Chapter 4

1036 Words
Catherine Inihain ko ang almusal namin sa lamesa na nasa terrace ng bahay ko. "Good Morning po, Ma'am."magkasunod na bati ni Greg at ng driver, si Manong Baste. Ngumiti ako sa kanila. "Maayos ba ang tulog niyo? Baka hindi kayo naging kompartable."tanong ko, inabot ko kay Greg ang isang tasang kape tapos kay Mang Baste. "Naku Ma'am. Kung pwede nga lang pong matulog ulit dito ng ilan pang araw ay sobrang magpapasalamat talaga ako sa diyos."napatawa ako sa sinabi ni Manong Baste. "Bakit naman hindi? Pwede nga kayong magbakasyon dito." "Talaga Ma'am."tumango ako. "Maglalaan talaga ako ng oras para makapagpahinga dito."ngumiti ako sa sinabi ni Mang Baste. "Pero Ma'am, matanong ko lang po bakit wala po akong nakikitang kasama niyo dito sa bahay niyo?"tanong ni Greg. "Mag-isa lang ako dito."sagot ko naman. Tsaka lang ako nagkakaroon ng kasama dito sa bahay kung nagbabakasyon si Kyle. "Hindi po ba kayo natatakot Ma'am?"tanong naman ni Manong Baste. "Hindi naman Manong at malapit rin naman ang mga bahay ng mga tauhan ko dito."paliwanag ko. Marami pa kaming pinagkwentuhan bago sumalo si Dale sa amin. "Greg, naayos na ba ang sasakyan?" Natahimik na ako ng lumabas na si Dale. Hindi ko maiwasang pagmasdan siya. Nakasampay sa balikat niya ang medium sized na towel. Kung tutuusin napaka-plain ang suot niya ngayon pero iba ang dating nito sa akin. Gusto kong matawa sa sarili ko, hindi ko na mabilang kung ilang ulit ko na siyang nakitang nakasuot ng white t-shirt noon. Pero ngayon lang ako nagpapasalamat na may ginawang white t-shirt sa mundong ito. Noon, ano man ang isuot niya at gaano man ito kamahal, kahit minsan hindi ko ito tinitigan at binigyan ng pansin. Itinuring ko lang siyang barkada ng kapatid ko at anak ng kaibigan ng mga magulang ko. Aminado ako na, sinayang ko ang isang Dale Prieto. Kung hindi ako nagpakatanga noon, baka asawa parin ako ng CEO ng Royal Fragrance. "Opo Sir. Inaayos na po nila at sinabi ko rin na ideretso na nila ang sasakyan dito sa farm Sir."bumaba ang tingin ko ng dumako ang mga mata niya sa akin. "I need to check your greenhouses before I give my final decision."inangat ko ang tingin ako at agad akong tumango sa kanya. "Mag-almusal muna tayo."alok ko. Bumaba ang tingin niya sa lamesa. "Sir, kain mo tayo. Gutom na po ako."nakita ko ang pagbaling niya kay Greg at ang pagsama ng tingin niya. Pagkatapos ng almusal namin, agad siyang naglibot sa farm. Wala naman na akong nagawa kundi ang sundan siya. Kinakabahan ako sa tuwing nakikita kong sumeseryoso ang mukha niya habang nakatingin sa mga rosas. "Are you harvesting roses continuously?"napakapormal na tanong niya. "Oo. Hindi magkakasabay ang pagtatanim namin ng mga rosas upang hindi kami mawalan ng stock."paliwanag ko naman, napahinga naman ako ng malalim ng tumango siya. "Can you provide fifty boxes per month?"tanong niya tapos humarap siya sa akin. Nabigla ako kaya napaatras ako pero natisod pa ang likod ng paa ko sa matigas na lupa. Mabuti na lang, mabilis na nahawakan ni Dale ang kamay ko at nahila niya ako papunta sa kanya. Pareho kaming natahimik dahil magkadikit ulit ang katawan namin parang kagabi. Nanatili ako malapit sa kanya. Anong magagawa ko, ang bango niya kaya hindi parin ako makapag-isip ng tama. "Sir!"agad akong dumistansya ng marinig ko ang boses ni Greg. Tumingin-tingin na lang ako sa mga rosas na nasa tabi ko. "Sir, naayos na po ang sasakyan." "Good."rinig kong sagot ni Dale. "So can you provide?"bumalik ang tingin ko kay Dale. Ano ulit 'yun?Anong ipoprovide ko ulit?Umagang-umaga pa lang, may namumuo ng pawis sa leeg ko. "Ah, yung rosas. Oo naman, kaya ko." "Then I'll see you in Manila to sign our contract. Pagpunta mo sa Manila, kailangang kasama mo na ang taong tutulong sa mga tauhan ko sa farm ng kumpanya."tumango ako. Pagkatapos niyang sabihin 'yun, agad na siyang umalis. ****** Dale "Ngayon lang talaga ulit ako nagkaroon ng masarap na tulog."napapikit ako. They've been talking about the farm and Catherine for almost an hour. "Mababait rin naman ang mga tao dun kaya siguro hindi natatakot si Ma'am."nagmulat ako ng marinig ko ang sinabi ni Manong Baste. "Hindi parin ako makapaniwala nang sinabi ni Ma'am Catherine na-"tumigil si Greg at dumungaw siya sa akin. "Pasensya na po Sir, mukhang naistorbo po namin ang pagpapahinga niyo."tumikhim ako. "Don't mind me. Just go on."utos ko sabay tingin sa labas. "Ano ulit ang sinabi ko kanina?"I gritted my teeth as I looked back at Greg. How could he forget in a split of a second?! "Sa sinabi ni Ma'am Catherine kanina." "O yun nga, hindi ako makapaniwala na walang kasama si Ma'am Catherine sa bahay niya."umismid ako. "May kasama siya."nasabi ko. Napalingon sa akin si Greg habang napapreno naman si Manong Baste. "Nakikinig ka pala Sir."I shot my death eyes to Greg. "Do I look like I have no ears."nakita ko ang pagkamot ni Greg sa ulo niya. "Pero wala po talagang kasama si Ma'am Catherine." "She has." "Wala po Sir."tumingin si Manong Baste sa rear-view mirror. "I saw it. May kwarto ng lalake sa bahay niya. O baka nga bahay ng lalake niya." "Talaga po Sir?"hindi na ako sumagot. "Baka naman po kaibigan niya Sir." "No. I'm sure it's her man."sagot ko kay Manong Baste. "Eh Sir kung may relasyon po talaga sila ng lalake, bakit magkahiwalay po sila ng kwarto?"napatigil ako. Right, they have separate rooms. "Kung talagang may kasamang lalake si Ma'am, hindi ba mabuti 'yun para kay Ma'am. At least may kasama siya sa bahay."tumingin ako kay Greg. "Sabagay, totoo naman ang sinabi mo. Baka nga kasal na ulit si Ma'am."I moved back my eyes to Manong Baste. "Hindi, imposible."tutol agad ni Greg. "Paano mo naman nasabi?"nakatuon ang atensyon ko sa dalawang tauhan ko. "Ano. Napansin ko naman na wala siyang suot na singsing."paliwanag ni Greg. "Boyfriend siguro, Sir." "I don't give a damn care."sagot ko kay Manong Baste at tumingin ulit ako sa labas. "Tingin ko rin. Napaka-conservative parin hanggang ngayon ni Ma'am. Diba nga noong mag-asawa pa sila ni Sir, magkahiwalay ang kwarto nila-" "Hindi pa ba kayo tapos mag-usap."putol ko kay Greg. "Tapos na po Sir."pumikit na ako. "I don't want to hear anymore about that woman."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD