CHAPTER 1

2984 Words
LIZAH AGUILAR “Miss Liz, are you busy?” Habang nagpapahinga rito sa lounge naming mga servants, biglang pumasok ang isang soldier. Kaagad akong tumayo. Tumigil s’ya sa bungad ng naka-bukas na pintuan. “Break time na po namin kaya hindi na ako abala,” magalang na tugon ko. “May problema po ba?” “Maaari mo bang painumin ng gamot ang inmate sa cell number 13, floor 2?” “Opo, sir. Sige po aakyat na ako.” Sinangayunan ko ang soldier kaya humakbang na ako paalis dito sa loob at lumabas na. Bago ang lahat, binigay sa ‘kin ng soldier ang susi ng seldang bubuksan ko. Tinungo ko ang elevator 3. Pumasok ako roon saka pinindot ang floor button number 2. Nang dinala ako sa dulo nitong hallway, lumabas na ako at nag-lakad palayo. “Hi, Miss Liz!” “Bakit ka bumalik dito? Hindi ba’t break time mo na?” Tumigil muna ako sa pag-hakbang at humarap dito sa kaliwa kung saan naroroon ang mga naka-hilerang mga selda. Kinakausap ako ng dalawang preso na associate. “Opo sana ‘e. Pero may utos kasi sa ‘kin,” marahang sagot ko. “Bakit? May aasikasuhin ka ba?” Naka-tayo lang silang dalawa doon sa loob habang naka-kapit sa bakal na rehas. “May papainumin lang ako ng gamot. Nagkasakit yata ang kosa n’yo,” magalang na tugon ko. “Aba’t tarantado naman ‘yon. Inabala ka pa tuloy imbes na nagpapahinga ka,” reklamo ni Sir Frankie. “Sabihin mo kung sino at mabatukan ko ‘pag naka-labas ako rito.” Natawa na lang ako ng hilaw sa sinabi ni Sir Isaac. “Sige na, umalis ka na para maka-balik ka na agad.” “Opo, tuloy na ako.” Maayos akong nag-paalam at pinagpatuloy na ang paglalakad. Servant ako ng black puma organization rito sa Demorgon’s village. Lugar ng mga mafia. May mga pinuno kami. Una, ang Godfather na si Don Dario, sunod si Boss Kruger at ang anak n’yang si Boss Darius na mafia boss namin ngayon. Sinundan ng consigliere na sina Boss Legis at Boss Gideo. Ang underboss naman si Boss Brown. The rest, ang mga Capo, soldiers at ang pinakamababa, mga associates. May nakatatanda pala akong kapatid na soldier, si Kuya Lans. Ulila na kasi kami. Sa orphanage kami lumaki. Nang tumungtong na sa legal na edad, doon na kami lumisan at nag sumikap para maka-survive. Pareho kami ni Kuya na hindi nakapagtapos sa pagaaral dahil sobrang mahal ng expenses. Kahit sinubukan namin ang lahat ng makakaya, hindi talaga sapat ang kinikita namin sa pag-p-part job at ang laki ng mga gastusin sa pagaaral. Si Kuya, first year college lang ang natapos at ako, second year. Hanggang sa noong nakaraang taon lang, nalaman ko na lang na namasukan na si Kuya sa isang non-government organization. Hindi ko naman gustong iwan n’ya ako na ako lang nagiisa sa inuupahan namin na apartment kaya sinama n’ya na ako. Associate pa lamang s’ya noon habang ako naman, pinasok ko ang trabaho bilang servant. Masuwerte ako dahil naka-pasa ako sa mahigpit na training dahil kung hindi ako pinalad, malamang bayarang babae ako ngayon. Prostitute ang bagsak kung minalas ako. Masaya at komportable ako sa trabaho ko. Lalo na si Kuya Lans dahil no’ng nakaraang buwan lang, na-promote s’ya bilang soldier. Nag sumikap talaga s’ya para marating ang posisyon na ‘yon. Napakaganda rin ang village na ‘to at hindi ko masukat kung gaano kalawak dahil mas malaki pa yata ‘to kaysa sa cuidad mismo. Malayo nga lang ang biyahe para marating ang mga karatig baranggay o ibang lugar. Mapuno itong teritoryo nila. Dekada na yata ang tanda ng naka-tanim na mga puno dahil nakatutulong ‘yon para maging kanlungan ng mga gusali at mans’yon. May tinatawag din silang gates. Parang rehas na bakal din pero malalaki at matatarik. Nagsisilbi naman ‘yon na harang para maiwasan ang mga mananalakay kung magkakaroon man. Ang gate 1, doon nakatira ang mga associates. Sa gate 2 at 3 naman, mga soldiers na. Ang gate 4, para lang sa Demorgon family at panghuli, gate 5. Dito matatagpuan ang iba’t ibang establisyiemento kagaya na lang nitong prison dome, airport, aircraft parking stadium, mall, museum, apartment ng mga prostitutes at servants, mga mans’yon ng mga matatatas na opisyal at marami pang iba. Ang ibang mga servants, sa black mansion doon sa gate 4 lang naka-duty pero kaming mga all around servants, kung saan-saan kami napapapadpad, depende sa mga utos sa ‘min ng mga soldiers o mapa-capo man. Sa 11 months ko na paninilbihan dito, masasabi kong mas maganda rito kaysa roon sa cuidad dahil hindi na kami namomoroblema sa mga bills at pagkain dahil sagot ‘yon ng organisasyon. Alaga nga kami rito at mga disiplinado ang lahat dahil nga, nakakatakot ang mga parusa kapag sinubok mong gumawa ng katarantaduhan. Marami na rin akong alam sa organisasyon dahil nagtatanong-tanong naman ako sa mga beterano kong mga katrabaho. “Lumagpas na pala ako,” bulong ko sa sarili nang mapansin kong tuloy-tuloy pa rin ang mga hakbang ko kahit nadaanan ko na ang cell number 13. Humakbang tuloy ako paatras at hinarap ang selda rito pa rin sa kaliwa. Naglakad pa ako palapit doon saka huminto sa tapat ng rehas. Inangat ko ang kaliwang kamay at tinutok ang kapit-kapit kong susi sa keyhole. Pinasok ko ‘yon at ginalaw patagilid. Awtomatikong bumukas pahati ang dalawang separate na prison cell door. Pinagtuonan ko agad ng pansin ang isang inmate na naka-higa sa built in bed n’ya, sa kanang gilid ng selda. Naka-hilata s’ya roon at nahalata ko agad na masama ang kan’yang pakiramdam. Mukhang hindi n’ya napansin na pumasok ako. Nilapitan ko s’ya. “Good afternoon, Sir.” Tumigil ako sa uluhan n’ya banda. Dahan-dahan n’yang minulat ang kan’yang mga mata. Hindi n’ya ako sinagot pero nasilayan ko agad na namumula ang mukha n’ya at giniginaw na rin. Bahagyang nanginginig ang kan’yang katawan. “Ano po ang nararamdaman n’yo? Puwede n’yo po bang sabihin sa ‘kin?” marahang usal ko. Kagaya ng sinabi ko, ginagalang ko silang lahat dahil karamihan, mga associate o soldiers mismo ang mga naka-kulong dito. Kapag napadpad sila sa lugar na ‘to, ang ibig sabihin lang ay may pag-asa pa silang mabuhay dahil kung mabigat lang ang atraso nila, malamang hindi na sila masisikatan ng araw at hindi na sila makakalabas doon sa underground punishment. Tinanong ko ang inamate pero hindi n’ya ako sinagot. Hindi ko na pinilit pa. Binaling ko na lang ang atens’yon ko sa side table kung saan naka-lapag ang tray na naglalaman ng food ration n’ya. Napansin kong may dalawang tabletas ng gamot na naka-patong lang din sa isang tabi. Dinampot ko iyon saka binasa ang label. “Pain killer naman ‘to…” mahinang usal ko saka binalik ang buong atens’yon sa preso. Nilapag ko muna pabalik sa mesa ang gamot. “Please excuse me,” paalam ko muna bago ko marahang nilapat ang likuran ng aking palad sa noo n’ya, pati na rin sa leeg. Hindi ko nasuot ang apron ko bago pumunta rito. Doon kasi naka-silid ang emergency kit ko kabilang ang thermometer. Palagay ko, mga nasa 38 degrees ang body temperature n’ya. Napagtanto ko rin na nahihirapan s’yang huminga at inuubo pa. “Bakit naman pain reliever ang binigay sa inyo kung virus ang dahilan kung bakit kayo nilalagnat?” bulong ko. “Sandali lang po ha. Kukuha lang ako ng proper na gamot para sa inyo.” Nagmadali akong umalis saka bumaba sa ground floor. Pinasok ko ang isa sa mga storage room namin at kumuha ako ng gamot para sa sipon saka sa ubo. Pag-balik ko roon, kinuha ko agad ang stainless steel tray. Inalalayan kong umupo ang bilanggo at pinasandal sa head board. Kinapitan ko na ang kutsara para masubuan na s’ya. Akala ko nga hindi n’ya ako papansin pero willing naman palang kumain na walang pilitan. “Ubusin n’yo po ito ha? Malaking dosage kasi ang iinumin n’yo.” Tinanguan n’ya lang ako habang tinatanggap ng kan’yang bibig ang pagkain na pinapakain ko sa kan’ya. Mabuti naman. Optional lang itong ginagawa ko. Kumbaga, naka-depende na lang talaga kung tutulong ako o hindi dahil base sa mga naririning ko, kapag nagkakasakit ang mga preso noon, pinapabayaan lang ng mga soldiers at walang nurse na magaalaga man lang sa kanila. Kahibangan daw kapag bigyan ng atens’yon ang mga ‘to. Ang dami na rin namatay dito dahil hindi na nagigising. Ang ibang mga nagkasala, nilalatigo sila roon sa underground bago ipadala rito o mas malala pa, torture na brutal talaga ang natatanggap nila. Kapag hindi mabibigyan ng lunas, magkakaimpeksyon. Hindi sila ginagamot kaya ang iba, namamatay. Depende pa rin sa record mo. Kung hindi naman ganoon kabigat ang iyong kasalanan, bibigyan ka ng gamot kaya dapat inumin kaagad pero itong inmate, hindi n’ya kaya at tinawag na lang ako ng soldier kanina. Noong bago pa lang din ako rito, muntikan na akong pagalitan ng husto dahil bakit ko raw tinutulungan ang mga nangangailangan na mga bilanggo. Sayang daw ang oras ko at hindi raw nila deserve arugahin pero rumason talaga ako. Hindi ko matiis na may makitang nahihirapan At dahil sa willingness ko, pinabayaan na lang ako ng mga soldiers. Ang bilis kasi talaga lumambot ang puso ko lalo na kung kaawa-awa ang kondisyon ng mga nakakasalamuha ko. Feeling ko kasi ang sama-sama ko kung hindi ko sila tutulungan kahit sa simpleng paraan lang. ‘Pag nag-d-deliver ako ng food ration nila, kinakausap ko sila para malibang dahil may kan'ya-kan'ya talaga kasi silang selda. Nirerespeto ko ang lahat ng mga bilanggo. Binalaan nga ako ng soldiers na baka mapahamak ako sa gagawin ko pero hindi naman nangyari ‘yon dahil nagiingat ako. Hindi naman sila makakatakas at may kadena ang mga paa nila. Mataas din ang respeto nila sa ‘kin dahil tinatrato ko sila ng tama. Wala pa namang may nambastos sa ‘kin, sa tagal kong nag-d-duty rito. Kahit nga pitik, hindi ko naranasan ‘yon kahit ang lapit-lapit ko sa kanila. Palakasan na lang ng loob at pakikisama na rin para maging mabait sila sa ‘yo. “S-Salamat, Miss…” Sa wakas, nag salita na ang inmate. Kakatapos ko lang s’yang painumin ng gamot. “’Wag ka po munang humiga ha? Sandal ka lang, Sir. Kukuha lang ako ng towel banyo n’yo kung may makita ako.” Nagpasalmat ulit s’ya sa ‘kin kaya dumiretso na ako papasok sa banyo, rito sa kaliwang bahagi ng pader. May nakita akong face towel. Nilabhan ko muna ‘yon bago pinunasan ang mukha n’ya saka pinahiga. Tinupi ko na rin at pinatong sa kan’yang noo. “Sir, nandito lang sa side table ang bowl ha? Basain n’yo ulit kung nararamdaman n’yong wala nang lamig.” “S-Sige, Miss… maraming salamat…” Hinila ko ang kumot n’ya saka kinumutan ang kan’yang katawan. Ang nakakapagod lang na trabaho rito, ang mag laba. Kahit may washing machine at dryer naman, ang hirap kolektahin ang mga prison uniform nila at ang bibigat. “I-c-check ko po kayo mamayang gabi dahil hanggang 8 pm naman ako rito.” Um-oo s’ya sa ‘kin at nagpasalamat ulit. Lumabas na ako ng selda n’ya at ni-lock na ang pinto. Pinagsasabihan naman ako ng mga soldiers kung sino ang mga dapat kong iwasan dahil sila talaga ‘yong mga notorious criminals. Doon ko sinusunod ang mga soldiers. Hindi ko naman gustong maka-abala. “Akala ko ba andito ka na kanina pa pero ngayon lang natapos duty mo ro’n sa itaas?” Pag-pasok ko sa lounge, nasilayan kong naka-higa na si Martha sa mahabang sofa. “Nakisuyo kasi si Sir Aaron.” Lumakad ako palapit sa kan’ya saka umupo sa kaharap n’yang sofa. Pinisil-pisil ko ang sarili kong mga balikat. “Ano na naman ‘yan? May extra ulit na pinagawa sa ‘yo?” Tumango ako. “Oo, pero hindi naman nag-tagal.” “Namimihasa na talaga ang mga boss natin dito. Ikaw din kasi, pinasanay mo sila sa pagiging makapagkawanggawa mo. Ito tuloy, pati break time mo na-c-consume pa rin. Halos wala na nga tayong pahinga ‘e.” Nginitian ko na lang ng pilit si Martha. “Hindi ko naman pupuwedeng suwayin ang utos nila kaya hayaan mo na.” Hiningahan n’ya na lang ako ng malalim. “Ang sipag-sipag mo kasi tapos ang bait mo pa.” ‘Yan lagi ang naririnig ko rito. Siguro, dahil nasanay na ako sa buhay namin dati sa orphanage kung saan kami lumaki. Disiplinado rin kaming lahat doon at mas’yadong strikto ang mga nag-h-handle sa ‘min. Bawal ang tatamad-tamad at batugan. Noong una, umaasa kami sa mga donations. Para mapakinabangan naman kami, gumagawa kami ng mga handicrafts para maibenta. Kinalaunan, may nag-donate sa ‘min na lupa. Ginawa nilang farm para pagtaniman ng mga prutas at gulay. Nag-alaga na rin ng mga manok at baboy. “Liz, tutulog muna ako ah? Gisingin mo na lang ako ‘pag end na ng break time natin.” Um-oo na lang ako sa sinabi n’ya. Hindi ako puwedeng umidlip at baka pareho kaming hindi na magising sa tamang oras. Nang sumapit ang ala una ng hapon, nagsibalikan na kami sa trabaho. Kinagabihan, nauna nang umuwi si Martha sa hideout n’ya. Hindi muna ako sumabay dahil pinuntahan ko ulit ‘yong preso na may sakit kanina. Pag-dating ko sa selda n’ya, naka-higa pa rin s’ya. Chineck ko ang body temperature n’ya at normal na. “Bukas na po kayo mag-take ng gamot. Magpahinga na po kayo.” “Salamat, miss.” Nginitian ko na lang s’ya at umalis na ako sa selda n’ya. Kinakailangan ko nang umuwi sa hideout ko dahil maglalaba pa ako ng uniform ko. Inasikaso ko na agad ‘yon bago natulog. Kinaumagahan, nakatanggap ako ng tawag galing sa isang capo na si Sir Colt. Pinapa-duty ako sa hideout n’ya kaya umalis na ako ng hindi nagpapaalam kay Martha dahil nagmamadali ako. Pag-dating ko roon, inumpisahan ko na ang general cleaning. Doon na ako pinakain ng agahan at pinamiryendahan na rin ako. Pagkatapos ng ginagawa ko, nagpaalam na akong umalis pero naabutan ko si Kuya sa labas ng gate nitong mans’yon ni Sir Colt. May kasama s’yang mga soldiers pero ang umagaw talaga sa pansin ko, ay ang bihag nilang preso. Napagalaman kong galing pala ang lalake sa underground punishment. Sa dinami-daming bilanggo na nakasalamuha ko, sa kan’ya lang ako naawa dahil parang walang ligo at nangangayat pa. Hindi lang pala ‘yan, sobrang dami n’yang pilat sa iba’t ibang bahagi ng kan’yang katawan, lalo na sa likod n’ya. Punit-punit ang suot n’yang t-shirt saka pantalon na parang basahan na ang kondis’yon. Sa kabilang banda, kahit ganoon ang sitwasyon ng inmate, ang guwapo n’ya. Hindi naman sa porke mahitsura, naaawa na ako pero s’ya talaga ‘yong mas malala ang kalagayan. Sinuway ko ang bilin sa ‘kin ni Kuya Lans. Ang sabi n’ya, sa iba ko raw ipagawa kapag nasagupa ko ang guwapong bilanggo pero he’to, inuutusan ko si Martha na ipakuha ang susi ng selda para mapasok ko s’ya roon sa loob. “S-Sigurado ka ba?! Sa tingin ko hindi papayag si Lans sa gusto mo!” “Mag-dahilan ka na lang na may kukunin ka," pakiusap ko kay Martha. Pumikit s’ya ng mariin at malakas na pumakawala ng buntong hininga. “Sige na nga. Pero labas na ako ‘pag pinagalitan ka ng kuya mo ha?!” Tinanguan ko na lang s’ya. “Aalis na ako. Matyagan mo muna ang inmate na ‘yan.” Tinalikuran na ako ni Martha. Mabilis s’yang humakbang palayo. Huminga ako ng marahan bago ko hinarap pabalik ang selda. Sinilip ko ulit s’ya roon sa loob. Naka-yuko pa rin ang kan’yang ulo. Tahimik ko lang s’yang pinagmamasdan. Awang-awa talaga ako sa kalagayan n’ya. Isa rin siguro s’ya sa mga preso na dapat kong alalayan dito dahil kung hindi, mamamatay talaga ‘to. “Liz!” Narinig ko na ulit ang boses ni Martha. Binalingan ko s’ya ng tingin at tumatakbo na s’ya palapit sa kinatatayuan ko. “Ito na, nakuha ko na.” Tumigil s’ya sa harapan ko at nilahad ang kanan n’yang kamay. Binabaan ko iyon ng tingin. Mabilis kong kinuha ang susi na naka-lapag sa kan’yang palad. “Magiingat kang babae ka. Iba ang pakiramdam ko sa isang ‘yan. Para s’yang mabangis na hayop.” “Ano ka ba, ‘wag mo ngang ikumpara ang tao sa hayop.” “Nako, alam naman ng lahat na mas masahol pa ang mga tao.” Hindi ko na s’ya pinakinggan at humakbang na ako palapit sa center part ng rehas. Sinusian ko ang keyhole. Nang automatic bumukas pahati ang dalawang bahagi ng cell door, hinakbang ko na ang mga paa ko papasok pero nang maka-two steps pa lang ako, dahan-dahang umangat ang ulo ng bilanggo. Kusang huminto ang mga binti ko. Nagkatagpo ang aming paningin. He looked at me straight into my eyes. Naramdaman kong saglit na napa-tigil ang pintig ng dibdib ko. “L-L-Liz… kitams? Ang sama n’ya kung maka-tingin… ‘wag mo na lang ituloy ‘yang binabalak mo!” Pinalagpas ko pa rin sa kabilang tainga ang sinigaw ni Martha. This man caught my attention. Ang ganda ng kan’yang mga mata. He has siren eyes. I have never seen those kind of eyes before. The dark color of his eyebrows and eyelashes suits perfectly with his beautiful eyes. He’s giving me a death glare as if he wants to ravish me into pieces. Imbes na matakot, mas lalo lang ako nauudyok na lapitan s’ya dahil nakakaenganyo talaga ang imahe n’ya. Binibigyan n’ya ako ng warning sign kung paano n’ya ako titigan ngayon. His eyes are screaming ‘Don’t come near me’ but here I go anyway. “H-Hoy, Lizah! Nakikinig ka ba sa ‘kin?! Sabi nang umatras ka pero lumapit ka pa!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD