LABAN 2

1062 Words
"Ice Reyes!" bigla akong napalingon sa tumawag sa aking pangalan. Gumanda rin ang ngiti ko nang makita ko kung sino ito. "Ano'ng balita? Wala bang laban mamayang gabi?" tanong ko kay Bombie. Ito ang naging kaibigan ko rito sa kalye at tumulong sa akin noong mga panahon na wala akong matulugan. Kaya sobrang laki ng pasasalamat ko sa babaeng ito. "Mayroon, kaya nga pumunta ako rito upang ipaalam sa 'yo. Saka maraming tao ang pupunta mamaya para tumaya. Sayang din kung sakaling ikaw ang mananalo," saad sa akin ni Bombie. "Sige, lalaban ako mamayang gabi. Sayang ang pera na makukuha ko roon. At kapag ako ang nanalo ay hindi muna ako mamamalimos," nakasimangot na wika ko. Hindi naman ito nagtagal at agad na umalis din sa aking harapan. Muli akong naupo sa bangketa at inilagay ko ang lata sa aking harapan. Baka sakaling may maawa sa aking. Tatlong buwang na pala ang nakakalipas simula nang umalis ako sa bahay ng aking ama. At heto ako ngayon sa lansangang at nagpapalaboy-laboy. Pero mas gusto ko ang ganitong buhay walang magmamando sa akin at pumupuna sa mga gagawin ko. Pumapasok din naman sa aking isipan kung kamusta na aking ama? Pero ayaw kung umuwi sa bahay. Makikipagmatigasan ako sa akin ama. Saka na lang ako babalik kapag nakalimutan na ni papa ang ipakasal ako sa lalaking mafia lord na iyon. "Magnanakaw, magnanakaw!" napatingin ako sa isang babae na sumisigaw. Bigla naman kumunot ang noo ko nang makita kong papalapit sa pwesto ko ang lalaking may dala-dalang bag. Alam kong ito ang hinahabol ng babaeng sumisigaw. Saktong paglapit ng lalaki sa aking pwesto ay agad kong iniharang ang aking paa sa daraanan nito. Naikinatumba naman ng huli. Muli ring umigkas ang isang paa ko patungo sa mukha ng magnanakaw na ngayon ay nakahiga na sa lupa. Nakita ko ang babaeng may-ari ng bag at mabilis itong lumapit sa lalaki. Mayamaya pa'y may mga dumating na rin na mga pulis upang hulihin ito. Laking pasasalamat naman sa akin ng babae dahil sa ginawa kong pagtulong sa kanya. Mas nagulat ako nang maglabas ito ng pera at ibigay sa akin. "Huwag na po, dahil hindi po ako nagpapabayad sa aking ginawang pagtulong sa 'yo," pagtanggi ko sa perang inaabot nito sa akin. Ngunit sadyang makulit ang babae. Sapagkat kinuha nito ang aking kamay upang ilagay roon ang pera. Hindi na ako nakatanggi dahil agad itong umalis sa aking harapan. Tiningnan ko ang perang hawak ko at nakita kong malaki-laki rin iyon. Umikot ang mga mata ko sa buong paligid. Napangiti ako nang mamataan ko ang tatlong bata na nagkakal-kal sa basurahan. Pumunta muna ako sa karenderya para bumili ng makakain ng mga musmos na bata. Tama lang ang aking gagawin. May patutunguhan naman ang pera na ibinigay ng babae at ito ay mapupunta sa talong bata. Nakaramdam ako ng habag para sa mga ito. Lagi ko rin kasing nakikita sila rito para maghanap ng makakain. Pagkatapos kong makabili ng mga pagkain para sa mga bata ay lumapit na ako sa mga at ibinigay na sa mga ito. Nakita ko sa mukha ng mga ito ang labis natuwa. Nalaman ko ring kanina papala sila nagugutom. Hindi naman ako nagtagal sa harap ng mga ito. Nagmamadali ang mga hakbang ko para makarating sa aking pupuntahan. Walang takot na pumusok ako sa loob ng squatter. Nakikita ko ang mga tambay sa aking daraanan. "Bilisan mo Pulubi dahil nagsisimula na ang laban!" sigaw ni Mang Kanor sa akin nang makita ako. "Ayos lang po iyon! Kahit panghuli na ako sa laban!" balik sigaw ko rito. "Basta, huwag mong kalilimutan ang balato ko oras na ikaw ay manalo!" pasigaw na sabi nito sa akin. "Huwag po kayong mag-alala akong bahala sa 'yo!" bulalas ko sa mantada. Nababanag ko naman sa mukha nito ang tuwa dahil sa aking sinabi. Nagpatuloy ako sa paglalakad at habang papalapit ako ay naririnig ko na ang mga taong nagsisigawan. Alam kung nag-uumpisa na ang tunggalian sa gitna ng boxing ring. Papasok pa lang ako ay agad akong sinalubong ni Henry Santos. Isa ito sa mga taong nagmamanage sa lugar na ito. Pero labis din silang nag-iingat dahil baka may mga pulis ang makaalam sa lugar na ito. Lalo na at ilegal ito. Mga piling tao lang din ang puwedeng makapasok dito. "Lalaban ka ba, Pulubi?" tanong nito sa akin. "Oo, dahil wala akong datong ngayon. Sino ba ang makakalaban ko?" tanong ko kay Henry. Bigla nitong itinuro ang isang babaeng puro tattoo ang mga braso. Nakatingin ito sa akin at nagsinyas pa sa leeg nito na ang ibig sabihin ay katapusan ko na. Masyadong mayabang ito base sa itsura nito. "Mag-iingat ka dahil kapag ang babaeng 'yan ang nakikipaglaban ay talagang tinutuluyan niya," pagbibigay ng babala sa akin ni Henry. "Salamat sa paalala. Pero teka, magkano naman ang makukuha ko oras na manalo ako rito?" "Sampung libo," mabilis na sagot sa akin ni Henry. "Mukhang malaki ang magiging premyo ngayon, ah?" "Yes, malaki nga dahil mayroon isang tao ang manonood ngayong gabi. Ang nakakatuwa pa ay sa iyo siya pumusta kaya galingan mo, Pulubi." Hindi na ako nagsalita. Pero nagbigay ako ng isang ngisi na nagpapahiwatig na ako ang mananalo sa laban na gaganapin. Hindi naman nagtagal ang paghihintay ko. At tinawag na nga ang pangalan ko, ganoon din ang magiging katunggali ko. Nakita kong nagmamadaling pumunta ang babaeng kalaban ko sa loob ng boxing ring. Hindi rin naman ako nagpahuli at agad na pumunta roon. Pero nagulat ako nang mamataan kong aataki ito sa akin. So, may halong daya pala ang laban na ito? Wala pa namang hudyat para magsimula na. Pero gusto na agad tapusin ng laban ko. Mabilis akong umiwas sa madayang pag-atake nito. At muli ay nakita ko na namang pasugod ang babaeng kalaban ko. Kaya naman nakipagsabayan na ako rito. Hindi naman ako papayag na magpatalo o mapuruhan nito. Maliksi kong nakita ang kamao nitong lumilipad patungo sa aking mukha. Kaya naman, itinaas ko rin ang aking kamao para salubungin ang suntok nito. At paglapat ng mga kamao namin ay narinig ko rin ang sigawan ng mga taong pumusta sa aming dalawa. Ngunit sabay kaming napatingin nang biglang sumigaw ang isang lalaki. "May paparating na mga pulis!" sigaw nito habang tumatakbo. Hindi na ako nag-isip at walang takot na tumalong sa ibaba ng boxing ring upang makaalis agad sa lugar na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD