya. “…Briggs, bring him into the dungeon. Wasakin mo ang magandang mukha ng lalakeng ‘yan.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD