Chapter 6

981 Words
Catherine Napahawak ako sa laylayan ng damit ko. Una pa lang ito pero pakiramdam ko ubos na lahat ng inipon kong lakas para salubungin ang galit ni Dale. "Kung gusto mo talagang hindi na ako makita, mas mabuting hayaan mong ako ang umayos dito sa farm mo. Kilala ko na ang farm na ito, mapapadali ang pag-aayos ko dito dahil hindi ko na kailangang pag-aralan pa ang lugar na ito."mahaba kong paliwanag pero hindi siya kumibo at tinignan niya lang ako ng walang buhay. "Wala ka bang pakialam sa sasabihin ng mga tauhan ko sayo?"yumuko ako at napahinga ng malalim. "It's the prize of what I have done to you. Don't you think it's time for me to accept it."mahina kong sagot. Two years ago, tinakbuhan ko ang bunga ng ginawa ko. Hindi na ako nagpakita sa mga kaibigan ko, sa mga magulang ko at sa lahat ng taong nakakakilala sa akin dito sa A City. Pagkatapos ng araw na pinirmahan ko ang annulment paper namin, umalis na ako at hindi nagpaalam sa kahit na sino. "Fine. Do whatever you want. But I just want to remind you after your work here in the farm, I want you gone as soon as possible."tumango na lang ako. Pero sa panahong mamamalagi ako dito. Gagawin ko ang lahat mapatawad lang ako ni Dale. Tumayo na ulit siya at akmang aalis pero kinausap ko ulit siya. "Dale, pwede naman sigurong dito ako tumira habang inaayos ko ang farm."tumingin siya sa akin. "Bakit hindi ka umuwi sa bahay niyo."umiwas ako ng tingin. "Malayo ang bahay mula dito. Sayang lang ang oras ko."sagot ko pero sa gilid parin ako nakatingin. Narinig ko ang pagpapakawala niya ng malalim na hininga. "Suit yourself."huling sabi niya bago siya umalis. Inayos ko muna ang gamit ko bago ako naghandang tumungo sa mga greenhouse. "Bakit nandito ka pa?"tanong ko kay Greg ng madatnan ko siya sa labas ng kubo. "Bibilinan ko po muna ang mga tauhan dito sa farm para sa pagtulong niyo po."ngumiti ako. "Hindi naman na kailangan, Greg. Kakausapin ko rin naman sila." "Bilin po ni Sir."napa-ayos ako ng buhok. "Bilin ni Dale?"tumango si Greg. "Baka raw po hindi magiging maayos ang pagtratrabaho niyo rito kung may ilangan kayo ng mga tauhan niya." "Ah. Ganun ba."tumango ako. "Kung ganun salamat."saad ko at ako na ang naunang naglakad. Pag-apak ko pa lang sa unang greenhouse, nakatingin na sa akin lahat. Walang nagsasalita pero basang-basa ko sa mga mata nila ang paghuhusga. "Rina!"tawag ni Greg sa isa sa mga tauhan ni Dale. Agad naman na lumapit ang isang babae. "Makipag-cooperate kayo kay Ma'am Catherine. Sundin niyo lahat ng utos ni Ma'am at ibigay lahat ng kakailangan niya para dito sa farm. Iyon ang utos ni Sir."ngumiti 'yung Rina. "Siyempre naman."bumaling sa akin 'yung Rina. "Nice to meet you, Ma'am."dagdag niya at inabot niya ang kanyang kamay para makipag-kamay. Inilapat ko naman agad ang palad ko dito at ngumiti rin ako sa kanya. "Kakausapin ko muna sila."saad ni Rina pagkatapos naming bitiwan ang kamay ng isa't-isa. "Pero Greg, nasaan na si Gina pati narin si Brent."tanong ko agad, pagkalayo ni Rina. "Si Gina ikinasal na po at ayaw na ng kanyang asawa na pagtrabahuin pa siya. Habang si Brent po, nagtatrabaho na po sa Japan." "Kaya pala." "Alis na po ako Ma'am."paalam sa akin ni Greg. "Sige. Salamat."tumango muna si Greg bago siya lumabas sa greenhouse. Tumingin ako sa kumpol ng mga tauhan. Inayos ko ang suot kong gloves at lumapit sa kanila. "Good Morning sa inyong lahat."bati ko sa kanila. "Good morning din po Ma'am."balik nila pero ramdam kong pilit ito, may ibang hindi bumati pero hindi ko na lang ito binigyan ng pansin. "Mamamalagi ako dito hanggang hindi naaayos ang farm kaya sana tulungan niyo ako upang maibalik sa dati ito." hindi sila kumibo. "Siyempre naman po Ma'am. Makakaasa po kayo."nakangiting sabi ni Rina. "Ma'am, samahan ko po kayong maglibot dito sa farm."dagdag pa ni Rina, tumango ako. Nagsimula na akong maglakad at sinuri ang mga tanim na rosas. Hindi ako makasalita at hindi ko alam ang sasabihin ko. Wala man lang akong makitang bulaklak bagkus mga sunog na dahon. Yumuko ako at dumakot ng lupa, matigas at napakatuyo nito. "Araw-araw naming dinidiligan ang mga rosas pero ganyan parin talaga."napakatabang na boses ang narinig ko kaya bumaling ako sa nanggalingan nito, hindi nakatingin sa akin ang tauhan. Lumipat ang tingin ko sa paligid ko, lahat pala ay nakasunod sa akin. "Ma'am, nagsasabi po ng totoo ang kasama ko. Baka kasi sabihin niyo na hindi namin po dinidiligan ang mga tanim."saad naman ni Rina, tumango lahat ng kasama niya. Tumango ako, wala naman akong alam na isasagot sa kanila. Tumaas ang tingin ko sa greenhouse, tinitigan kong mabuti ang bubong tapos sa mga ibang panig pa nito. "Kaya natutuyo ang mga lupa at dahon dahil may mga butas na ang greenhouse."sabi ko sabay tingin sa kanila. "Kasalanan ba namin 'yon."saglit akong napatigil dahil sa narinig ko ulit na nagmumula sa likod. Mas pinili kong hindi ulit ito pansinin. "Punta na tayo sa sunod na greenhouse."baling ko kay Rina. "Sige po Ma'am."nauna ulit akong naglakad at naramdaman kong nakasunod parin silang lahat. Iisa lang ang nakita kong dulot ng pagkakamatay ng nga tanim, ang problema ay nasa mga greenhouse mismo. "Kailangang makita ito ni Dale."hindi ko mapigilang mapabaling kay Rina. Hindi siya nakatingin sa akin, nasa cellphone niya ang kanyang atensyon. Pinanood ko ang pagkalikot niya dito. Tapos may tinawagan yata siya. "Hello Dale, nasaan ka?"napagdikit ko ang labi ko. "Punta ka dito. Alam na namin kung anong problema ng farm."nakatayo parin ako sa tabi niya at hinihintay ang susunod na sasabihin niya pero ibinaba niya rin ito. "Ma'am papunta na po rito si Dale."sabi niya, tumango naman ako. Ilang saglit pa ay dumating na si Dale. Naglakad si Rina palapit kay Dale. Naranasan ko narin ang laging nararamdaman noon ni Dale.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD