CHAPTER 45

1348 Words

EVELYN Buong gabi akong hindi makatulog. Hindi ko alam kung tama ba talaga ang narinig ko kanina. Gusto kong paniwalaan pero alam ko na imposible. Ayaw ko rin namang itanong dahil nahihiya ako. Baka isipin pa niya na assuming ako. “Ano ba, matulog ka na nga!” naiinis na saad ko sa sarili dahil kanina pa ako pagulong-gulong dito sa higaan ko. Dito na ako bumalik sa bahay namin. Hindi ko alam pero biglang naging mabigat ang pakiramdam ko. Lumabas ako at pumunta sa sala namin. Habang nakaupo ako sa sahig ay bumalik ang mga alaala ko kasama ang mama at papa ko. Ang mga gabi na masaya kaming nagkukwentuhan. Ang mga gabi na sinusuklay ng mama ko ang buhok ko. Ngayon ay wala na siya at masakit pa rin para sa akin. Alam ko na nagbago ako noong nawala siya. Alam ko na dahil sa akin kaya mas lal

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD