Masaya siyang nakipag harutan sa mga pamangkin niya, nagkatulong din silang tatlo ng Mama niya at hipag niya na magluto ng kanilang hapunan. Syempre pa ay di siya nakaligtas sa panunukso ng mga ito tungkol kay Red. Di niya lang masabi sabi sa mga ito kung anong klase ng tao si Red. Di alam ng mga ito na isang Rivera ang lalaki, isa iyon na pumipigil sa kanyang landi. Gusto niyang isalba ang kanyang sarili sa posibleng sakit na maging dulot ng lalaki sa buhay niya. Kahit ano kasing gawin niya alam niyang di talaga pwede ang sila. "Wag kang matakot na masaktan, normal lang naman yun sa buhay natin. Kung di mag work, e di hindi." Payo ni Kuya niya sa kanya. "Nakakadala na kasi Kuya." Sabi ko dito, nakatambay kami sa may rooftop ng bahay namin. Mula sa aking kinatatayoan ay tanaw niya ang k