chapter 1

1240 Words
"Pahula na po kayo mga Ate, mga inday." sigaw ni Julliana, o Ana sa araw na iyon, siya lang naman ay isang manghuhula na peke kasi ano ba ang alam niya sa ganung bagay? Maski regla nga nya di niya magawang matandaan ang petsa ng pagdating naku naman, nasa isang undercover mission kasi siya at dahil siya ang pinakabaliw sa lahat ay siya ang madalas na gawing mga pain. Yun sila e nung nakaraan ay isa siyang baliw sa mental. Isang agent siya at trabaho niyang lutasin ang anumang kaso na hahawakan ng kanilang agency ang Tigerhead angels at isa siya sa maraming agents nito. Ang Tigerheads ay isang security agency na nagbibigay ng assistance sa mga government issue lalo kung hindi na maresolba ng gobyerno. "Mura lang po di kayo magsisisi!" sigaw ko sa mga taong dumaraan. May mga napapalingon naman sa kanila lalo at sa lugar na iyon ay kabi kabila ang mga nanghuhula. "Sobrang sisi nyo lang!" sabat ng baliw na si Trina kapwa agent din niya at sabay pa silang natawa. Sanggang dikit sila e, kaya ito ang partner niya palagi kung baril ang pag uusapan ito na ang sasagot sayo. Kaya ka niyang barilin ng nakatalikod ito. Walang mintis kaya wag na wag kang magbibiro ng hugot hugot ng baril at may paglalagyan ka dito. "Ano ba yan ang tumal naman, wala tayong pambiling kwek kwek!" nakapalumbaba kung sabi dito, naka makapal na make up ako at si Trina ay ganun din, kasi diba baka makilala nila kami. Lalo at medyo peymos ang beauty ng inyong abang lingkod. Ang bolang kristal na gamit niya ay minana lang naman nila sa isang manghuhula dito na binayaran nila para magtago. Yun ang legit na manghuhula talaga maski sila ay nagpahula din. Pero tinawanan nilang pareho ang naging hula ng babae sa kanila. Isang bilyonaryo ang mapapangasawa niya ayon dito. At si Trina naman ay may magbabalik sa buhay nito. Sa ngayon ang misyon nila ay hanapin ang bugaw na nag ngangalang Dori. Ayon sa kanilang intel ay isang malaking sindikato kasi ang kinabibilangan nito which is the Wanghi group. Ilang mga kabataan na ang kinukuha ng mga ito para sumama sa masasamang gawain ng mga ito. Ang tip sa kanila itong area na kinaroonan nila ang madalas na meeting place nang mga lider. Sa laki at lawak ng galamay ng mga ito hindi sila pwedeng magpadalos dalos. Ilang araw palang naman sila doon, so far nag eenjoy pa siyang manghula dapat si Trina ang huhula pero. "Anong sasabihin ko diyan? kung saan ang trajectory? kung ilang bala ang pwedeng kumitil sa buhay nila? Kung ilang bala ang laman ng isang magazine yun mahuhula ko yun! Kahit nakapikit pa!" kaya ang ending siya, siya na walang malay ang naatasan na manghula. Ngayong araw ay zero pa sila. "Ale, pahula po." wika ng isang dalagitang dumaan. Nagkatinginan kami ng baliw na babae sa tabi ko. "Sige Ne, ano ba ang ipapahula mo?"tanong ko, sana naman e wag mahirap. "Ah may crush po kasi ako ngayon, gusto ko lang malaman kung kami ba ang magkakatuloyan." sabi nito, napa ngisi siya ng lihim, chicken na chicken. "Okay Ineng akina ang palad mo!" Utow ko dito na agad naman nitong iniabot ang kanang palad sa kanya. At ng nakita niya ang malaking M nito na guhit sa palad. Ayon sa training ni Madam Juts, ang dating may ari ng pwesto, pag may M, yayaman ang may palad na iyon, may mga guhit guhit read pa o diba ang taray. "Ay ang ganda ng nababasa ko sa palad mo, ayan o, nakikita kung magiging matagumpay ka sa buhay, kung magsisikap ka at magtatapos ng pag aaral mo." sabi ko dito. "Naku, mabuti po kung