Masayang-masaya si Miss Dimagiba dahil kapiling niya ang mahal na si Jaime. Sobrang alaga siya nito at para siyang reyna kung ituring. Lahat ng kaniyang nais ay sinusunod nito. Wala na talaga siyang mahihiling pa. "Mahal, talaga bang iniwan mo na si Beth at ang mga anak mo?" Yumakap pa siya sa hubad na katawan nito. Katatapos lang nilang magniig. "Oo naman mahal ko. Para sa 'yo gagawin ko ang lahat, maging masaya ka lang." At ginawaran pa nito nang halik sa labi ang gurong kilig na kilig naman. Limang taon ang tanda ni Miss Dimagiba kay Jaime pero hindi iyon naging hadlang para mahulog ang loob nila sa isa't isa, lalo na ngayon. Nasisiyahang pumikit si Miss Dimagiba. Buti na lang at may isang Bella na nagtutupad ng hiling at ngayon nga ay napakasaya niya. *** "Ano? Hindi ninyo magag