Chapter 5

994 Words
Catherine Papasok na kami sa subdivision at ang akala ko wala akong mararamdaman na kahit na anong takot sa pagbabalik ko pero hindi pala. Kinakabahan ako dahil nakatira lahat ng kakilala ko dito. "Ipakita mo na lang sa security guard 'yung slip na iniwan ni Greg."sabi ko sa tauhan kong nagmamaneho sa sinasakyan namin ngayong truck. Medyo tumagilid ako upang hindi ako makita ng security guard. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ng subdivision. Alam ko rin sa sarili ko na hindi ko pa kayang humarap sa kanila. Kaya mabuti na lang at sa dulong bahagi ng lugar kami pupunta. Umupo naman na ako nang maayos ng buksan na ng security guard ang gate. Napapatingin ako sa dinadaanan namin, wala parin naman nagbago dito. Ganun parin, pawang mga matataas at naglalakihang gusali at bahay ang makikita. "Grabe Ma'am. Totoo pala ang naririnig ko sa radyo, ibang klase po pala talaga ang subdivision na ito ."komento ng tauhan ko. "Mas marami ka pang makikitang kamang-mangha sa ibang bahagi dito. Kung gusto niyo, bago kayo umuwi. Maglibot muna kayo dito."sabi ko naman at tumingin na ako sa labas. Ito ang subdivision kung saan naninirahan ang mga mayayamang tao. Kailangan ng milyong-milyong pera para makapag-patayo ng bahay at tumira dito. Maraming taong gustong makapasok dito dahil hindi na nila kailangan pang lumabas kung titira sila dito. Kumpleto ito, maihahalintulad na sa isang city. Mapamall man, department store, supermarket, restaurant pati narin convenience store ay mayroon dito. May mga libangan rin kaya marami talagang gustong tumira dito. Pagkahinto ng tauhan ko sa truck, bumaba na ako. May mga naka-abang ng mga tauhan ni Dale sa labas ng factory. Hindi ako sigurado sa sarili ko kung ngingiti ako dahil napansin kong may mga nakakakilala sa akin. "Ma'am Catherine."napabaling ako kay Greg na naglalakad papunta sa akin. "Nasa farm po si Sir."tumango ako. "Sige, bibilinan ko muna sila."sagot ko kay Greg. Lumapit sa akin ang tatlo kong tauhan na kaba-baba sa likod ng truck. Inabot sa akin ng isa ang gamit ko. "Pakitulungan niyo na lang sila magbaba ng mga kahon. At tawagan niyo ako kaagad kung may problema sa farm."bilin ko sa kanila at bumaling ako sa driver. Inabot ko sa kanya ang dalawang libo. "Ipagbili niyo ng pasalubong. Mag-ingat kayo sa daan."dagdag ko. "Tayo na."baling ko kay Greg. "Ma'am, kayo po ang tutulong sa farm nila Sir Dale?" "Oo."agad kong sagot. Tinignan ako ni Greg na parang hindi siya naniniwala sa akin. "Ako nga. Bakit parang gulat na gulat ka."sabi ko pa. "Ma'am, sigurado ba kayong gagawin niyo ito?"tumango ako. Nagsimula na kaming maglakad papunta sa farm. Malawak ang lupain nila Dale dito dahil ang Lolo niya ang isa sa mga major stockholder ng subdivision na ito. Tumigil kami ni Greg sa tapat ng kubo. Alam kong hindi madali ang papasukin ko pero nakahanda na ako. "Nasa loob po siya ng kubo."nag-aalinlangang sabi ni Greg. Tumitig ako dito. Kubo ito pero mas mahal at mas maganda pa ito kaysa sa sementong bahay ko sa farm. Nagpakawala ako ng malalim na hininga. This is it. Nadatnan kong naka-upo si Dale sa harap ng lamesa, lumipat ang tingin ko sa ibabaw ng mesa. Namutla ako ng makita ko ang isang folder at ballpen. Napaatras ako. Pakiramdam ko bumabalik ako sa nangyari noon. Na parang pinipilit ipinapaalala sa akin ang araw na tuluyan na akong tinalikuran ni Dale. "What are you still doing there? Come and sit."narinig kong utos ni Dale. Umangat ang tingin ko papunta sa kanya at tinitigan siya. Sumeryoso ang tingin niya sa akin. "What's wrong with you?"hindi ko na napigilan ang mga luha ko at naglaglagan na lang ang mga ito. Napatayo siya. Agad akong tumagilid at pinunasan ang magkabilang pisngi ko. "I'm sorry."nasabi ko. "Sorry, pasensya na."sunod ko pang sabi. "Sorry talaga, hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit-"napatigil ako ng hinawakan niya ang kamay ko at pinaharap ako sa kanya. "Anong problema mo? May nararamdaman ka ba? May masakit ba sayo? Sabihin mo sa akin?"umangat ang tingin ko at tinitigan siya. Doon narin siya napatigil, agad niyang binitiwan ang kamay ko at tumalikod. "Kung ang ipinunta mo dito ay para lang umiyak, mas mabuti pang bumalik ka na lang sa farm mo."saad niya. Napayuko ako. Tama naman siya. Anong ipinagsasabi ko sa sarili ko na handa na ako, wala pa siyang nasasabing masasakit na salita sa akin pero heto ako't umiiyak na. "Sorry, may naalala lang ako."humarap siya sa akin tapos tumingin siya sa ibabaw ng lamesa. Lumipat ulit ang tingin niya papunta sa akin. Pero nag-iwas rin siya ng tingin. "Let's sign the contract now. I still have lot things to do in my company."tumango ako. Naglakad na siya pabalik sa lamesa, sumunod naman ako. "It's stated in the contract that this deal must not be disclose to the public." "Don't worry, alam naman na ng mga tauhan ko na bawal ipagsabi ito."siya naman ngayon ang tumango. "The contract says also that if ever you'll fix the farm successfully, Royal Fragrance will still get a supply from you."tumingin ako sa kontrata at binasa ang kasasabi niya lang at napatango naman ako ulit pagkakita ko nito. "So are we good with the contract?" "Oo." Pumirma na siya sa hawak niyang kontrata pagkatapos binigay niya sa akin ito, inilagay ko naman agad ang pangalan ko at ibinalik ko nasa kanya. Ginawa ko naman ito sa hawak kong kontrata tapos inabot ko sa kanya, pumirma siya dito at agad ring ibinalik sa akin. "Nasaan na pala 'yung tauhan mo? Gusto ko siyang maka-usap."saad niya habang isinasara ang folder ng sarili niyang kopya ng kontrata namin. "Anong gusto mong pag-usapan?"tanong ko, tumingin siya sa akin. "Ang tauhan mo ang gusto kong makausap para sa pagtulong niya dito sa farm."ilang ulit muna akong napalunok bago ako sumagot. "Ako nga. Ako ang tutulong dito sa farm."napatitig siya sa akin. "Wala naman sigurong problema-" "May problema, I told you if possible I don't want to see you anymore."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD