EVELYN It’s five o’clock in the afternoon pero wala pa siya. Naiinip na nga ako dahil wala pa siya. Kanina pa ako naghihintay sa kanya. Isang oras na yata akong nandito sa labas ng unit niya. Mas pinili ko na dito dumiretso kaysa sa bahay nila lolo dahil siya ang gusto kong unang makita. “Ang tagal naman niya ngayon.” saad ko sa sarili ko habang nakaupo dito sa labas ng pinto ng unit niya. Sinubukan ko na siyang tawagan pero wala naman sumasagot. Tatlong beses na akong tumatawag sa kanya pero wala pa rin kaya naiinis na ako. Aalis na sana ako pero biglang bumukas ang elevator at niluwa siya. Hindi siya mag-isa dahil kasama niya ang secretary niya. Mabilis akong nagtago para hindi niya ako makita. Nang wala na akong marinig na ingay ay lumingon na ako pero nagulat ako dahil nasa harapan