"O, ano? ‘Di ba sabi ko naman sa 'yo, maganda kapag ganito tayo? Eeeeh.. grabe ang ganda natin at ang sexy!" Nagngitian pa ang dalawa sa harap ng salamin. Pagkatapos ay nagpatuloy na silang mag-make up. "Buti na lang at naiinggit ako sa 'yo, kaya eto pareho tayong happy!" Malakas pa silang nagtawanan. Walang pakialam kahit pa may mga pumapasok sa C.R. at tinitingnan sila. "Pero alam mo, 'di ba may consequence iyon? Ano, kayo na ba ni Kristopher?" Habang naglalagay ng eye liner saad ni Francia. Nakangiti namang tumango si Rhea bago pinagpatuloy ang pagli-lipstick. "E, kayo na rin ba ni Mike?" Pinunasan niya ng tissue ang lumagpas na lipstick bago bumaling kay Francia. Kinikilig naman na tumango ang huli. "Alam mo, bakit hindi tayo lumabas mamAya? Tutal naman, walang pasok bukas. Bar tay