ganun." sabi nito. "Sa pera naman, ayan medyo bawas bawas sa kakagasto ng mga kung ano anong abubot, iwasan ang gumala sa mga mall at gastadora ka." sabi ko, nakita ko kasi na maluho ang bata, sus maria santisima ilang necklace kasi ang patong patong sa leeg nito, halata namang peke lahat. "Di ko po kasi mapigilang wag mapagastos e." sabi nito, na nakangiwi. "Sa usaping Nobyo, ayan matagal mo pa makikita ang iyong ka match, wag kang magmamadali at baka mapahamak ka." kita niya ang pag laylay ng balikat nito, malamang e na turn off, haist ayaw niya kasing dumami ang mga batang napapahamak, sa mga love life na iyan, di naman sa better siya, pero ganun na nga, yung fiancee niya kasi, nakatuloyan ng kapatid niya, kaya hanggang ngayon ay nananatiling bokya ang love life niya. "Ganun po ba, naku salamat po sa warning madam, ito po pala ang bayad ko." sabi nito, sabay abot sa akin ng pera. "Sa assistant ko nalang Neng, ang donation." sabi ko, natawa pa ako, kasi naman haist, trabaho lang Ne walang personalan. "Sige, salamat po." sabi nito bago umalis. Nag aper kami ng makaalis ang aming unang kustomer. "Pakabata pa e, may love life na, ikaw nga matanda kana bokya kapa e." biglang sabi ni Trina, na binato ko ng bato sa gilid ng mesa ko. "Gaga, paka mean mo sa akin a, pag ako nagka love life, who you ka sa akin." sabi ko dito. "Sus, yang kutsilyo naman ang ka love life mo." sabi nitot of cutting. Charoot lang, pag patay ang alam niya, masasamang loob nga lang. "At least ito, di ako iiwan, bili kang Milk tea dun." utos ko dito. "Wow a, makautos to Amo ka te?," sabi nito. "Pagkakaalam ko kasi, assistant kita dito, bilis na lalaklak ka din naman." sabi ko dito. "Bitin to, di aabot sa ngala ngala, one hindred lang e." reklamo nito, kaya naman napikitan siyang dumukot ng, isang daan sa bulsa niya. "O ayan ,happy now, yung large ang bilhin mo, wag kang kurakot, pumapatay ako ng buwaya, tama nang kuripot ka lang." sabi ko dito. Ngumisi lang ito, bago tinalon ang harang, bago mabilis na tumawid ng kalsada. Mukha silang mga monghi, iwan ko ba, bakit ganito kapangit ang make up nilang dalawa, di naman ganito ang moke up ng ibang manghuhula dito. May dalawang oras at sampung minuto din bago ito nakabalik, syempre mahaba na naman ang pila sa milk tea shop, ang dami kasing mga estudyante, lalo at parami ng parami pag ganitong rush hour. "Fairness bilis mo a," banat ko dito. "Wala e, chicks din ang crew, di tayo makagamit ng charm." sabi nito, napailing iling nalang ako. "Ano bang balita, hanggang kailan, pa tayo dito?", tanong ko dito, nang kapwa nakaupo na kami. Medyo bulong bulong lang, at baka alam you na. "May mga bagong dating na mga afam." sabi nito. "Talaga?, wala me pakialam sa afam na yan, bakit nakamove on kana?", tanong ko dito. "Gaga, mga afam na member ang ibig kung sabihin." sabay batok sa akin, di naman siya masyadong mapanakit diba. "Ah, okay sorry nag log ang radar ko," natatawa kung sabi dito. "Lagi naman, nga pala may ibibigay daw na bagong kaso si Head Mistress, kay Heather mapupunta, mas okay na muna to, wala ako sa mood makipag barilan e." sabi nito. "Himala, ikaw? hmmn" sabi ko, tila anak na nito ang baril e. "Kaya nga e, nagtataka nga din ako, teka buntis kaba?", tanong ko dito, naibuga naman nito ang iniinom na milk tea. "Gag*, hayp na yan," humagalpak na ako ng tawa. napaubo na kasi ito, iniabot ko ang tubig, kung sa ibang pagkakataon nabogbog na siya nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD