CHAPTER 15: Medical Examination

2102 Words

Eunah KINAUMAGAHAN ay maaga pa rin akong bumangon dahil ngayon ko naman lalakarin ang medical examination ko. "Papa, hindi ko na po isasama si Eunice. Napagod po kasi siya kahapon sa lakad namin. Sandali lang naman po ako ngayon. Bukod doon ay nagagastusan ako ng malaki dahil turo siya nang turo. Hindi ko naman po matiis." "Oh, sige. Pwede ko siyang isama sa labas. Nakaupo lang naman siya sa padyak. Makakapag-ikot-ikot din siya dito. May malaking payong naman 'yon." "Sige po, Papa. Paki-check na lang po palagi ng likod niya." "Oo naman. Mag-iingat ka." "Maliligo po muna kami." Nilingon ko ang anak ko na ngayon ay abala na naman sa paglalaro sa sala. Ako naman ay katatapos lamang maghugas ng mga pinagkainan namin. Katatapos lang naming mag-almusal. Si Papa naman ang nagluto kanina

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD