Kabanata 2

1516 Words
*Selene's Pov* __ Naalimpungatan ako dahil walang tigil ang pagtunog ng doorbell sa apartment. Nag talukbong ako para matulog ulit, bahala silang mag-doorbell hanggang mapagod sila. Saktong pag pikit ko may narinig akong kalabog mula sa labas, seryoso ang mukha kong bumangon para tingnan if anong nangyari. Pagbukas ko ng pinto sa aking kwarto, bumungad sa'kin ang sira ng pintuan. At saka seryosong mukha ni Butler Billy, walang emosyon ang aking mata na tinignan siya. "What?" Walang gana na tanong ko dahil bakit kailangang sirain yung pinto. "Sinabihan na kita kahapon Miss Tejones, mukhang unang araw mo palang dito makakatikim ka na agad kay Mr. Tejones." Malamig niyang sabi sa akin us if naman matatakot ako sa kanya. "Hindi ko kailangan gumising ng maaga para lang maagang pumasok sa agency. Kayo ang may kailangan sa akin 'di ba?” I responded to him with a serious expression. Inayos niya ang kanyang sarili bago muling nag-salita. "Kung gusto mong magkaroon ng makabuluhang pag-uusap, Miss Selene, sundin mo ang utos ng iyong ama. I'll give you ten minutes to prepare, and I'll be waiting for you outside," he said seriously before shutting the door. I had no other option but to comply. Kailangan ko rin ang trabahong ito dahil determinado akong tuklasin ang katotohanan sa likod ng pagpatay sa aking ina. Dahil ang kaso ay isinara walang nakuhang kahit isang impormasyon, at si Mr. Tejones ay hindi nag-aksaya ng panahon sa karagdagang pagsisiyasat. Sa kabila ng kanyang maraming koneksyon, walang pag-unlad na nagawa. Ito lang ang nagdulot para lalo akong magalit sa kanya. Karapatan ng aking ina ang hustisya, ngunit pinagkait ito ng kanyang asawa sa kanya. So, as a daughter, I will reopen the case and ensure that the person who was responsible for my mother's death is imprisoned or dies. Nang matapos na akong maligo at mag-ayos, lumalabas na ako ng kwarto. Nadatnan ko si Butler Billy sa labas may dala itong paper bag. “Let’s go, siguradong galit na ang iyong ama.” Aya niya sa akin bago inabot ang kanyang hawak. “Ano yan?” Malamig kong tanong. “Breakfast pinabili ng iyong ama, sa sasakyan ka na kumain.” Tinaasan ko siya ng kilay bago kinuha ang paper bag. Hindi na ako mag i-inarte dahil wala akong kain mula kagabi. Tahimik lang akong kumakain habang nasa byahe kami, may hahanapin din ako dito sa maynila. Ang isa sa matalik kong kaibigan nung nasa probinsya pa kami pareho. “Malapit na tayo Miss Selene.” Magalang na sabi ni Butler Billy. Hindi ko siya pinansin nanatili lang akong nakatingin sa labas. Paghinto nang sasakyan agad na akong bumaba, hinintay ko siyang unang lumakad papasok sa building. Gaya kahapon pagtitinginan na naman ako ng mga magiging ka-trabaho ko. Halatang mga pakialamera sa buhay ng iba, sabagay spy nga pala sila inikutan ko na lang ng mata bago sumakay sa elevator. “Simple mission muna ang ibibigay sayo, paparating yung anak ni ng isa sa pinakamayaman dito sa bansa kailangan mo siyang manmanan at patayin ang mga taong gustong dumukot sa kanya.” Paliwanag sa akin ni Butler Billy, simpleng mission pero may papatayin na agad ako. “Okay.” Walang ganang sagot ko sa kanya. Pagbukas ng elevator una siyang lumabas tahimik lang akong sumunod. Nang nasa tapat na kami ng opisina ni Mr. Tejones, kumatok muna siya bago binuksan ang pinto. “First day ng trabaho late agad, hindi na ako magugulat if wala kang magiging kinabukasan.” Malamig niyang sabi habang nakatingin sa akin ng seryoso. “Mabuti na yung alam mo Mr. Tejones, hindi muna dapat ako inaalala pa. Sabihin mo na kung anong mission ko, hindi yung makakarinig pa ako ng insulto mula sayo.” Malamig kong sagot sa kanya na lalong nag dilim ng kanyang mukha habang nakatingin sa'kin. “Bastos kang bata ka, hindi na ako magtataka kung kanino mo nakuha ang ugaling iyan.” Sigaw niya sa'kin kasabay ng pagbalibag sa mesa. “Sayo, kanina po nga ba, sino bang tatay ko?” Pabalang kong tanong sa kanya, napairap pa ako. Lalong umusok ang kanyang ilong, bravo malapit na siyang ma-stoke. “Mr. Tejones, sabihin mo na po ang kanyang mission tumatakbo yung oras.” Singit ni Butler Billy para putulin ang pagtatalo naming mag-ama. Akala niya ata uurungan ko siya, sasagot ako hangga’t kaya kong sumagot. Gusto kong maging aware na hindi ako natatakot sa kanya kahit sino pa siya. At saka hindi basta ako nagtitiwala agad lalo na sa mga tulad nila. “Siya ang Mission mo ngayon, Alder Rojas maraming gustong pumatay sa kanya dahil