Eunah MAKA-ILANG ulit akong huminga ng malalim habang nakatitig sa mataas na gusali ng hospital na naririto ngayon sa harapan ko. VM Health Center. Nasa mga tabi lang nito ang VM building at pharmaceutical VitaMedics laboratory. Kanina pa lumilibot ang mga mata ko sa buong paligid. Napapatitig ako sa mga taong labas-masok sa mga gusaling ito, pati na rin sa mga sasakyang dumadaan sa harapan ko. Labis-labis ang kaba ko na baka may makakilala sa akin dito. Kanina pa kumakabog ng malakas ang dibdib ko. Alas nuebe y media na pero hindi pa rin ako kumikilos dito sa kinatatayuan ko. Naririto ako sa gilid ng restaurant. Pero kailangan ko nang kumilos ngayon. Wala mangyayari sa akin dito kung mananatili akong nakatayo dito. Mas lalo akong makikita at makikila kung naririto ako sa labas at