Tumingala si Selene sa napakalaking istraktura, hawak ang isang maliit na piraso ng papel na may address ng gusali sa kanyang harapan.
Bigla nanliit si Selene, dahil parang nawawalan na siya pag-asang makita muli ang lalaking kailangan niyang harapin.
Binigay ng kanyang lolo ang hawak niyang papel at sinabing puntahan, dahil may ibibigay silang trabaho para sa kanya. Hindi niya sana ito tatanggapin dahil wala siyang balak sumunod sa yakap ng kanilang pamilya.
"Fvck! Bakit kasi kailangan ko pang lumuwas ng Maynila para lang dito?!" Naiinis niyang reklamo habang nakatitig sa papel na kanyang hawak.
Napatingin siya sa mga lumabas na naka-tuxedo, huminga ng malalim si Selene bago lumapit. Kakapalan na niya ang kanyang mukha dahil walang mangyayari kung tutunganga lang siya.
"Excuse me, may I ask? Welson Tejones is here ba?" Seryoso niyang tanong sa isang babae, tiningnan naman siya nito mula ulo hanggang paa. Nakaramdam naman siya ng pagkairita dahil ayaw niya sa lahat ay pinipintasan ang panlabas niyang anyo.
Magsasalita na sana ang babae pero may biglang tumawag kay Selene. Biglang nabuhayan ang dalaga nang makilala kung sino'ng tumawag sa kanya.
"Miss Tejones? Anong ginagawa mo rito?" Gulat na tanong ni butler Billy, ang butler ng kanyang ama.
Akala nito ay namalik-mata lang siya sa kanyang nakita kanina. Pero ngayon hindi na, nandito nga ang panganay na anak ni kanyang boss.
Ang ikinakatakot niya dahil baka may hindi magandang mangyari, lalo na ngayon.
Ngumiti naman si Selene dahil kahit papaano may nakakakilala na sa kanya. Kahit pa kinaiinisan niya ang lalaki, dahil simula namatay ang kanyang ina ay pangit na yung pakikitungo nito sa kanya.
Nagkatinginan ang mga babae saka muling tumingin kay Selene, simple lang kasi itong manamit at hindi halatang anak siya ng mayamang pamilya.
"Pinapunta ako dito ni lolo." Tipid niyang sagot, bago nilapitan si Butler Billy. Tumango ang ginoo saka seryosong tumingin sa mga nakatingin kay Selene.
"Ano pang ginagawa niyo rito?!" Malamig niyang tanong bago binalik ang atensyon kay Selene.
"Sumunod ka sa akin." Malamig nitong sabi bago tinalikuran si Selene, sumunod naman siya.
Kinakabahan siya dahil makikita na niya ulit ang taong matagal na niyang hindi nakikita.
Welson Tejones ang ama ng dalaga at isa itong spy, dahil sa klase ng trabaho nito ay mas pinili niyang ilayo si Selene para sa kaligtasan ng dalaga. Lumaki ang dalaga sa pangangalaga nang ama nang kanyang asawa. Pinapunta si Selene dito sa maynila, dahil ito na yung tamang panahon para matutunan ang iba pang bagay-bagay.
Kumatok si Butler Billy sa pinto bago pinihit ang doorknob. Una niyang pinapasok si Selene bago siya sumunod.
"Mr. Tejones, nandito na po si Miss Selene." Magalang na sabi ni Butler Billy, nagpakawala ng hangin ang dalaga habang nakatingin sa lalaking nakatalikod at nakaupo sa swivel chair.
Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya dahil maraming taon din silang hindi nagkita.
"Kanina pa kita hinihintay, Selene." Aniya sa malamig na boses, nanindig naman ang balahibo sa katawan ni Selene. Hindi niya kilala ang ama, dahil minsan lang sa isang taon kung umuwi. Basta ang tanging alam niya lang ay isa itong spy, wala ng iba pa doon.
Umikot ito paharap sa kanya, wala pa rin itong pinagbago nakakatakot at walang emosyon ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya.
"Alam kong napagod ka sa byahe, magpahinga ka muna ihahatid ka ni Butler Billy sa magiging bahay mo. Bukas ipasundo kita ng maaga, alas otso dapat ay nandito ka na. Nagkakaintindihan ba tayo, Selene?" Hindi nagbago ang tono ng pananalita niya, tumango naman ang dalaga bago sumagot.
"Okay, pasensya na sa abala." Tulad ng kanyang nakaugalian, nag-bow muna ito bago talikuran ang kanyang ama. Wala pa silang matagal na pag-uusapan, noong bata siya nakikita niyang lagi itong may kausap sa cellphone at sinasabihan ng kanyang ina na huwag aabalahin ang ama dahil nasa trabaho ito.
Naunang lumabas si Butler Billy, gusto pa sana niyang mag-stay dito para makausap ang ama pero mukhang pinapaalis na agad siya.
Nakatingin lang si Welson sa kanyang anak, parang kailan lang nung maliit pa ito. Ngayon malaki na ang ipinagbago nito, hindi maikakailang isa itong Tejones dahil kamukha niya ang kanyang ina. Hindi niya alam kung matutuwa ba siyang nandito na 'to o mas mabuting bumalik na lamang sa probinsya si Selene.
Tulad ng inaasahan ni Selene, hindi man lang siya niyakap o binati ng kanyang ama. Napangisi na lamang siya habang naglalakad, nanatiling nakasunod lang ito sa ginoo at walang ideya kung saan siya dadalhin.
"Uuwi ba ako sa bahay niya?" Hindi na siya nakatiis, kahit malabo ay nagtanong pa rin ang dalaga.
Tumingin sa kanya si Butler Billy, halatang pilit ang ngiti niya.
"Hindi, sa apartment ka titira iyon ang utos ng iyong ama." Tumango naman siya saka mahinang tumawa.
"Okay walang problema." Sagot niya bago muling naglakad.
"Huwag ka sana gumawa ng eksena, hintayin mo bawat utos sa'yo ng iyong ama." Muling huminto sa paglalakad si Selene dahil sa sinabi ni Butler Billy.
"Ilang taon na ba akong nanahimik Butler Billy? Bakit ako ang sinasabihan mo hindi sila?" Mariing tanong niya habang seryosong nakatingin sa ginoo. "At ilang taon na ba ako sa tingin mo ngayon? Isa pa rin bang bata?" Dagdag na tanong ni Selene, dahil parang iyon ang mukhang gustong palabasin ng ginoo.
"Sumunod ka na lang sa anumang gusto na iyong ama." Kalmado ngunit malamig nitong sabi, hindi tuloy maiwasang matawa ng dalaga. Dahil lumalabas na siya pa itong parang naghahabol sa yaman ng kanyang ama.
"Parang hindi ka naging tapat sa aking ina noon, sumakabilang bakod ka na rin ba? Wala na akong magagawa pa Butler Billy, choice mo 'yan matanda ka na at may sariling pag-iisip!" Malamig na sabi niya bago talikuran ang ginoo, natahimik naman si Butler Billy alam niyang nahihirapan na rin ang dalaga. Pero wala siyang magagawa, kailangan niyang gawin kung anong inutos ni Mr. Tejones.
Sumakay na si Selene sa kotse tahimik lang siya at wala na itong balak magsalita pa.
Maya-maya pa ay nakarating sila sa apartment kung saan siya titira. Hindi na niya hinintay na pagbuksan siya ng pinto, kusa na itong lumabas ng sasakyan ang dalaga. Hindi naman siya pasusyal para hintaying pagbukas pa ng pinto.
"Hindi ako makapaniwala, This is where you'll place me; it'll reach Grandpa Jones!" Tukoy nito sa ama ng kanyang ama, dahil para siyang basta na lang na itinapon sa kung saan.
Tumingin siya sa paligid, maayos naman ang lugar may sariling gate yung apartment. Pero hindi pa rin ito makapaniwala na dito lang siya patirahin sa ganitong lugar.
Mas gugustuhin pa niyang bumalik sa probinsya kesa tumira sa ganitong lugar. Nakakatakot dahil sa dami ng tambay, mabaho dahil sa mga nakatambak na basura.
"Kailangan mong tumira dito dahil may ibibigay na mission sa'yo. Hindi ito ang tamang oras para mag-inarte ka!" Masama niyang tiningnan si Butler Billy, dahil hindi nagustuhan ng dalaga ang tabas ng kanyang dila.
"Isa akong Tejones Butler Billy, tapos yung mga sampid lang sa pamilya sila ang nakatira sa mansyon?!" Hindi na mapigilan ni Selene ang sarili, pagod siya sa byahe tapos ganito yung ibinungad sa kanya.
"Para ito sa mission mo, pansamantala kang titira rito. Kapag okay na, ako mismo ang maghahatid sayo pabalik sa mansyon." Muling paliwanag niya sa dalaga, napairap si Selene hindi na siya nagsalita ayaw na niyang makipagtalo.
"Sumunod ka sa akin, bukas ng alas otso susunduin kita dito." Bilin ng ginoo sa kanya, nanatili lang siyang tahimik.
Kasarapan palang ng tulog niya yung oras na yon, hindi siya gigising ng maaga para naman makabawi ito. Sila ang may kailangan sa kanya, inaasahan niyang tatratuhin siya ng maganda pero hindi pala.
Sana naman pinili nila kung saan siya itatapon, 'di yung basta na lang patitirahin sa lugar na hindi niya kinalakihan.
Binuksan ni Butler Billy ang pinto ng apartment niya. Malinis na ito at may mga gamit na rin. Mukhang planado na ang lahat, siya na lang yung hinihintay.
"Kung may kailangan ka tawagan mo lang ako, wala ka dapat ipag-alala dito dahil ligtas ka sa lugar na'to." Muling bilin ng ginoo sa kanya bago ito nag-bow.
"Pagsisisihan niyo 'to Butler Billy!" Pagkasabi iyon ng dalaga ay padabog niyang sinara yung pinto.
Napailing na lamang ang ginoo bago nilisan ang lugar. Sumusunod lang siya sa utos, at hindi pwedeng makialam.
Tinawagan niya si Don Jones para ipaalam na nandito na sa maynila ang kanyang apo.
"Don Jones, nandito na si Miss Selene kung gusto niyo siyang makita magsabi ka lang if kailan." Seryoso niyang balita sa ginoo.q
"That's good, pwede mo ng palayasin ang anak sa labas ni Sean." Malamig na utos ng ginoo, napalunok naman ng laway si Butler Billy.
"Pero Don Jones, ang anak mo ang makakalaban niyo kapag ginawa ko iyon." May pag-aalala na sabi ni Butler Billy, malaking gulo ito at hindi pa alam ng Don Jones na kasal si Sean sa pangalawa nitong asawa.
"Kanino ka ba natatakot, sa akin o kay Sean? Ilang taon na nasa malayo ang apo ko, karapatan kong makasama si Selene. Tumatanda na ako Billy, may karapatan si Selene sa mansyon. Baka nakakalimutan mong tagapagmana siya." Paglilinaw ng ginoo, hindi makapagsalita si Butler Billy mas pinili na lamang niyang manahimik kesa sumagot. Dahil tama naman siya, pero masisira lahat ng plano ni Sean para kay Selene.
"Sunduin mo ang utos ko Butler Billy, pauwi na ako ng pinas baka pag-uwi ko wala pa siya sa mansyon. Makikita niyo kung sino ako!"
Pagkasabi iyon ng ginoo ay pinatay na niya ang tawag.
TO BE CONTINUED.