Avalon
“Where are we? Anong klaseng lugar ito?” Tanong ko sa lalaki ng makarating kami sa isang abandonadong lumang bahay.
“Avalon’s Headquarter.” Sagot nito at nilabas ang magic wand niya.
Tinatawag ko na itong magic wand kasi para siyang nasa harry potter na may ginagawang kakaiba sa stick na dala dala niya. Is that their magic? Cool.
May isinulat siya gamit ang kanyang stick sa hangin at nanlaki ang mga mata ko nang umilaw nalang bigla ang pintuan ng lumang bahay at bumukas ito.
Umunang pumasok si Blonde Guy at sumunod naman ako sa kanya sa loob.
Namangha ako pagpasok ko sa pintuan sa aking nakita. Hindi ko akalain na ganito pala kaganda sa loob ng isang abandonadong bahay! Akala ko puro alikabok lang ang makikita ko sa loob.
May magagandang gamit sa paligid at may iba’t ibang teknolohiya na hindi ko alam kung ano at para saan. May ibang tao rin sa bahay at mukhang busy ang lahat kaya hindi kami masulyapan. May nakikita din akong mga tao na nag eensayo.
“Nasa Pilipinas parin ba tayo?” Tanong ko.
Narinig ko ang mahina niyang pagtawa at sumulyap sa akin.
“Yes, Miss Calista.” Sagot nito at muling naglakad kaya sumunod nalang ako.
Pumasok siya sa isang kwarto na mukhang office at sumunod rin ako sa kanya.
Nakita ko ang isang matandang babae na nakaupo ngayon.
“Seven!” sabi ng matanda at lumapit sa lalaking kasama ko at niyakap ito.
“This is Gabriel, the president of this institution.” Pakilala ng lalaking kasama ko na nagngangalang Seven pala.
“Is this Aislinn Calista, Seven?” tanong ng matanda habang nakatingin sa akin na may halong pagkamangha.
“Yes, Ma’am.”
Lumapit sa akin ang matanda at niyakap ako. Hindi ako makagalaw sa gulat sa ginawa niya.
“Sigurado akong matutuwa ang hari na makita ka, Princess.” Nakangiti niyang sabi.
Kumunot ang aking noo at sumulyap sa lalaki na nakatingin sa akin ngayon.
“Nasaan ako? Anong klaseng lugar ito? At.. at where’s my mom?!”
Napatingin ang matanda sa lalaki.
“She’s referring to Hera, her mom here.” Seven said.
“Oh! I’m sorry, Hija. But don’t worry, she’s fine. Nakaligtas si Hera sa pag-atake ng Ravenia sa bahay niyo kanina.”
Nakahinga ako nang maluwag sa sinabi ni Garbriel.
“Pwede ko ba siyang makita ngayon?” I asked.
Malungkot na ngumiti ang matanda. “You still can’t, Hija. Dadalhin ka muna ni Seven sa Avalon upang masiguro ang proteksyon mo. Hindi masyadong maayos ang security rito sa Headquarters kaisa sa Avalon at baka sumugod ulit ang Ravenia para kunin ka.”
“What is Avalon? And what the hell is Ravenia?” Inis kong sabi.
Kanina pa nila ito binabanggit at hindi ko maintindihan kung ano ito.
Gusto kong malaman kung anong klaseng nilalang ang pumatay sa kaibigan ko. Para nang sasabog ang ulo ko sa pagkalito.
Sinulyapan ni Gabriel si Seven. “Hijo, wait outside. Mag-uusap lang kami ni Aislinn.”
Tumango si Seven at lumabas na sa opisina ni Gabriel.
“Umupo muna tayo, Hija, para naman maganda ang pag kukwento ko sa’yo.”
Tahimik akong umupo sa may sofa katabi niya.
“May dalawang parte ang mundo. Ang mundo ng mga ordinaryong tao at ang mundo ng mahika.”
“Mahika? You mean magic? Like ‘yung may lalabas sa kamay mo?” mangha kong sabi.
Ngumiti siya at tumango.
“Kung ang tawag sa mundo ng mga tao ay Earth, sa mundo ng mahika ay Adalan. Sa Mundo ng Adalan ay may iba’t ibang uri ang naninirahan. Nandito na ang mga vampires, werewolves, charmers, witches, mermaids, fairies, demons, and we, the protectors.”
Nagpatuloy si Garbiel sa pagkukwento sa akin tungkol sa kabilang mundo. Ang mundo ng Adalan ay may iba’t ibang kaharian at uring naninirahan. Ang Avalon ay isang kaharian sa Adalan na pinamumunuan ni Haring Heromus. Ang tungkulin ng Avalon ay panatiliing payapa ang mundo ng Adalan.
May iba’t ibang tungkulin ang mga uri ng Adalan. At ang tungkulin ng Avalon ay panatilihing payapa ang mundong ginagalawan nila at pati narin sa mundo ng mga tao.
That’s why they have Avalon’s headquarter dito sa mundo ng mga tao.
Kung ang Avalon ang nagpapanatili ng kapayapaan sa Adalan ay ‘yon ang kabaliktaran ng Ravenia.
Ang kaharian ng Ravenia pinamumunuan ni Haring Callum. Sila ang sumisira ng kapayapaan ng Adalan at kakampi nila ang kalahating populasyon ng mga bampira at mga taong lobo.
Sila ang pangunahing kalaban ng Avalon at sila rin ang umatake sa pamamahay namin ni Mama.
“Go with Seven, Aislinn. Dadalhin ka na niya sa Avalon. May mas dapat ka pang malaman at hindi ako ang dapat magsabi sa’yo no’n.” sabi ni Gabriel habang nakangiti sa akin.
Sinamahan niya akong makalabas sa kanyang opisina at nakita namin do’n sa labas si Seven na nakasandal sa pader habang pinalalaruan ang sandata niya.
Naging alerto siya ng makita niya kaming lumabas.
“It’s time, Seven,” Gabriel said.
Seven nodded.
Pumunta kami sa isang underground dito sa headquarters. Kailangan pang magdala ng lampara si Gabriel para may ilaw kami.
Huminto kami sa isang napakalaking salamin na may mga dahon sa paligid.
Pumunta si Gabriel sa harapan at may nilabas na stick kagaya ng kay Seven.
May binulong si Gabriel at tinapat ang stick sa may salamin. Bigla itong umilaw at pinalalibutan ng usok.
“Let’s go.”
Napatingin ako kay Seven nang maglakad na ito papalapit sa salamin. Nilingon niya ako at itinaas ang kamay niya sa akin. Hinawakan ko ang kanyang kamay at lumapit sa kanya.
“Take care, Aislinn.” Nakangiting sabi ni Gabriel.
“Thank you, Gabriel.”
“Hawakan mo nang mahigpit ang kamay ko.” Sabi ni Seven at humakbang na papasok sa salamin.
Pumikit ako at hinawakan ng mahigpit ang kanyang kamay at humakbang papasok sa salamin.
Para akong inikot pagpasok ko at hindi ko magawang dumilat.
Ilang minuto ay tumigil na ang pag-ikot ng aking paligid.
“Open your eyes. We’re here.” Rinig kong sabi ni Seven habang nakahawak pa rin sa aking kamay.
Hinay hinay kong dinilat ang aking mga mata at nagulat sa aking nakita.
May isang malaki at malakaw na palasyo sa harapan namin ngayon. May kakaibang mga alitaptap sa paligid na mukhang tao.. wait.. fairies?!
“Welcome to Avalon, Aislinn.” Seven said and smiled at me.