chapter 3

1219 Words
Kanina nga ay usap usapan sa social media ang pag atras ng babae sa kasal. Kesyo may konting mis understanding sila ni Red. Kaya medyo na konsensya siya dahil sumaya siya ng slight ng malamang di tuloy ang kasal ng mga ito. Ito na naman sila ni Trina, balik sa panghuhula, at di gaya ng mga nakaraang araw ay nagkakaroon na ng linaw ang kasong hawak nila. Kaya naman ay panatag siyang ilang araw nalang ay mababalik na sa normal ang lahat. Tinext siya ng kapatid niya, pinapauwe siya sa susunod na buwan sa binyag ng kanyang pamangkin dito at sa ex niyang inagaw nito. Ang kapal pa ng mukhang kuhanin siyang ninang pero di na niya pinahaba pa ang usapan upang tumanggi. Isang maikling 'okay' ang naging reply niya dito. "O anong problema mo?" untag ni Trina. "Binyag na daw ng anak ni Jellie, pinapauwe ako sa probinsya." sabi ko sa seryusong tinig. "Malapit lang naman ang probinsya mo. Kaya mo bang harapin sila?" tanong nito. Alam nito ang kanyang madilim na nakaraan kaya naman di niya kailangang magkunwaring ayos lang. "Bakit naman di ko kakayaning harapin sila, di naman ako ang may kasalanan, sila naman." sabi ko. Apat na taon na ang nakalipas simula ng mangyari ang lahat ng iyon. Nang mabuntis ng nobyo niya ang nakababata niyang kapatid. Masakit ang nangyari na mas ninais niyang lumayo at dinala siya ng kanyang kapalaran sa trabaho niya ngayon. Masalimuot ang mga nakalipas na mga taon para sa kanyang pamilya. Galit ang kanyang ina sa ex niya at sa kapatid niya dahil sa ginawa ng mga ito sa kanya. Ngunit natanggap din kalaunan ng maipanganak ang panganay ng mga ito. At ngayon kakapanganak lang ng kapatid niya sa ikalawang anak ng mga ito. "Sabi mo yan a, so uuwe ka para sa binyag? Baka gawin kang pulutan ng mga marites sa inyo." sabi nito. "Madali lang naman manglaslas ng bunganga ng mga tsismosang kapitbahay." natatawa kung biro. "Magdala ka ng boylet pag uwi mo para masaya." sabi pa nito na tumabi sa kanya ng upo. Sinarado nila ang pwesto kahit nasa loob sila, balak nilang matulog ngayon dahil nag iinom sila kagabi. Nakamonitor naman si Dria at si Aqua sa labas. "Saan ba yan nabibili?" tanong ko pa na natawa. "Sa kabilang kanto maraming estudyanteng gipit ngayon. Pili kalang kung ano ang tipo mo." sabi pa nito. Di naman siya interesado sa mga sasabihin ng mga kakilala pag uwe niya. Sanay na siyang matsismis kaya uuwe siya. Wala naman kasalanan ang pamangkin niya, nung nakaraan na na hospital ito ay nag abot pa siya ng pera. "Baliw, ayos lang ang mag isa ko na puntahan ang mga ito." sabi ko. Which is ayos lang naman talaga, nung una awkward syempre pero kalaunan ay natanto ko na di naman ganun kalalim ang pagmamahal ko sa aking bayaw. Red pov Mainit na mainit ang ulo niya matapos na makita ang nobya niyang ka date ang isang politiko. Samantalang kahapon lang naman ito umatras ng kanilang kasal. Wala man lang matinong reason. "Di pwedeng di matuloy ang kasal ko." inis kung bulyaw. Wala na akong pakialam basta matutuloy ang kanyang kasal. "Di niyo pa naman na confirm na si Chantal ang bride mo diba?" sabi ni Jhai na nakaupo sa harap niya. "Yes pero halata naman na siya ang nakalagay sa blind item na yun." himutok ko. Nakasalalay ang kompanyang ilang taon na pilit kinamkamkam ng mga kaanak niya. "Magagawan natin ng paraan, anyway anong balak mo kay Chantal hahabulin mo paba?" untag ni Dustin na kumakain ng caseuw nuts. "No, she is just a slut pero gusto kung malaman kung sinong kaanak ko ang nagsuhol sa kanya para umatras." sabi ko na tiim ang bagang. Alam niyang maluho ang babae malamang ay nasilaw ito sa salapi. "Sabagay if I were you di ko na ipagsisiksikan ang sarili ko dun. Baka magulat nalang kami e may aids kana." Si Hans. Naisip niya rin ang bagay na iyon, simula ng maging sila ng babae ay gumagamit talaga siya ng proteksyon lalo at may mga iba ibang lalaki na karelasyon ang babae. Ayaw niyang magkaroon ng STD ng wala sa oras. "Yeah, please investigate my friend, how much?" baling niya kay Ryon na sumisipol sipol. "How about buying one of my rest house in Baguio-" sabi nito. "Fine consider it sold." sabi ko nalang, sabik na sabik na siyang maghiganti sa kung sinoman ang kakontsaba ng dating nobya. At nang araw na iyon ay nakuha naman namin ang impormasyon na kinakailangan namin. Inakit ng isang agent ang alalay ng babae upang matanong ito kung saan nagpunta ang kasintahan nung nakaraang araw, na naging dahilan upang umatras ito sa kanilang nakatakdang kasal. Gusto niya ding malaman ang talagang rason kung bakit ito umurong gayong kulang nalang ay gumulong gulong ito ng mag propose sya. "Pumunta daw ng Quiapo at nagpahula." sabi ng tumatawang si Ryon. "What the- manghuhula?" tanong ko pa baka sakaling mali ang aking narinig. "Yes a fortune teller." sagot nito na lalong ikinainit ng ulo niya. "Naniwala siya isang Fortune teller, at ipinagpalit ang kasal dahil lang dun. That idiot girl!" inis na inis siyang napahilamos. Maybe its a good thing na di matutuloy ang kasal niya dito, ayaw niyang makapag asawa ng boba. Tiyak na kukutyain din siya ng mga kakilala once na malaman na ito ang bride niya. "And that fortune teller is a fake one." sabi pa nito. "Fake?" nakuha ang interes niya sa kaalamang peke ito. "Yes a fake seeir, a beautiful fake seeir." puno ng kaaliwan ang mukhang sabi nito. Kunot ang noo na napatitig siya sa dalawa, Gio and Ryon. "Remember Julliane? Siya anG fake seeir na nakausap ni Chantal." sabi ni Gio. Muling nagbalik sa alaala niya ang babaeng kanyang kinahumalingan noon, college days ng makilala niya ito. Masungit ito sa lahat lalo na sa kanya kaya na challenge siya dito. Niligawan niya ang babae ng ilang buwan, ngunit naudlot ang lahat ng magpasya ang pamilya niya noon na mag migrate sa America for some reason. Alam niya noon na kung nag stay pa siya ng matagal tagal e baka nagkaroon sila ng relasyon. "Julliane Castro?" tanong niya, gusto niyang makasiguro na ito nga. Dahil may naiisip siyang bagay na nararapat para sa babae. "Mismo bro, ang babaeng muntil mo ng matuloyan noon." sabi ni Gio. Napangiti siya ng maalala ang maganda at ang maamo nito mukha. Ang malapurselana nitong balat at ang mga mata na tila ba ay laging nag aapoy sa tuwing inaaway siya. "So, is it her job?" tanong ko sa mga ito, gusto niyang maging madali ang plano niya. Kaya kailangan niya ng mga detalye na makakatulong sa kanya. "No, she is part of the tigerhead." si Hans. Napanganga siya sa nalaman, being in Tigerhead is something. Di basta bastang maging kabahagi ng organisasyon. Di niya lubos maisip na nasa tuktok na ng ilong niya ang babae. "Part of survaillance? Oh what a small world. Hmmmn tingnan ko kung hanggang saana ng kaya nitong depensa." sabi ko. "What do you mean?" tanong ni Dos. "I want her to be my bride now." sabi ko na tila siguradong sigurado. "Wow sana all pwedeng turo turo lang ang bride." sabi ni kristan. "Just see it yourself guys." makahulogan kung sabi sa mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD