Attack
AISLINN'S POINT OF VIEW.
“Baka malaman ng mama mo na tumakas ka, Aislinn! Patay talaga tayo sa kanya,” sabi ni Henry habang nagkakamot sa ulo.
“Ano ka ba! Hindi malalaman ni mama ‘to kaya don’t worry!” nakangisi kong sabi.
Papunta kami ng best friend ko sa isang club kung saan may inuman at sayawan. 18th birthday ko ngayon at gusto ko mag try mag party! Ang akala ni mama ay mag malling lang kami ni Henry. Pero hindi niya alam na mag ka-club kami ng kaibigan ko.
“Lyn! Seryoso ka ba talaga sa gusto mo?! Pwede pa naman tayo mag back-out!” sigaw ni Henry nang makapasok na kami sa loob ng Club.
Maingay, maraming nagsasayawan, nagtatawanan at nag-iinoman! Wow! Ganito ba talaga sa mga club? Parang gusto ko na tuloy mag pupunta dito gabi-gabi! Haha.
Nag order kami ni Henry ng alak sa may counter, ‘yung tama lang sa amin. Baka mapatay ako ni mama pag-uwi pag nalaman niyang naglasing kami!
“Cheers!”
“Cheers!”
Pagkatapos kong mainom ang isang basong alak ay tumakbo na ako papunta sa mga taong nagsasayawan at nakihalo. Narinig ko ang pagtawag ni Henry sa akin pero hindi ko na ito pinakinggan at nagsaya nalang.
Sumayaw ako nang sumayaw at may nakisayaw din sa akin kaya mas lalo akong nag enjoy. Natigilan ako sa pagsayaw nang may makita akong kakaibang tao sa aking paningin. Nakasuot sila ng cloak at may dalang mga.. sandata?! Mabilis ko itong sinundan ng palihim at tinignan kung saan sila papunta at ano ang gagawin nila. Tatlo silang magkakasama ngayon, dalawang lalaki at isang babae. Nakita ko silang may hinablot na isang lalaki at nanlaki ang mga mata ko sa muling Nakita.
Inangat ito ng isang lalaki na nasuot ng cloak na may blonde na buhok at walang sabi na sinaksak ito sa may tiyan.
“AHH!”
Mabilis kong tinakpan ang aking bibig nang hindi ko napigilang mapasigaw.
Napatingin sa akin ang lalaking sumaksak na may gulat sa mukha. Mabilis akong tumalikod at tumakbo pabalik kay Henry na may kausap na babae ngayon.
“Henry, umalis na tayo dito!” balisa kong sabi habang nakatingin sa aking likuran.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang lalaking blonde na papunta sa direksyon ko ngayon.
“Umalis na tayo!”
Mabilis kong hinila si Henry papalabas sa club.
“Ano ba ang problema mo, Lyn?! Lasing ka na ba?” sabi ni Henry ng makalabas na kami.
Balisa parin ako hanggang ngayon at kinakabahan. Anong mga klaseng tao sila?! Tao ba sila?!
“Lyn!”
Napatingin ako kay Henry nang isigaw niya ang aking pangalan.
“H-huh?”
“Ano ba ang problema? Marami ka bang nainom?”
Magsasalita na sana ako nang makita ko ang lalaki sa likuran ni Henry habang nakatingin sa akin.
“Sino ka ba!” sigaw ko habang nakatingin sa lalaki.
Nakita ko ang pagtataka sa mukha ni Henry at napatingin sa kanyang likuran.
“Sino ang kausap mo?”
“H-hindi mo siya nakikita?!” sabi ko at tinuro ang lalaki na nasa kanyang likuran.
Umiling si Henry at napakamot sa kanyang ulo.
“Nakikita mo ako?” malamig na sabi ng lalaki sa akin.
Mabilis akong napakapit sa braso ni Henry at hinila papalapit sa akin.
“Kung sino ka man, ‘wag mo na akong sundan!” sigaw ko at hinila na si Henry papalayo sa lalaking ‘yun.
Tahimik ako ngayon habang nakatingin sa kawalan. Papauwi na kami ni Henry sa bahay namin at hindi parin ako makapaniwala sa aking nakita. Bakit ako lang ang nakakakita sa kanya at hindi si Henry? Bakit parang wala lang sa mga tao no’ng sinaksak niya ang lalaki? Bakit?!
“Lyn, nandito na tayo.”
Hindi ko namalayan na nasa bahay na pala kami. Nagpasalamat ako at nagpaalam na kay Henry. Si Henry lang ang kaibigan ko kaya kami lang palagi ang magkasama. Masaya naman ako na siya lang ang kaibigan ko, wala masyadong masakit sa ulo.
Pagkapasok ko sa aming bahay ay nakita ko agad si Mama sa may sala habang tulala. Nilapitan ko ito at kung hindi ko lang tinapik ang kanyang balikat ay hindi niya malalaman ang pagdating ko.
Umupo ako sa kanyang tabi.
“Ma, okay ka lang?” tanong ko.
Mukhang malalim ang kanyang iniisip ngayon at mukhang ilang araw ng hindi nakatulog.
Tinignan niya ako at mahigpit na hinawakan ang aking kamay.
“Anak, pumasok ka bukas sa paaralan niyo, huh? At.. at mamasyal muna kayo ni Henry kung saan niyo gusto. ‘Wag ka muna umuwi sa bahay, okay?”
Naguluhan ako sa kanyang sinabi.
“Ma, may problema ba?”
NAkita ko ang pagpatak sa kanyang luha at hinila ako para mayakap ng mahigpit. Kahit naguguluhan ako ay niyakap ko nalang pabalik si mama at hinimas ang kanyang likod.
“Mahal na mahal ka ni Mama, Lyn. Lagi mo ‘yang tatandaan.”
Buong gabi naging emosyonal si Mama kaya sinamahan ko siya ng tulog sa kanyang kwarto hanggang sa nakatulog na kaming dalawa.
Maaga akong pumasok sa skwelahan at pinaalala ulit sa akin ni mama na ‘wag muna akong umuwi kasi may pupuntahan siyang importante kaya umuo nalang ako.
“Alam mo Henry, ang weird ni mama kagabi. Parang feeling ko mawawala siya sa akin.” Kwento ko sa aking kaibigan.
Napatigil siya sa pagsusulat at napatingin sa akin.
“Alam mo naman ‘yun si tita, napaka over-acting.” Natatawang sabi niya.
Tumango nalang ako at kinumbinsi ang sarili na nag o-over-acting lang si Mama kagabi.
Pagkatapos namin sa aming last class ay inaya ko si Henry na pumuntang Mall. Alas 5 pa ng hapon at baka wala pa si mama sa bahay kaya sinunod ko nalang ang sinabi niya sa akin kagabi at kanina.
Habang naglalakad kami ni Henry sa loob ng mall ay nakaramdam ako ng kakaibang enehiya sa aking sarili. Napatigil ako at napahawak sa aking ulo.
“Okay ka lang, Lyn?”
Mabilis akong napamulat nang may makita akong imahe.
Si Mama.. duguan at hindi na gumagalaw.
Mabilis kong hinarap si Henry at hinawakan sa kanyang braso.
“Henry, umuwi na tayo! Nasa panganib si Mama!”
Mabilis naman na sumunod si Henry sa akin. Hindi ako mapakali habang pauwi ako ng bahay.
Nang makarating kami sa bahay namin ay nagmadali na akong pumasok sa aming bahay.
Natigilan ako nang makita ang nangyari sa loob ng aming bahay.
“What the f**k? Anong nangyari dito?!” rinig kong sabi ni Henry sa aking likuran.
Kinabahan ako bigla nang maalala ko si Mama.
Nagmadali akong umakyat at pumunta sa kwarto ni Mama. Natigilan ako ng magulo rin sa loob ni Mama at may bahid ng dugo sa sahig.
“Ma!” sigaw ko at muling hinanap si Mama sa ibang parte ng bahay namin. Hindi ko na rin mapigilang mapaiyak at mapahikbi sa takot.
“Ahhh!!!”
Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang boses ni Henry.
“Henry!” tumakbo ako pabalik sa loob ng bahay namin.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Henry na nakabulagta na sa sahig habang naliligo sa sariling dugo.
Mas natakot ako lalo nang makita ko ang kakaibang hayop na nasa tabi ni Henry habang maraming dugo ang bibig nito. Para siyang malaki na aso na may mapupulang mata at matulis na mga pangil.
“Aw!” sigaw nito at aatake na sana sa akin nang may sumaksak bigla dito.
Nanlaki ang mga mata ko nang bigla itong naging abo at nawala nalang ng parang bula. Natigilan rin ako ng makita ko kung sino ang tumulong sa akin.
Siya ‘yong lalaki sa bar!
Napatingin ulit ako sa aking kaibigan at mabilis itong nilapitan.
“Henry! Henry, gumising ka!” niyugyog ko ito para magising.
Napaiyak nalang ako ng malakas nang hindi na ito gumalaw pa. Mahigpit kong niyakap si Henry at umiyak ng umiyak.
“Kailangan na nating umalis.”
Natigilan ako sa pag-iyak ko at sinulyapan ang lalaking blonde ang buhok.
Masama ko itong tinignan.
“Sino ka?! Bakit ka nandito?! I-ikaw ang may gawa nito, ‘no?! I-ikaw ang pumatay sa kaibigan ko!” muli akong napaiyak at sinulyapan ang kawawa kong kaibigan.
“I’m not the enemy, Aislinn. I’m here to protect you and bring you to your family.”
Muli akong napatingin sa kanya.
“N-nasaan si Mama?! Nasaan siya! At bakit mo ako kilala?!”
“We need to go, Aislinn! Marami pang pupunta na mas grabe pa kanina na pumatay sa kaibigan mo! Hindi ko na kayang labanan sila kaya umalis na tayo.”
“P-Paano si Henry?”
Napatingin siya sa aking kaibigan. Lumapit siya sa amin at may nilabas na kakaibang stick sa kanyang bulsa.
“A-anong gagawin mo?”
Hindi niya ako sinagot at may sinulat sa hangin. Nanlaki ang mga mata ko ng umilaw bigla si Henry at biglang nawala sa aking kandungan.
“Nasaan si Henry!”
“Inuwi ko na sa kanila. ‘Wag kang mag-alala, nasa maayos ang katawan niya at alam na ng mga magulang niya ang nangyaring pagkawala ng kaibigan mo.”
Muli akong napaiyak at tinakpan ang aking mukha.
“We need to hurry, Aislinn Calista.” Malamig nitong sabi.
Wala akong imik na tumayo at sumunod sa lalaking hindi ko naman kilala. Hindi ko na alam ang gagawin ko kundi sumunod nalang sa kanya. Natatakot ako na baka may dumating pa na mga nakakatakot na nilalang sa bahay namin at patayin ako. At gusto ko rin makita si Mama kung nasaan man siya ngayon.
Malalaman ko rin ang lahat kung ano ang nangyayari. Aalamin ko ang mga nangyayari sa paligid ko ngayon at hahanapin ko ang hustisya sa pagkamatay ng kaibigan ko.