CHAPTER 19: Stuck in the Middle

2133 Words

Eunah "G-Gagamutin ko na muna ang mga sugat mo." Kaagad ko siyang tinalikuran at binuksan ang supot ng mga gamot sa mesa. Mabilis ang aking paghinga sa mga sandaling ito at bahagyang nangangatal ang aking mga kamay. Paulit-ulit na nag-e-echo sa isipan ko ang mga sinabi niya. Titira kami ng anak ko sa bahay niya? Sa bahay ba niya talaga o sa bahay ng pamilya niya? Hindi ko yata kayang tumira sa mansion nila. Malaki ang hiya ko sa pamilya niya lalong-lalo na sa mga magulang niya. Nanliliit ako dahil ganito lang kami. Isang kahig-isang tuka lang kami, bukod doon ay ... p-paano kapag nalaman nilang anak ako ng ex-boyfriend ni Ma'am Liezel? Kilala ni Ma'am Liezel na dating drug addict ang Papa ko at ilang beses nang nakulong. Siguradong ipagtatabuyan nila ako, lalong-lalo na ni Sir Damien.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD