CHAPTER 5

3685 Words
I STILL have the courage to turn around. His sharp gaze landed on me as if he wanted to send me to my grave. “Walang utang na loob,” mariing usal ko pa bago ko s’ya ulit tinalikuran. “What are you waiting for, Briggs?” “Yes.” Sinagot n’ya agad ako at humakbang palapit kay Ryujin. Ang dapat sa taong katulad n’ya, bigyan ng masakit na leks’yon. Kung alam ko lang na ganito pala kasama ang ugali n’ya, hindi ko na s’ya tinulungan pa. Ang nasa isip ko lang ngayon, ang awa ko sa ama n’yang nagaantay sa kan’ya. Hindi ko talaga nagustuhan ang mga narinig ko mula sa bibig n’ya. Sa talim ng dila ni Ryujin, naniniwala akong may malaki talaga s’yang kasalanan sa anak ng mafia boss na si Madame Anghelisha. Matatanggap ko pa ang mga kalupitan n’ya sa ‘kin, kaya nga napuno ng pasa ang mga braso ko pero ‘yong ipapahiya n’ya ako at gagawa ng istorya sa harapan ni Briggs, hindi ko ‘yon papalagpasin. Words are sharper than the blade. If he continues to be inconsolable, then I have no choice but to unleash the violence he wants. Akala ko may mas hahaba pa itong pasens’ya ko dahil natural lang sa ‘kin na maunawain at maintindihin pero hindi ko naman kasi in-e-expect na ganoon pala s'ya kabastos. Hindi lang pala sadista, salbahe pa. Susulitin ko ang pagkakataon na wala pang kakayahan ang makapangyarihan na taong gaya n’ya para gantihan ako. Habang andito s’ya sa prisinto, ako muna ang reyna. Saka n’ya lang ako angasan kung nakalaya na s’ya. Gusto kong lumabas sa selda ni Ryūjin pero mananatili na lang ako rito. Narinig kong pinosasan s’ya ni Briggs. “Son of a bìtch…” He keeps cursing at me. “Stop mumbling or else I will slice that filthy tongue of yours,” nanganganib na banta ni Briggs. “Wow, you scared me,” sarkastikong sabat ni Ryujin na parang hindi man lang natakot sa warning. “Just kîll me, you worthless son of a bitch.” Pumikit ako ng mariin. Hindi ko gustong may naririnig akong nagmumura at ang sakit sa tainga. “Palabasin mo na ‘yan at parusahan,” naiiritang utos ko at hinarap sila pabalik. Nakita kong kaka-kalas lang ng kadena ni Ryūjin sa kaliwa n’yang paa. Tumayo ulit si Briggs at marahas s’yang sinipa sa likod para itulak. Parang masusubsob si Ryūjin sa sahig. Naka-posas na rin patalikod ang kan’yang mga kamay. “Parusahan?” Binalingan ako ng tingin ni Ryūjin. “I will be pleasured if I get killed. There’s no point of living anyway.” Para s’yang baliw na humalakhak at s’ya na mismo ang humakbang patungo sa naka-bukas na prison cell door na agad namang sinundan ni Briggs. Pinagmasdan ko lang silang lumayo sa selda at tinutukan na n’ya ng rifle si Ryujin habang tinatahak ang hallway. Huminga ako ng malalim. Tinungo ko ang built in bed sa kanang bahagi ng pader. Umupo ako roon. Lumipas lang ang mga minuto, dumating na ang hinihintay ko. “Mag-paliwanag ka, Lizah.” Inangat ko ng tingin nang tumigil na si Briggs sa harapan ko. “What is he talking about?” Naramdaman kong naiirita na rin s’ya pero mas pinili n’yang maging mahinahon lang. “Papaniwalaan mo ba ang mga paratang ng lalakeng ‘yon?” Hindi s’ya naka-sagot. Iniwasan n’ya ako ng tingin at panay hinga ng malalim. Alam ko na ang ibig sabihin ng pinapapakita n’yang reaks’yon sa ‘kin. “Hindi totoo ang mga sinabi n’ya,” dagdag ko pa. “Saan do’n banda? He just said earlier that you pity him just because he is good looking,” tugon n’ya. “I like you and you feel the same way too. I was busy handling our mission and now I came back, I found out you got infatuated with another man. Akala ko ba gusto mo ako? Pero bakit ka pa na-a-attract sa iba?” “Yes, I am physically attracted to him but it doesn’t mean, I am interested—“ “Bakit ka nandito kung hindi ka interesado sa bilanggong ‘yon, Lizah?” Binalingan n’ya na ako ng tingin. Kaninang kalmado s’ya, naguumpisa nang mamuo ang tens’yon sa aming dalawa. Pinipigilan kong isumbat sa kan’ya ang mga panahong sinasabayan n’ya ang mga babaeng pasimpleng nakikipag-flirt sa kan’ya, lalong-lalo na ang mga prostitutes. Kahit halatang pinapakita na ang flirty gestures at flirtatious joke, nakikisabay pa s’ya. Hindi n’ya alam na nakakarating sa ‘kin ang lahat pero sinasawalang bahala ko lang dahil wala naman kaming deep connection. “Sa una ko lang naramdaman ang sinasabi mo pero nang tumagal, nawala naman kaagad at kaya ko s’ya inaasikaso dahil utos ‘yon ng kan’yang ama.” “Could you please stop making excuses?” “I am not making an excuse. Inamin ko naman ang dapat na aminin. Kung interesado ako sa kan’ya, bakit ako umudyok na parusahan s’ya? Kilala mo ako, Briggs.” Napa-hawak s’ya sa noo n’ya at padiing binaba ang palad sa kan’yang mukha. “Kung mas pinapaniwalaan mo ang sinabi ng inmate, bahala ka... basta alam ko sa sarili ko na walang katotohanan ‘yon.” “Na inaakit mo s’ya?” “Precisely,” mabilis na tugon ko. “Do you like me? or… I am just an option?” “I like you and that’s all.” “We’ve been together for months but until now you have no plan to accept my courtship.” Bahagyang bumagsak ang boses n’ya. “I am not forcing you to wait for me. Ang sabi mo, makapaghintay ka pero ano ang ibigsabihin nito?” Huminga s’ya ng malalim. Doon na s’ya tuluyang yumuko. “Nothing. Let’s end this argument.” “If you doubt my feelings for you, it’s okay. Lilinawin ko ulit... I am not seducing anyone.” Pinarangka ko na dati pa itong si Briggs na hindi pa talaga ko ready sa stage ng pakikipagrelasyon dahil alam kong lilimitahan n’ya ako sa mga gusto kong gawin. Sa ilang buwan naming pagsasama, hanggang hug lang kami. Kaya rin ako kinilabutan nang dinilaan ako ni Ryujin dahil s’ya pa lang ang naka-gawa ng bagay na 'yon sa ‘kin at kapag makita ni Briggs ang mga pasa ko sa braso, tatagal itong pagtatalo namin. Manliligaw ko pa lang s’ya pero aaminin kong parang girlfriend na ang tingin n’ya sa ‘kin. Pinagsasabihan ko rin s’ya na kung ano man ang maging desisyon ko, tanggapin n’ya sana at wala pa talaga sa isip ko na magkaroon ng boyfriend. Sinabihan ko rin s’yang malaya s’yang lumandi o magkagusto sa iba. Nagaalangan kasi ako sa kan’ya dahil halos lahat ng mga soldiers dito, mga babaero. Mahitsura rin s’ya kagaya ni Ryujin kaya nagiingat talaga ako. Binalaan din ako ni Kuya na hangga’t maaari, hindi dapat ako magpapauto sa mga soldiers dito. Lalo na't nakakatanggap ako minsan ng chismis na may babaeng umaaligid kay Briggs na ini-entertain n’ya. Pinapansin ang mga nagpapapansin sa kan’ya kaya naninigurado muna ako bago magpatali. “Okay…” Huminga s’ya ng pagkalalim at tinitigan n’ya na ako ng diretso sa mga mata ko. “Naniniwala na ako sa ‘yo pero ‘wag ka na sanang bumalik pa rito.” “Imposible ‘yan dahil pas’yente ko s’ya. Tutuparin ko ang usapan namin ng ama n’ya.” “That’s ridiculous. Are you serious Lizah?” Nanumbalik ang inis ni Briggs. Tinanguan ko s’ya. “Kung may tiwala ka sa ‘kin, hindi mo ako pagiisipan ng masama.” Inulit ko ang mga salitang binaggit ko kay Martha. Napa-pikit s’ya ng mariin at humugot ng maraming hangin. Napa-kiskis na rin s’ya ng bagang. Masuwerte ang Ryujin na ‘yon dahil may tatay pa s’yang nagaalala sa kan’ya. Samantalang kami ni Kuya, ni hindi namin kilala kung sino ang mga magulang namin. Bilib ako sa mga magulang na nagaaruga sa anak. “Fine. Do whatever you want.” Hindi na nakapagpigil si Briggs at nag walk out na. Iniwan n’ya ako sa loob ng selda ni Ryujin. Nasasakal ako rito sa loob. Pinalipas ko lang ng ilang minuto bago ako lumayas doon. Tumambay muna ako sa lounge. Day off ko bukas. Sakto, ayaw ko munang mag duty rito. I need a break. Hindi naman nila papatayin si Ryujin dahil ang mafia boss lang ang may hawak sa leeg n'ya. Malayang-malaya ang mga soldiers na parusahan ang mga inmates pero bawal nilang patayin unless may command galing sa mga kataas-taasan. Nang makapagpahinga na ako, bumalik na ako sa trabaho ko at hindi ko na nahagilap pa ang presens’ya ni Briggs sa dome prison. Ala siete y media na ako naka-uwi sa hideout. Kumain lang ako at nag-shower. Naka-higa na ako sa kama pero narinig kong may kumakatok sa labas ng pintuan ko. Nagdadalawang isip pa ako kung babangon ako o hindi. Huminga ako ng malalim at marahas kong inalis ang kumot na naka-takip sa katawan ko. Bumaba ako sa kaliwang gilid ng kama at nahihikab na sinuot ang bed slippers. Tinungo ko ang naka-bukas na pinto ng kuwarto ko. Dire-diretso kong nilakad ang kinaroroonan ang naka-saradong pintuan. “Liz…” Tumigil ako sa harapan at narinig ko na nga ang malambing na boses ni Briggs. “Liz, I am sorry…” pabulong n’yang usal. “I reacted too much… I didn’t restrain my anger…” He sighed. “I trust you. Papatunayan kong may tiwala ako sa iyo. Hindi ko na hahadlangan ang mga nais mo. If you want to nurse that mad inmate, do as you please.” Kinapitan ko ang handle ng door knob at binuksan. “Briggs—“ Napa-tigil ako sa pagsasalita dahil kinulong na n’ya ulit ako sa mga bisig n’ya. “Hindi ako makaka-focus sa misyon kapag nagkaaway tayo… Nagaalala at nagseselos lang naman ako dahil… mahitsura nga ang bilanggo na ‘yon, Liz…” Martha was right. "...natatakot ako sa posibleng mangyari… Long distance pa naman tayo… You know what I mean… I am afraid that you might reject me because of that prisoner…” “Sorry din kung med’yo… i-in-validate ko ang nararamdaman mo kanina,” mahinahong tugon ko. “No, it’s okay… Ako dapat ang mag sorry dahil tamang hinala ako…” Nagpakumbaba sa ‘kin si Briggs. Mabilis naman ako kausap at hindi ko naman ugali na mahirap suyuin. Bukas ng umaga pa pala ang alis n’ya pero pagkatapos namin magkaliwanagan, nilisan na n’ya ang hideout ko. Doon na ako bumalik sa higaan ko at natulog na. Nagising naman ako galing sa malalim na pagkakatulog nang marinig ko ang sunod-sunod na agresibong katok sa pintuan ko. Ang unang pumasok sa isip ko, baka si Briggs ‘yon kaya pinilit kong minulat ang namimigat kong mga mata. Day off ko ngayon pero binulabog na ako kahit ang aga-aga pa. “Miss Lizah! Please open the door!” Inakala kong si Briggs ang kumakatok pero si Sir Dracul pala. Doon ako nagmadaling bumangon at patakbong nilakad ang pintuan. “Miss Lizah, I need your help!” Nang binuksan ko ang pinto, bumungad sa paningin ko ang natatarantang mukha ni Sir Dracul na hindi mapakali. “Bakit po? Anong nangyari?” “M-My son, he was beaten to death! I couldn’t recognize him anymore! What happened yesterday?!” Hindi ko agad naisip na iyon pala ang dahilan kung bakit n’ya ako sinadya rito. “Kagagaling ko lang sa selda ng anak ko at bugbog-sarado si Ryujin! He suffered enough in the underground punishment! Bakit nila binugbog ang anak ko?!” Hindi n’ya alam na ako ang nag-utos dahil nagalit talaga ako kahapon. “What do you want me to do, Sir?” magalang na tugon ko. “P-Please, treat his wounds… Those soldiers wouldn’t allow me to enter the prison!” Naagaw ang atens’yon ko nang inabot n’ya sa ‘kin ang isang plastic box. “Here… gamutin mo ang mga sugat ni Ryujin…” Mabilis ko namang kinuha ang kahon na ‘yon, skanan n’yang kamay. Kinapitan ko ang handle. “Ikaw lang ang nakilala ko rito na puwede kong pakiusapan… I don’t trust other female servants but you…” Huminga ako ng malalim. “Opo, sige na, magbibilis lang ako at pupuntahan ko ang anak n’yo.” “Thank you very much Miss Lizah… I owe you…” Matapos kaming mag-usap, umalis na si Sir Dracul at tumungo ako pabalik sa kuwarto ko para makapagbihis na. Mahal na mahal talaga ng matandang ‘yon ang anak n’yang may saltik. Hindi ko alam kung nasisiraan lang ba ng bait si Ryujin dahil ang tagal n’ya kasing kinulong sa underground doon sa black mansion. Lumarga na ako papuntang dome prison habang bitbit ko ‘yong first aid kit si Sir Dracul. Gamit ang duplicate key, sinusian ko na ang selda ni Ryujin. Nang automatic na bumukas ang dalawang portion ng prison cell door, tinutok ko agad ang buo kong atens’yon sa naka-hilatang nilalang doon sa built-in bed. “Tulog ba ‘to o patay na?” mahinang bulong ko habang humahakbang palapit sa kan’ya. Tumigil ako sa kaliwang gilid ng kama. Nang masilayan kong bumababa-taas naman ang dibbdib n’ya, “Buhay pa nga,” mahinang usal ko. Umangat ang pagkakatitig ko sa mukha n’ya at doon ko nakita kung gaano kalala ang kalagayan. Namamaga ang talukap ng kan’yang mga mata. Hindi ko masasabi kung may black eye dahil halos lahat ng balat sa mukha, sinakop ng pasa. Putok din ang kan’yang mga labi at ang kapansin-pansin talaga, ‘yong sugat n’yang natuyo na ang dugo, sa left jaw n’ya banda. Natuklap ang konting balat n’ya roon pero ang lalim. Umupo ako sa may gilid ng tiyan n’ya banda saka nilapag ang box sa ibabaw ng kama. Binuksan ko na ang kahon at bumungad sa ‘kin ang kumpletong kagamitan. Kabilang na doon ang syringe, anesthetic liquid, gauzes, mga panlinis sa sugat at pain killers. “Kinakailangang tahiin ang sugat nito.” Ang ginawa ko, nilinisan ko muna ang lahat ng mga sugat n’ya. Uunahin ko muna itong malalang hiwa n’ya sa panga. Habang wala pa s’yang ulirat, i-inject ko sa paligid ng sugat n’yang iyon para mabigyan s’ya ng anesthesia. He didn’t even flinch when I pierced the needle in his skin. Doon ko na hinanda ang mga gamit para tahiin ang balat n’ya para ma-close ‘yong open wound. Natapos ko sa loob ng 15 minutes at ang kinilabasan, pa-slant ‘yong tahi n’ya sa panga. Pulido naman ang pagkakatahi ko. Hindi talaga s’ya nagising pero normal naman ang pag-hinga n’ya. Sinunod nga talaga ni Briggs ang utos ko na wasakin ang maganda n’yang mukha dahil halos hindi ko nga din s’ya makilala ngayon. Ang mga mild cuts n’ya sa ibang bahagi ng kan’yang mukha, tinakpan ko na ‘yon ng gauze pad. “I am finally done…” Ipinahid ko ang kaliwang upper sleeve ang tumutulong pawis sa kabila kong sintido. Tumayo ako para ipagtatapon sa basurahan ang mga kalat at binalik ko na sa loob ng box ang mga nilabas kong mga gamit. Kinapitan ko na rin ang handle at lumakad palabas ng selda n’ya saka ni-lock. “How’s my son?” Nang maka-pasok ako sa loob ng lounge, hindi ko alam na andito pala si Sir Dracul. Tumayo pa s’ya sa pagkakaupo sa sofa at sinalubong n’ya ako. “Nasa maayos nang kalagayan anak n’yo.” Iyan lang ang tanging magandang nasabi ko. Para na tuloy akong doctor. Multitasking na ako rito. Parang nagawa ko na yata lahat ng trabaho na hindi pa nagagawa ng mga kapwa ko servant. “Is he awake?” nagaalang tanong n’ya pa. Umiling ako. “Hindi pa po.” Pumakawala s’ya ng malakas na buntong hininga. “Can you cook for him again?” “Wala na po akong extrang allowance. Sa mga susunod pa po na linggo ang sahod po namin, makakapagantay ba kayo?” Mabilis n’ya akong tinanguan. “I have no other option, Miss Lizah.” “Mukhang matatagalan na naman bago makakain ang anak n’yo. Ang arte n’ya sa pagkain.” “That’s my problem about him too. I did everything to hide the cash in my body but it didn’t work… Kapag nahuli ulit ako ng mga guard, i-b-ban na nila ako rito kaya’t hindi ko na sinubok pa.” “’Wag po matigas ang ulo sa mga soldier. Mahigpit lang talaga sila. Ako na lang ang bahalang magpakain kay Ryujin.” “Naitanong mo ba sa guards kung bakit nila binugbog ang anak ko?” “Ah, tinangka n’ya po kasing tumakas kaya pinarusahan po s’ya. Wala naman po s’yang natamong malalang sugat.” Saglit s’yang napa-pikit ng mariin at bumuntong hininga. “Matagal pa ang kan’yang pagtitiis… He must survive here…” mahinang bulong n’ya na lang. “Sir, uuwi na ako sa hideout. Day off ko kasi ngayon.” Napa-titig ulit s’ya sa ‘kin. “I apologize for bothering you.” “Okay lang po. Sige po, mauna na ako.” Sinangayunan n’ya na ako. Sa hideout na lang ako magkakape. Pagdating ko roon, ginawa ko muna ang mga gawaing bahay. Wala akong pinalagpas dahil bukas, trabaho na ulit. Hindi naman nakakasawa itong duty ko at kinagisnan ko na. May pagbabago nga lang simula noong sumulpot sa dome prison ang Ryujin na ‘yon. Mas masahol pa sa babae ang bunganga n’ya. Wala pa akong nakasalamuhang tao na ganoon na lang umasta. May mga tao pa palang nag-e-exist kagaya n’ya. Wala kasing hiya. Pag-sapit ng araw ng lunes, 6 am pa lang, nasa lounge na ako ng dome prison. Tintitigan ko ang laman ng tasa habang hinahalo ang mainit na kape. “Good morning, Liz.” Masigla akong binati ni Martha. Kasama n’ya ang kasamahan naming mga servant at kakapasok lang nila. Hindi ako sumagot at kinapitan ko na lang ang handle ng tasa saka inangat. Humakbang ako paalis. Wala akong imik na nilalakad ang kinaroroonan ng pinto. “Liz, saan ka pupunta?” “Sa tabi-tabi,” mabilis na tugon ko nang maka-labas na ako sa wakas. Sumakay ako ng elevator patungong floor 3. Binati ako ng mga inmate na gising na. Pinagpatuloy ko lang ang pag-hakbang ko hanggang sa napadpad ako sa selda ni Ryujin. “I knew it, it’s you again, Bítch.” Diniin ko ang aking panga nang masilayan ko si Ryujin. Naka-upo na naman sa sulok, doon sa dulo at sa gitnang parte. Naka-sandal s’ya sa malamig na pader. Napansin kong med’yo humupa na ang pamamaga ng kan’yang mga mata pero nag-v-violet pa rin ang paligd ng mukha n’ya. Dinukot ko sa bulsa ng uniform ang duplicate key at sinusian ang keyhole habang hindi ko inaalis ang pagkakatitig sa kan’ya. Nang bumukas ang prison cell door, pinasok ko na ang selda n’ya. Nilamon ko ang distans’ya naming dalawa hanggang sa tumigil ako sa kan’yang harapan. Tiningala n’ya ako at binabaan ko naman s’ya ng tingin. “Hindi sana ako papatol sa batang kagaya mo...” Inangatan ko s’ya ng kaliwang kilay. “’Wag ka po mag-alala, hindi rin ako pumapatol sa mga matatanda.” He chuckled. Pumiyok pa nga s’ya. “Are you mad because I was telling the truth yesterday?” “Ang ano? Nangaakit ako? At ang tungkol sa uniform ko?” “You dressed like a slût. Every time you approach me, you keep fluttering your lashes and I can almost see your boôbies. Not just, you were showing your neck… it seems like you were inviting me to bite you.” Kanang kilay ko naman ang umangat ngayon. Ang sarap naman ibuhos ang umuusok kong kape sa taong ‘to para bumalik sa katinuan. Sabog ba ‘to na hindi ko alam? “Gan’yan na ba talaga kayo kabastos?” “Bastos? Ako?” Parang dine-deny n’ya pa. “Sinasabi ko lang ang totoo. Women desire me. Kabilang ka na roon.” Binarururot siguro ng husto ang bungo n’ya kaya lumuwang ang ibang turnilyo. “But be careful… mukha lang akong maginoo pero kapag pinainit mo ako, gagatungan ko na ang apoy…” Wala naman akong sinabing maginoo s’ya. Noong una pa lang namin na pagkikita, alam kong pinamumugaran na s’ya ng masamang esperito. “Ang tagal-tagal ko rin hindi nakakita ng babae...” Bahagyang nanliit ang mga mata ko dahil parang umiba na yata ang pagkakatitig n’ya sa ‘kin. “My mind dislikes you but whenever I smell your sweet girly scent, I sense the tranquility… the urge to crush you… to violate you in bed…” he paused. “Tinataboy kita pero ikaw itong lapit ng lapit.” Hinayaan ko lang s’yang mag-salita. Napansin ko pang tinitigan n’ya ako sa paa hanggang sa napadpad na s’ya sa mukha ko. Gumagalaw-galaw ang eyeballs n’ya para titigan ang bawat parte ng katawan ko. “Puwede ka na… you are not that bad. If you like me that much, then will you sleep with me tonight?” “Nagiibang tao ka pala ‘pag libôg?” I asked coldly. He smirked. “It depends on my mood but… yes.” Natawa ako ng pagak. “Men,” I scoffed. “I want an answer. Huwag mo nang patagalin at baka mag-bago pa ang isip ko. Hindi sana kita papatulan dahil bata ka pa...” Maka-titig na s’ya sa ‘kin, para na n’ya akong huhubaran. O, ini-imagine n’ya nang hubo’t hubad na ako sa kan’yang harapan. “Gusto mong marinig ang sagot ko?” Dinilaan n’ya pa ang sarili n’yang mga labi. “Yes— FÚCK!” Umugong ang malakas n’yang hiyaw nang inapakan ko kung saan naroroon ang nangangati n’yang buràt. “Lahat ng mga negative traits, sinalo mo na lahat... bastos kang tarantado ka!” gigil na gigil kong usal. “Argh... ohh… fúck…” Nanlaki ang mga mata ko sa aking nasaksihan. Imbes na masaktan dahil padiin kong inaapakan ang kan’yang pagkalalake, nasaksihan ko na lang kung paano napa-awang ang kan’yang mga labi na parang nasasarapan pa?! Nanigas ang katawan ko nang nagkatagpo ang aming mga mata. He bit his lower lip. “More…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD