Eunah "Ahm, kanino nga palang bahay 'yong nasa malapit dito? At saka 'yong mga malalaki ring bahay sa kabila bago dumating sa mansion ng family niyo." "Dame Lei owns the first house, while Dauvit owns the second. Next is the house of Ate Damzel, and after that is our parents' mansion... Dalton Zane owns the house beside ours. Si Zean Daxton ang matitira sa mansion ng parents namin kasi siya ang bunso." "Oh..." Napatango-tango ako sa sinabi niya. "Kaya pala napansin kong walang mga bakod ang mga pagitan niyo. Nasa isang bakuran lang kayo." "Yan ang napagkasunduan namin noon bago magpagawa ng bahay sila Ate Damzel at Kuya King. Okay naman sa aming lahat na magkakapatid, so we started building our own houses for our future family. Ganun din naman ang mangyayari." Napangiti ako sa mga sin