DAYO 1

649 Words
"Bella, matagal na kitang hinahanap anak! Andito ka lang pala sa probinsiya akala namin kung ano nang nangyari sa 'yo." Naiiyak na niyakap si Shanaya ng ina ni Bella. Walang imik namang hindi gumanti nang yakap si Shanaya. At bakit? Eh hindi naman niya kilala ang babae. "Ah, ma'm. Nakita ko kasi siyang palakad-lakad kaya pinatira ko na lang po muna rito sa bahay namin. Mukha pong wala siyang maalala kaya siguro hindi siya nakabalik sa inyo." Saad ng matandang babaeng si aling idad. Natutop ng babaeng nagpakilalang ina ni Bella ang sariling bibig sa pagkabigla. "Hindi ko alam. Pasensiya na. Simula kasi nang mawala ang kapatid mo hindi ka na namin naasikaso. Patawad anak." Napaismid si Shanaya. Iyon siguro 'yong sanggol na inialay ni Bella ang tinutukoy nitong nawawala. "Anak, umuwi na tayo. Nag-aalala na ang ama mo." Hinaplos pa ng babae ang kaniyang buhok. Napangiti naman si Shanaya. Ito ang kasagutan sa kaniyang problema. Nang malaman niyang may kapangyarihan siya, naalarma siyang bigla. Darating ang panahon at malalaman din ng mga ninunong dayo na nasa ibang katauhan siya. Lalo pa at gumagamit siya nang kapangyarihan. At pag nangyari iyon na nasa paligid lang siya, ipapadakip siya at pilit na pababalikin sa sariling katawan. Hindi siya makakapayag! Napakahabang panahon ang inantay niya para dito. Hindi naman niya malaman kung saan siya puwedeng pumunta bilang mamuhay ng normal na tao. At ngayon, nasa harapan niya ang ina ni Bella, na pinagpalitan niya nang katauhan. Ang saya! Buti na lang nagpursige ang mga ito na hanapin si Bella. At narito na nga sa harapan niya ang sagot sa kaniyang problema. Tumayo na si Shanaya at tumango sa ina ni Bella. Kailangan makaalis na siya kaagad sa lugar na iyon. Lalo pa at wala naman palang kapangyarihang naisalin kay Bella. Nasisiyahang nagpasalamat ang ina ni Bella kay aling idad. Pinauna na rin niya itong lumabas at kakausapin niya pa ang matandang kahit paano ay nag-alaga sa kaniya. "Tanda, may hiling ka ba?" Hindi siya marunong magpasalamat. Tanging ang alam niya, may kapalit ang bawat kabutihang ibinibigay ng mga mortal. May kapalit ang lahat. Ngumiti nang maluwag si aling idad. At bago pa man makahuma si Shanaya, nahawakan na nito ang dalawa niyang kamay at tinitigan siya sa mga mata. "Matanda na ako at nag-iisa, malapit na rin akong mamatay. Kaya wala na rin akong mahihiling sa buhay. Ikaw, nakikita ko sa iyo na kailangan mong humiling sa sarili mo." Walang emosyong tiningnan lang ni Shanaya ang matanda. "At ano naman ang puwedeng hilingin ng isang tulad ko?" Nakataas ang kilay na saad ni Shanaya. "Kaligayahan, anak. Kaligayahan sa puso mo." Saad nito bago siya binitawan at tumalikod na para pumasok sa kaniyang kubo. "Tanda, sandali." Lumingon naman si aling idad. Nag-aantay ng kaniyang sasabihin. "Maligaya ako ngayon, maligayang-maligaya!" At tuluyan na siyang pumunta sa ina ni Bella at sumakay ng kotse. "Halika na... mommy." Nakangiting turan niya. Napasulyap pa siya sa bintana ng madaanan nila ang mga makakapal na puno sa paligid. Paalam sa inyo. Hindi na ninyo ako makikita pa. *** "Anak, saan mo gustong mag-college?" Napatingin si Shanaya sa ama ni Bella bago isinubo ang pagkain sa kutsara. Kasalukuyan silang nag-aalmusal. Kahit paano, ang mga ginagawa ng mga mortal ay siya rin namang ginagawa nila kaya hindi siya nahirapang mag-adjust. Tatlong buwan na ang nakalipas mula ng kuhain siya ng ina ni Bella at lagi lang siyang nasa loob ng bahay. Wala naman din kasi siyang pupuntahan. "Kung gusto mo, doon na lang din sa mga kaklase mo dati. Si Mindy ba 'yon? Naisama mo na 'yon dati dito 'di ba?" Uminom pa ng tubig ang padre de pamilya bago tumingin sa kaniya. Napakunot-noo si Shanaya. Ah, naalala na niya. Ang babaeng ginawa niyang matalino. Tumango-tango si Shanaya bago ngumiti sa magulang ni Bella na nag-aantay ng kaniyang sagot. "Sige." Masaya ito at may reunion pa atang magaganap. jhavril---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD