Chapter 7

983 Words
Catherine Hindi ako tumalikod, hinayaan ko ang sarili kong panoorin sila Dale at Rina na nag-uusap. Hanggang sa dumako na ang tingin sa akin ni Dale, umayos naman ako sa pagkakatayo ko. Naglakad siya papunta sa kinatatayuan ko. "Dale, alam mo kung ano problema talaga ng farm-" "Nasabi na sa akin ni Rina."saglit akong napatigil pero agad rin akong tumango. "Ganun ba." "Ah, oo. Tinanong na kasi sa akin kaagad ni Dale kaya nasabi ko na, Ma'am."magkasunod na sinulyapan ko si Dale at Rina, medyo gumalaw pa ang labi ko. "Gusto mong ituro ko kung nasaan yung problema sa greenhouse-" "Naipakita ko na kay Dale, Ma'am. Kinuhanan ko na po ng larawan kanina."putol sa akin ni Rina, sumulyap ako sa kanya at tinitigan ko siya. Tsaka ko lang inalis ang tingin ko ng tumikhim si Dale. "May irerekomenda ka bang kumpanya na makapagbibigay ng mga kakailanganin para sa greenhouse. I think it's better if I build new ones for the farm."bumaling ako kay Dale. "Oo meron, tatawagan ko na lang 'yung pinagkukuhanan ko."sagot ko naman. "That's good then."sagot ni Dale at akmang aalis na siya pero pinigilan siya ni Rina. "Aalis ka na?Meryenda muna tayo, may ginawa si Nanay na kakanin."tumingin si Dale sa relo niya. "I have a meeting in fifteen minutes."saad ni Dale, nailagay ko ang daliri ko sa labi ko at pinisil ito, pero patuloy ko parin silang pinapanood. "Sige na, five minutes. Please."bumuntong-hininga si Dale at tinignan si Rina. "Fine pero five minutes lang talaga."agad na tumango si Rina at ngumiti pa tapos nagsimula na silang maglakad papunta sa kubo. Napagilid ang tingin ko ng linagpasan nila ako. "Ma'am, sumama ka narin po sa amin. Meryenda tayo."lingon sa akin ni Rina. At napalingon rin si Dale. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Bigla akong nahiya para sa sarili ko. Heto ang kinatakutan ko noon kaya ako umalis. Alam ko sa sarili ko noon na hindi ko makakayang salubungin ang paghuhusga ng ibang tao at lalo na kung makita kong may ibang kasama na si Dale. Ngayon ko lang napagtanto na kapag pala nakagawa ka ng kasalanan at naibalik sa iyo ito. Kahit pala punong-puno ka ng tiwala sa sarili mo, wala kang magagawa. Tanggapin mo na lang. Lahat. Sabi nga ng iba, kapalan lang ng mukha 'yan. "Sure." Isang salita pero sapat na ito para lunukin ko ang pride ko. Pinilit kong isubo ang kakanin kahit wala akong gana. Sinong matutuwang kumain kung pakiramdam mo third wheel ka. Iniwas ko ang tingin ko sa kanilang dalawa. "Ma'am, kumain ka pa."pinilit ko ang sarili kong ngumiti. At kinuha ang inaabot ni Rina na kakanin. "Rina, hindi mo kailangang tawagan siyang Ma'am."napatigil ako at napatingin kay Dale. "Nakakahiya naman kay Ma'am. Ayoko namang maging bastos sa kanya."naisuklay ko ang kamay ko sa buhok ko. "Oo nga, hindi mo ako kailangang tawagan na Ma'am. Catherine is fine."sagot ko. "Catherine?"nakita ko ang pagtingin ni Rina kay Dale tapos papunta sa akin. "Huwag mong sabihin na-" "Aalis na ako."putol ni Dale kay Rina. "Ikaw 'yung ex-wife niya?" Ex-wife. Tama, ex-wife na pala ako. "Rina."tawag ni Dale sa kanya. "Sorry. Hindi ko sinasadya, nagulat lang ako."ngumiti parin ako sa huli. "Ok lang."sagot ko at ako na ang unang lumabas sa kubo. Ilang ulit akong napasuklay sa buhok ko. Ramdam ko ang panginginig ko. Kaya ilang ulit akong huminga ng malalim. Kaya ko ito, wala lang ito. Makakaya ko ito, hindi ako susuko kahit sino pa ang humarang sa akin. Napaharap ako ng marinig ko ang tikhim ni Dale sa likod ko pero agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya. "I know this will gonna happen that's why I warned you. Dito pa lang sa farm, naganyan ka na. Paano pa kaya kung malaman ng mga nakakakilala sa atin na bumalik ka na."nanatili akong tahimik. "Bumalik ka na sa Tagaytay at pumili ka na lang ng tauhan mong magtatapos ng trabaho mo dito." "Hindi ako aalis."sagot ko. "Nasimulan ko na ito. At wala rin akong pakealam sa mga sasabihin ng aaibang tao. Kung husgahan nila ako, pagsalitaan nila ako ng masama, at kahit ano pang ibato nilang masasakit na salita sa akin. Tatanggapin ko dahil-"tumigil ako saglit. "Dahil deserve ko naman talaga, diba?" "Why do you need to go this far?Alam mo ba sa ginagawa mo, ipinapaalala mo lang lahat ng masasakit na-"huminto siya sa pagsasalita kaya bumaling ako sa kanya. At sa paraan ng pagtitig niya sa akin parang may gusto pa siyang sabihin. Pero hindi ako sigurado kung ano ito. "Ipaalam mo na lang kay Greg ang kumpanyang makakapagbigay ng mga materyales-" "Masasakit na ano?"putol ko sa kanya. Umiwas siya ng tingin at hahakbang na sana siya paalis pero hinawakan ko ang kamay niya. "Ituloy mo ang gusto mong sabihin."sabi ko pa pero tinanggal niya ang kamay kong nakahawak sa kanya. "Alam mo ba kung bakit hinayaan kitang ikaw ang tumulong dito sa farm?Dahil sinabi mong mas mapapadali ang hindi natin pagkikita ulit."seryoso niya akong tinignan. "Ok lang sayo na marinig lahat ng panghuhusga nila. Alam mo rin bang pag-uusapan rin nila ako dahil sa pagpapahintulot kong pumasok ka dito sa farm."napatigil ako sa sinabi niya. "Pero wala na akong magagawa kundi tapusin na lang ito. At sinusubukan ko rin na tratuhin ka ng tama dahil sa kontratang pinirmahan natin. Pero kung pag-uusapan natin ang nakaraan nating dalawa, baka hindi ko maibigay ang respeto ko sayo."napatitig ako sa kanya, at wala akong mabasang kahit na anong ekspresyon sa mukha niya. "Don't forget this one, you came here as my business partner and not as my ex-wife."hindi ako nakapag-salita hanggang sa tuluyan ng umalis si Dale. Napatitig ako sa kanya. Kaya ko ba talagang ibalik lahat? Magagawa ko ba talagang patawarin ako ni Dale? May natitira pa ba talaga kayang pag-asa para sa aming dalawa? Paano ko siya mapapabalik sa akin kung ang pagiging ex-wife ko sa kanya ay ipagkakait narin niya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD