Prologue
````
Nanggagalaiti sa galit ang ama ni Selene habang nakatingin sa kanya. Pumalpak ang dalaga sa isang mission, at karamihan sa back up niya’y namatay.
Lalong nakaramdam ng galit si Mr. Tejones dahil paika-ikang naglalakad ang kanyang anak palapit sa mesa niya.
“Anong kàtangahan itong ginawa mo Selene?! Lagi kong sinasabi sayo huwag kang padalos-dalos sa desisyon mo! Ang tangà mo talaga, lagi na lang padalos-dalos kung magdesisyon!”
Galit niyang sigaw kay Selene na halos pumutok ang ugat nito sa leeg.
Hindi agad nakapagsalita si Selene dahil kapalpakan niya ang bungad nito sa kanya.
Natatawa siya sa sarili dahil bakit pa ba mag-expect na may pakialam ito sa kanya. Hindi na nakayanan ni Selene ang mga sumunod pang sinabi ng kanyang ama.
“Ilang tauhan ang namatay dahil sa katàngahan mong babae ka! Wala kang silbi gaya ng iyong ina!” Muling galit niyang sigaw na umalingawngaw sa loob ng kanyang opisina.
“Huwag mong idadamay dito si mommy! Dahil lahat ginawa niya para sa'yo, wala kang karapatan na pagsalitaan siya ng ganyan. Kung sino man ang walang silbi dito ikaw yon!!” Ganting sigaw ni Selene, dahilan para masampal siya ng malakas. Napahawak ang dalaga sa kanyang pisngi, nagngingitngit sa galit si Selene habang nakatingin kay Mr. Tejones.
"Bakit? Nasasaktan ka dahil iyon ang totoo, simula bata ako wala akong ibang nakikita kundi si mommy! Siya ang nagsasakripisyo para sayo, lahat ginagawa niya para protektahan ka at ang iniingatan niyong trabaho! Pero anong ginawa mo hah?! Nagawa mo pang maghanap ng ibang babae, tapos nagpakasal agad kayo kahit kalilibing lang ni mommy. Hindi mo man lang pinalipas ng isang Linggo, bago ka nagpakasaya sa bago mong pamilya!" Hindi na napigilan ni Selene ang isumbat lahat sa kanyang ama.
Hindi naman nakapagsalita si Mr. Tejones, nakatitig lang siya sa kanyang anak na ngayon ay puno ng galit ang mga mata nito.
Mahinang natawa si Selene, dahil wala man lang naging reaksyon ang kanyang ama. Lalong bumigat yung dibdib niya dahil, mas malinaw pa sa tubig na wala talagang pakialam si Mr. Tejones sa kanila.
"Isang pagkakamali lang ang ginawa ko, pero sa aking nakikita mas importante pa ang buhay ng iyong mga tauhan kesa sa aking anak mo!! Lagi mo na lang akong nadidismaya Mr. Tejones! Huwag mo akong bigyan ng trabaho okay lang sa akin, hindi ko ikakamatay! Wala akong dahilan para mag-stay dito, hindi ako magmamakaawa sayo para lang makuha yang atensyon mo." Malamig niyang sabi bago hinugot ang kanyang baril at spy license niya.
"Here!" Maikling sabi niya bago inilapag sa mesa. "Nakakapagod na rin, hindi lang sila ang anak mo Welson. Ni minsan hindi ko naramdamang tinuring mo akong anak. Laging ako na lang yung nag-aadjust para sa pangalawang pamilya mo. Ni minsan hindi mo ako tinanong kung ano ba talaga ang gusto ko. Kung masaya ba ako sa mundong ginagalawan niyo. Kahit labag sa kalooban ko at dahil sa kagustuhang mapalapit sayo pikit mata kong tinanggap ang trabahong 'to, pero wala talaga eh. Wala akong puwang dyan sa puso mo." Halos pabulong niyang sabi bago tinalikuran ang kanyang ama.
Pigil na pigil siya sa kanyang luha na 'wag umagos. Sobrang bigat ng pakiramdam niya, gusto na lamang sumuko ni Selene. Dahil kahit anong gawin niya, isa lamang siyang tauhan sa mga mata ng kanyang ama.
Madilim naman ang mukha ng ginoo habang nakatingin sa dalagang papalabas sa kanyang opisina. Sarado na ang puso niya para sa dalaga, dahil iyon naman ang alam niyang tama. Wala na siyang ibang pagpipilian kundi gawin iyon.
Manang-mana ka sa iyong ina, ang hirap niyong hawakan sa leeg masyadong matigas!
TO BE CONTINUED.