LESTER POV Sa buong buhay ko, ngayon lamang ako naka kita ng ganitong klase ng babae. Maraming mga babae ang kaya kong akitin at paibigin pero ang babaeng ito, may something sa kanya na hindi ko nakikita sa iba. At parang ang hirap i describe nito dahil sa sobrang espesyal niya sa paningin ko. Kung tutuusin, mayroon pang ibang mga mas magagandang mga babae kesa sa kanya pero damn! What is this strange feeling that I have for her? First day pa lang naming dalawa ngayon na magkasama pero ang sipag lang niya na tinuruan niya ako ngayon kahit na wala akong ganang makinig sa kanya. Naka titig lang ako sa maamo niyang mukha habang siya ay nagsasalita. Ilang sandali ang lumipas, nauhaw ako at parang gusto kong uminom ng alak ngayon. At since si Jenny ang kasama ko, siya ang gusto kong yaya