Sa malayo palang ay kita na ang mga ulo ng mga tsismosang kapitbahay nila. Alam niyang nakakagulat naman talaga ang entrance niya. Naka sosyal na sasakyan lang naman siya ngayon. At may driver pa lalo pag totohanin ng kumag ang sinabi nitong pamamanhikan. Tiyak na maghihingalo ang kanyang kakambal sa inis sa kanya. Ayaw nito ng nalalamangan, yun ang dahilan na sinabi nito sa kanya ng agawin nito ang dati niyang nobyo. Alam niyang di pa nagtatapos dito ang kanyang grand entrance dahil nasa bukana lang naman ng gate ng bahay nila ang kanyang ina. Tila inaabangan talaga ang kanyang pagdating. "Manong hali po muna kayo para makapag meryenda. Alam ko po na maaga pa kayo unalis kanina." Aya ko dito. "Naku Señorita di po ako pwedeng magtagal." Hingi nito ng paumanhin sa kanya. Inalalayan pa