JENNY POV Tila ay balewala lamang ang mga matatalim na tingin ko kay Lester. Halatang pinipikon niya ako sa kanyang mga mapang asar na tingin! Hindi ko pa naman gusto na pumunta sa ganitong bar pero tila ay napa subo na talaga ako! Wala akong ibang choice kung di ang turuan siya sa kabila ng ingay na naririnig ko. "Wait ka lang dito ha? Mag oorder lang ako ng alak at makakain natin," pag papaalam niya pa sa akin. Kahit pala madilim dito sa bar, nakikita ko pa rin ang angking ka gwapuhan ni Lester. Kung magtitino lang talaga siya sa pag aaral niya, natitiyak ko na malayo din ang mararating niya. Pero bakit kaya sa kabila ng pagiging pogi niya ay wala pa rin siyang nagiging girlfriend? Ano ba ito, pihikan ba siya o sadyang wala pa siyang interes na magkaroon ng karelasyon? Kasi sa da