Julianna pov
Mataman niyang tinititigan ang dati niyang kaklase na maldita. Isa na pala itong malnurish na model at medyo sikat na din. Malamang kasi nga kabet daw ito ng isang negosyante na may mga connections.
Napangisi siya sa nabasa. Ikakasal na pala ang babae sa isang mayaman at bilyonaryo na binata. Binatang na malaki ang kauganayan sa kanya, este sa puso niya lang pala. Dati itong nanligaw sa kanya ngunit bigla nalang nag dis appear na walang pasabi.
"Magkano kaya ang huhuthotin mo diyan sa lalaki? kawawa ka naman pogi." natatawa kung sabi.
Kumalampag ang kinahihigaan niya, pagsilip niya ay si Trina at si Aqua ang mga balahura niyang kasabwat sa kalokohan.
"Baliw baliwan kana naman." si Aqua na kumakain ng pagpag choss haha kumakain ng chicken skin.
"Ay pahingi wag kang madamot kaibigan." sabay talon ko mula sa ikalawang palapag ng katre na kinahihigaan ko. Nagtatyaga kaming tumira sa ganito kahit afford naman namin mag hotel? of course men, part of their job.
"Bente kada subo lang kaibigan." sabi nito ng nakawalong subo na siya. kaya naman muntik na niyang mailuwa ang kinain na niya gross right? Pero normal na talaga iyon sa kanila.
"Over price lang ano ka buwaya? barilin kaya kita." sabi ko dito.
"Sus hoy Trina bawasan mo naman ang bangko mo diyan, kahit hapunan lang natin." hirit naman ni Aqua kay Trina.
Likas kasing kuripot ang babae mayaman naman ito kung tutuosin. Yun yata ang sekreto ng mga mayayaman ang pag kukuripot.
"Okay." sabi ng huli na nakisali na din sa amin paglamon. Sabay pa kaming napatingin dito na tila ba ay isang magic word ang sinabi nito.
Dati kasi kailangan nilang daanin sa kamay na bakal bago ito magluwa ng salapi. Meaning matinding diskusyon ang ginagawa nila upang gumastos ito.
"Anyari sayo bro?" taka kung tanong. Nagtataka naman itong nagtanong din.
"Bakit? wala namang nangyari." sabi nito.
"Hello Madam, kilala ka ng sanlibutan at ng kalawakan na pinakakuripot na tao tapos okay lang yung hirit namin?" sabi ni Aqua.
"Bakit di ba pwedeng magbago? kaw a masyado ka sa akin." sabi ng kaibigan.
"Pwede naman, nga pala may bago akong info." sabi ni Trina sa amin.
"Ano naman yun?" tanong ko.
"Kahapon daw may dalawang lalaki na nagpunta dun sa pwesto nila Bridgett." sabi nito.
"Ayaw nila sa atin? ganun? ilang araw na tayo sa panghuhula na yan wala padin. Tapos dun kina Bridgett agad agad meron." si Aqua. Ito kasi ang in charge sa monitoring ng kapaligiran. Iniisip nyo bang worst na ang pagpapanggap ko na manghuhula? aba mas astig ang rule ni Aqua.
Isa lang naman siyang palaboy na baliw at pagala gala sa recto hanggang Morayta, Carriedo at iba pang bahagi ng kamaynilaan.
Kaming dalawa ang mga artista sa group minsan naman kailangan din ng iba na gawin ang ginagawa nila lalo pag hiningi ng pagkakataon kagaya ng last na nag intel sila ay pumasok silang dancer sa isang club apat sila actually. Siya si Bridgett, si G , si Aqua at ako, best experience ever.
"Mas gusto ko yung ginagawa ko ngayon. Nag eenjoy ako haha." sabi ni Aqua.
"Anong Joy sa pamamalimos?" si Trina.
"Binigyan ako ng isang daan kahapon ng poging dumaan. Tapos bhe umihi sa gilid ko ang pogi at ang laki at ang haba. Susko parang ayoko nang mag asawa kung di lang naman ganun kalaki at kahaba." bulalas nito na ikinatawa namin.
"Bwaahahaha abno ka talaga, ilang inches ba?" pang uusisa ko, minsan lang ganitong usapan kaya naman ay nag eenjoy siya.
"Ay Bhe fifty fifty ang mapapasokan nun. Mga nine maugat at mataba tila kakalabas lang mula sa porn sites, sa internet ko lang nakikita ang mga ganern pero best experience ever." sabi nito na patuloy sa pagkain.
"Exag ka lang mag kwento e." sabi ko dito.
"Gagi, Swear legit to kitang kita ko talaga. Parang gusto ko ngang sabihan si Kuyang pogi na 'Wui Kuya pa touch naman.' at hoy Trina natahimik ka diyan. NaKakita kana ng nine inches no?" ngumisi pa ito. Mabilis naman itong nakailag sa sipa ni Trina.
"Siraulo!" singhal nito pero nakatawa naman.
"Beke leng nemen diba. Syempre pag ganyang tatabi kayong matolog ni Sir. Malamang nakita mo na yan diba Bruh?" baling pa nito sa akin.
"Aba Ma- malay ko." sabi ni Trina. Nitong mga nakalipas na araw kasi ay medyo nag lie low na ang kaibigan, mukhang mababawasan na naman sila ng kasama sa grupo.
Muli na namang nanumbalik sa isip niya ang nangyari kahapon. Di niya maiwasang di maisecure sa gandang taglay ng malantod na ex school mate niya. Ang kinis kinis ng mukha nito na tila ba ay manikin. Manikin na kinulang sa kain sa sobrang payat halata din ang retoke ng peke nitong ilong at dibdib.
"Iniisip mo na naman ang nangyari kahapon?" usisa ni Trina na nakatitig sa akin.
"Oo bigla akong nakonsensya." sabi ko.
"Konsensya? Wala ka nun gaga!" sabat ni Aqua, kaya binatukan ko na.
"Sabagay mukhang paniwalain sa hula ang bobeta na yun." Komento ni Trina, yun din ang aking obserbasyon sa inasal ng babae matapos ang hula session nila kanina.
"Hayaan mo na, alalahanin mong peke ka lang na manghuhula. Hayaan mo sya kung aanga anga siya." si Aqua, na kwento ko kasi dito ang ginawa naming kalokohan kahapon. Aking kalokohan lang pala dahil ako lang naman ang nang hula sa babae.
Flashback
Kakatapos lang nilang mag meryenda ng dumating ang babae, di niya ito nakilala agad dahil nagbandana ang babae dala dalawa pa ang alalay nito. Naloka siya ng slight sa haba ng kuko nito na pulang pula.
Chantal Bandros
Nakilala niya ang babae way back high school. Kilala itonh pintasira noon paman at likas na sosyalera. May kaya sa buhay ang pamilya nito, naging kontrobersyal ang babae matapos na ma link sa isang hiwalay mag asawa ng isang sikat na personalidad.
"Magpapahula po kayo Ma'am?" tanong ni Trina. Nakatalikod ako sa mga ito, kunwari ay nagdadasal.
"Isn't obvious?" mataray na sabi nito kay Trina. Kaya napalingon siya ng slight upang masilayan sa malapitan ang retoke nito. Kung kanina sa monitor e gigil siya lalo na ngayon, dahil gigil na gigil na siya.
"Ah pasok na po kayo Ma'am. Madam Juts nandito po may client po tayo." sabi ni Trina, alam kung umiinit din ang tumbong ni Trina sa babae. May matalas na dila anh babae at mahaba habang sungay. Di na nga kagandahan ay maldita pa, sabagay landi landi lang ang labanan. Ang laki ng dibdib nito at pwet kaya naman ay kinababaliwan ng mga kalalakihan.
"Anong ipapahula nyo po madam?" seryuso kung tanong sa babae. Nagmasid masid kasi ito sa pwesto nila, tila ba ay diring diri itong humawak maski sa upoan nila. Alam niyang isang buwan nalang ay ikakasal na ito kay Red na isang bilyonaryo. Di niya alam kung ano ang nagustohan ng lalaki sa babae.
"Gusto kung malaman ang aking kapalaran." sabi ng babae.
Sabagay ilang taon na din naman ng huli niyang makita ang lalaki.
"Upo ka dito at hawakan mo na ang bola ng iyong kapalaran." sabi ko dito. Sumulyap pa muna ito sa babaeng kasama nito, napangisi siya ng mapagsino ang kasama nito. Dati na nitong alipores ang babae.
Kunwari nanginginig siya, kumukumpas kumpas pa siya para kapani paniwala.
"Ikakasal ka," sabi ko.
"Opo," sagot nito na tila nag ilaw ang paligid sa ngiti nito. Marahil ay naiisip nito ang milyon milyon na pang shopping at panglakwatsa nito kasama ang mga kaibigan nito. Nagkatinginan pa ang mga kasama nito at ang babae. Mukhang bilib na bilib sa kanya ang mga ito.
"Naku, babaero ngayon ang nakatakda mong pakasalan, isang pangitain ang nakikita ko, iiyak ka ng bongga dito." sabi ko.
"Po?" sabi nito na ang kaninang masayang mukha ay napalitan ng kalitohan at gulat.
"Maraming babae ito, habang mag asawa kayo ay susumbatan ka ng nakaraan mo." sabi niya rito. Bigla itong tumayo na hindi na niya ikinagulat pa.
"Bayad nyo po!" sita ni Trina ng akmang aalis nalang ang mga ito. Dumukot naman ng five hundred ang kasama nitong babae at iniabot kay Trina.
"Sukli nyo po!" pasigaw ni Trina.
"Keep the change." sabi nito bago dali daling sumunod sa amo nito.
Nagtawanan sila ni Trina ng makaalis ang babae.
End of flashback