Episode 3

1184 Words
The Kingdom of Avalon "How it is possible?!" Hindi parin ako makapaniwalang nakakita ako ng fairies! Akala ko sa mga movies ko lang sila makikita. "Everything is possible in Adalan, Miss Calista." Sabi ni Seven sa aking likuran. Nakita ko naman siyang ngumisi pero bumalik rin agad ang pagiging seryoso ng kanyang mukha. "Princess Aislinn!" Napataas ang isa kong kilay ng makita ko ang isang babaeng patakbong papalapit sa amin. Nagulat ako bigla sa kanyang biglang pagyakap sa akin. Pinalayo rin agad siya ni Seven. "Easy, Ilaria. She didn't know you." Seven said. “Oh! I’m sorry, Seven.” Sabi ng nagngangalang Ilaria. Bumaling siya sa akin at ngumiti. "Hi! I'm Ilaria, and I'm one of your protectors, and also I can be your friend!" she said happily. I smiled and nodded kahit hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. "I'm Aislinn, Lyn for short." She nodded. "Okay, Lyn! Let's go?" Sabi niya at kumapit sa akin. Napasulyap ako kay Seven na may halong pagtataka. Humarang sa harapan si Seven at nilayo si Ilaria sa akin. "Don't be so clingy, Ilaria. Hindi pa siya familiar sa mundong ito." Nakita ko ang pagnguso ni Ilaria. "Okay, leader!" Umiling nalang si Seven at bumaling sa akin. "Let’s go. I will take you to King Heromus.” Nagsimula na kaming maglakad papasok sa palasyo kasama si Seven at Ilaria. Napakadaldal ni Ilaria at marami siyang sinasabing kwento sa akin. Ilang ulit na rin siyang pinapatigil ni Seven pero hindi parin ito natinag. Hindi ko mapigilang mamangha sa nakikita ko rito sa loob ng palasyo. Lahat ng makikita kong gamit ay gawa sa ginto! Kung siguro madali lang ang pag-alis dito ay kumuha na ako ng mga gamit at itakas nalang bigla. May binuksan si Seven na malaking pintuan at bumungad sa akin ang isang trono sa harapan habang may nakaupong lalaki na may suot na korona. Siya siguro si Haring Heromus. Nakita ko ang bahagyang pagyuko nila Seven at Ilaria. Ngumiti ang hari at tumayo. “Aislinn Calista.” Banggit niya sa aking pangalan. Nakita ko ang paglakad niya papunta sa akin hanggang sa nakarating na ito sa aking harapan. “Welcome back to Avalon, apo..” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. “P-po?” Hinawakan niya ang aking magkabilang balikat. “I know you’re confused right now. Let me tell you everything you want to know, Aislinn.” Pinaalis niya muna sa silid sila Seven at Ilaria kaya kami nalang ang naiwan ng hari habang nakaupo sa isang table at magkaharap. “Why are you calling me apo? Who are you?” I asked. “I’m the father of your real mother, Aislinn. Her name is Celestia, and she died, saving you.” Nagulat ako sa sinabi niya. “W-what are you talking?! My mom’s name is Hera, not Celestia!” Nakita ko ang malungkot niyang ngiti. “You’re still a baby when she escaped you from war. She has no choice but to give you to her friend, Hera. Dinala ka ni Hera sa mundo ng mga tao para hindi ka mahanap ng mga Ravenia. Namatay si Celestia ng maabutan siya ng mga Ravenia. And that necklace you wear right now. It’s from Celestia..” Napasulyap ako sa aking kwentas at nagulat ako ng bigla itong umilaw. “Isa ‘yan sa nag protekta sa’yo do’n sa mundo ng mga tao at para hindi ka mahanap ng Ravenia.” Tinignan ko siya. “Bakit ako hinahabol ng Ravenia? Anong gusto nila sa akin?” naguguluhan kong sabi. Bumuntong hininga siya. “It’s not time to tell you about that, Aislinn. Paunti-unti muna hanggang sa maka-adjust ka sa bago mong mundo.” Bigla kong naisip si Mama. “Where's mom? I mean, Hera..” “She’s healing, so don’t worry too much.” Tumango ako at napanatag sa sinabi niya. “Seven, Ilaria and Dom are your protectors.” Nakakunot ang noo ko sa sinabi niya. “Protectors? But Avalon is the protectors, right?” He chuckled. “It seems Gabriel tells you a story about Avalon?” He smiled. I Nodded. “Well, I got curious.” “Yes, Aislinn, we are the protectors of Adalan. But as royal blood like a special Avalonian like you and us, you need protectors.” “Apo niyo ba talaga ako?” naguguluhan kong tanong. Hindi siya mukhang lolo sa paningin ko. Ang bata niya pa para maging isang lolo. Mahina siyang natawa. “Avalonian don’t age faster, Aislinn.” Nakangisi niyang sabi. “So, how old are you?” I asked. “I’m 186 years old.” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. “W-what?! Omg, are you serious?!” He chuckled. “Yes, apo. Mukha lang akong 30 years old pero matanda na ang edad ko.” Napaisip ako bigla kay Seven at Ilaria. “How about my protectors? How old are they?” “Don’t worry, apo. Kaedad mo lang silang tatlo.” Natatawa niyang sabi. Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko puro na matanda ang kasama ko dito sa Avalon. Natapos na kaming mag-usap ni Lolo, gusto niya kasing tawagin ko siya ng gano’n para maramdaman niya namang maging matanda. Pinatawag niya si Ilaria at inutusan na dalhin ako sa aking silid. Hindi ko na ulit nakita pa si Seven at sabi pa ni Ilaria ay busy daw ito lagi at palaging nasa mundo ng mga tao para pumatay ng Ravenian na naghahasik ng lagim. Kasama nito palagi si Dom kaya hindi ko pa ito nakikita at nakikilala hanggang ngayon. Sila palang tatlo ang nakita ko noong nasa club kami ni Henry. Nasasaktan parin ako sa pagkawala ni Henry. Sana nasa maayos sila Tita ngayon. “Goodnight, Aislinn! Kitakits bukas! Tulog ka ng mahimbing.” Sabi ni Ilaria at sinirado na ang aking bagong kwarto. Bumuntong hininga ako at muling tinignan ang kabuohan ng aking kwarto. Mas malaki pa ito sa aming sala at kusina sa aming bahay. Ang yaman naman ng mga tao dito! Dumiretso ako sa kama at humiga. Pati ang kama ay napakalambot. Grabe, parang gusto ko na tuloy forever manirahan dito. Pumikit ako at dinalaw na ng antok. Naglalakad ako ngayon papunta sa isang madilim na bahagi ng kakahuyan. Natigilan ako sa paglalakad nang may marinig akong tunog ng isang lalaki na nasasaktan. Nagmadali akong tumakbo at hinanap kung nasaang parte siya ngayon ng kakahuyan. Natigilan ako nang makita ko ang isang lalaking nakasandal sa isang puno habang may sugat sa banda ng kanyang tiyan. Mabilis akong lumapit sa kanya at hinawakan ang kanyang braso. “O-okay ka lang?” Natigilan ako nang dinilat niya ang kanyang mata at nakita ko ang kanyang bughaw na matang nakatingin sa akin. Bumilis ang pagtibok ng aking puso at hindi ko alam kung bakit nangyayari ‘to sa akin ngayon. Ngumiti siya at hinawakan ang aking pisngi. “Nagkita na rin tayo sa wakas aking mahal.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD