JENNY POV "Ahhh... hindi na siguro importante kung anong probinsya ako galing di ba?" tanong na sagot ko sa kanya. "Oh bakit? Anong feeling mo? Huhusgahan kita kasi taga probinsya ka? Dalawa nga sa tropa ko lumuwas din ng Manila para makapag aral. Kaya wag mo naman sanang i down ang sarili mo kasi hindi naman ako nandidiri." Sa lahat ng mga sinabi niya sa akin, ito lang talaga yung masasabi ko na may sense sa lahat. Pumapalakpak maging ang mga tenga ko sa sinabi niyang ito. Akala ko kasi ay puro lamang siya yabang na tao. "Sa Leyte ang probinsya ko. Lumuwas ako dito sa Manila para makapag aral kasi mas maganda mag college dito eh," sagot ko sa kanya. "Okay. Pero kasama mo ba ang parents mo dito?" "Hindi, ako lang naman mag isa dito ngayon. Pero sana wag na natin usisain ang buhay