siya ang tagapagmana sa Rojas Corporation. Darating siya mamayang gabi, at kailangan mong bantayan ang bawat kilos niya ng walang nakakaalam. Dahil nasa paligid lang ang kalaban.” Paliwanag niya sa akin, Alder Rojas edi lalaki? Kalalaking tao kailangan ng backup tapos ako pa na babae, may bayag kaya yan?! "Napakasimple lang ito Selene, baka pumalpak ka pa?" Sarkastiko niyang tanong. "Huwag mong minamaliit ang kakayahan ko Mr. Tejones, baka kapag ako tinuyo maging totoong papalpak ako. Sino ngayon ang nakakahiya, 'di ba ikaw?" Sarkastiko na sagot ko sa kanya, sarili kong ama pa talaga ang nang maliit sa akin "Huwag mo akong sinusubukan Selene, dahil kapag ako ang napuno ibabalik kita sa probinsya at wala kang makukuhang ni singkong duling." Mariin niyang sabi sa akin. tinaasan ko lang siya ng kilay. "Hindi naman ako interesado sa yaman mo, para linawin ko sayo Mr. Tejones nandito ako para sa hustisya para kay Mommy." Malamig kong sagot sa kanya, tumingin sa akin si Butler Billy nakikiusap ang mga mata nitong tumigil na ako. "Dapat ikaw ang gumagawa nito dahil asawa mo siya, pero ano ang iyong ginawa Mr. Tejones? Hinayaan mong ibasura nila ang kaso, minahal mo ba talaga ang aking ina?" Seryoso kong tanong sa kanya, dahil kung ako ang tatanungin hindi. Wala siyang pagmamahal sa aking ina, ni hindi nga kami kayang yayain na kumain sa labas o 'di kaya mamasyal. "Hindi ito ang tamang oras para dyan sa walang kwentang tanong mo. Here, ang iyong baril at spy license. May sasakyan sa labas iyon ang gagamitin mo papunta sa airport. Hanggang eleven fifty nine pm lang ang mission mong iyan. Kapag nagawa mong maayos, pwede ka ng pumunta kahit saan. Bumalik ka dito bukas alas-otso at ayoko ng late!" Malamig niyang sabi bago ako iikot ang kanyang swivel chair patalikod sa akin. "Sa airport ka mahintay, NAIA 3, pwede ka ng umalis dahil kailangan mong mag-abang." Malamig niyang utos, padabog kong kinuha ang license at baril. Nagngingitngit ako sa galit lumabas sa kanyang opisina Ang kapal ng mukha niya para sabihing walang kwentang pag-usapan si mommy. "Miss Selene, sa susunod kung maaari sana huwag mo ng babanggitin ang iyong ina." Seryoso na sabi ni Butler Billy. "Shut na Fvck up!" Galit kong sigaw sa kanya dahilan para mapa-tingin ang iba sa amin. "Pwede ba huwag mo ng akong pakialaman pa, sasabihin ko kung ano ang gusto kong sabihin. I'm not a kid anymore, Butler Billy! May karapatan ako bilang isang anak! at 'wag kang makikialam!" Malamig kong sabi sa kanya bago tuluyang naglakad. Sino ba sila para pakinggan ko? Tapos na akong maging sunod-sunuran, ipaglalaban ko kung ano ang aking karapatan bilang isang anak. Paglabas ko ng building, may pulang motor lumapit sa akin ang isang men in black. "Miss, ito po yung susi yan muna raw ang gagamitin mo." Seryoso niyang sabi, hindi ako sumagot kinuha ko na lang yung susi. Pagkabuhay ko sa makina nang motor at pinaharurot paalis ng agency. Mayaman pala itong mission ko, marami naman siguro silang tauhan bakit kailangan ako pa talaga?! Simpleng mission pa ito para sa kanya, may papatayin agad ako ni wala man lang siyang pinasunod na kasama ko. Wala talaga siyang puso, kung meron man baka pusong bato. Pagdating ko ng NAIA 3, naghanap ako ng maparadahan ng aking motor. Nang makakita na ako, mapwestuhan naman ang aking hahanapin. Pumasok ako sa loob, iniwan ko ang aking baril sa motor. Dahil bibili lang muna ako ng makakain at maiinom habang naghihintay. Dahil mainit sa labas ice cream at malamig na tubig, pati na rin lunch ko bumili na rin ako. Nang okay na ay naglakad na 'ko palabas, pero sa hindi inaasahan ay may nakabangga sa aking lalaki dahilan para mabitawan ko yung ice cream na akin kinakain. "Fvck!" Narinig kong mura niya dahilan para lalong uminit ang aking ulo. "Ikaw itong tangà tapos galit ka pa!" Malamig kong sabi sa kanya bago tumingala para tingnan siya. Wala akong paki kahit mas matangkad pa siya sa akin! Nanindig ang aking balahibo sa katawan dahil malamig na dito sa loob ng airport mas malamig pa ang kanyang mata. "Bumili ka na lang ulit." Malamig niyang sabi bago nilagay sa kamay ko yung dalawang libo. Umigting ang aking panga dahil antipatiko, bwisit na yon! hindi man lang nag-sorry. Pero okay na rin may dalawang libo ako, bibili na lang akong maraming pagkain kahit nakakagigil siya! Huwag lang mag-krus ang landas natin, hindi ko makakalimutan yang mukha mo! TO BE CONTINUED.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD