Tinago niya sa pinaka ilalim ng bag niya ang briefs ni Red, aamoy amoyin niya later. Joke ang galing ng timing ng mga pakulo ng lalaki. Walang kupas pagdating sa mga kagagohan nito, sa dami ng pwedeng ilagay sa bag niya brief pa talaga nito. Alam niyang yun ang suot nito nung pumunta ito, malamang wala pang laba iyon. Di naman mabaho dahil inamoy niya kanina. Ito na din naman kasi ang nagsabi na amoy amoyin niya para di niya ito mamiss. "So mabuti naman at naka move on kana sa asawa ko." Di niya namalayan ang paglapit ng kakambal niya sa kanya. Nagkibit balikat siya, balewala na sa kanya ang dating kasintahan kahit isaksak pa ng kakambal niya sa ngalangala nito, wala siyang paki. "Matagal na akong naka move on, ikaw ba naka move on na?" Nakangisi kung tanong dito. "Oo naman, masaya na