Chapter 9

1672 Words
“KUMUSTA ka, Yumi?” nakangiting tanong ni Carlo sa kanya. “I’m okay. I… uh… I went to Mikee’s wedding.” He looked at her unbelievably. “Really? Nakaya mo?” hindi makapaniwala na tanong nito. She smirked. “Kinaya. Kailangan ko kayanin. Iyon lang ang alam ko na paraan para matapos ang relasyon namin. Noong una, gusto ko pa nga na kausapin siya at ipakita ko sa kanya na galit ako at alam ko ang panloloko niya. Gusto ko siyang sumbatan. Pero nang makita ko siya na masaya, parang natunaw lahat ng plano ko. I just cried and watch. I even smiled at him.” “Nakita ka niya?” “Yes. He was so shocked when he saw me and cried. Pero umalis na rin ako pagkatapos niya akong makita. Siguro sapat na iyon para maiparating ko sa kanya na tapos na ang lahat sa amin.” “So, how are you now?” Ngumiti siya at nagkibit-balikat. “I’m way better now, doc. Gumaan ang dibdib ko pagkatapos ng araw na iyon. Iniyak ko na lahat nitong nakaraan tatlong araw. So, I’m officially single now. Saka, maraming salamat pala ulit,” sagot niya. Tumayo ito at sumenyas na maupo siya sa hospital bed. “Nah, I did that as a friend.” Pagkatapos ginawa nito ang basic general check-up sa kanya. He checked her eyes and throat. He also checked her neck and abdomen to see if there’s lymph nodes. Pagkatapos ay may pumasok na nurse at kinuha ang blood pressure niya habang nagsusulat sa chart si Carlo. Matapos sabihin ng nurse ang kanyang BP ay muli itong lumapit sa kanya ay nilapat ang stethoscope sa kanyang dibdib. “Hinga ng malalim,” mahina ang boses na sabi nito. Habang ginagawa nito ang mga iyon, hindi niya mapigilan na sundan ng tingin ang kilos nito. Her heart beat faster when he suddenly looks and stare at her directly to the eyes. “Ang bilis ng t***k ng puso mo ah, nahihirapan ka bang huminga?” tanong nito. “N-No. I’m okay,” kabadong sagot niya. Matapos iyon ay nilipat nito ang stethoscope sa kanyang likod. Ilang sandali pa, matapos iyon ay muli siyang pinabalik nito sa upuan sa harap ng mesa nito. “Kumusta na po siya, Doc?” tanong ni Diane na kasama niyang pumunta doon. “Sa ngayon, maayos naman ang puso niya. Stable at normal. Gaya ng dati, mahigpit kong bilin, iwasan ang mga tao o bagay na makakapagbigay sa’yo ng stress physically at emotionally, okay? Huwag kang magpapagod ng husto,” makahulugan na sabi nito. Natawa sila ni Diane nang makuha ang ibig nitong sabihin. “Opo.” “Iyong mga gamot mo, take them on time, at iwas pa rin sa mga bawal na pagkain.” “Yes, doc,” sagot niya. “Huwag po kayong mag-alala, ako po mismo ang naghahanda ng gamot niya,” sabad naman ni Diane. “Very good.” “Doc, may balita na po kung may nakita nang heart donor para sa akin?” mayamaya ay tanong niya. Isang malungkot ngunit matipid na ngiti ang sinagot sa kanya ni Carlo. “I’m sorry, hanggang ngayon kasi ay wala pang nakikitang donor. But don’t worry, you’re now at the top of the list. Kaya kung mayroon man na dumating, ikaw ang tatawagan.” Bumuntong-hininga. “Hindi ba parang ang sama ko naman? Iyong paghihintay ko ng heart donor, para ko na rin sinabi na naghihintay akong may mamatay na isang tao para lang humaba ang buhay ko?” “Yumi, no, please don’t say that,” mabilis na sagot ng doctor. “Hindi ka ganoon, okay? Nagkataon lang na nauuna sila sa atin, at sa hanggang sa huling sandali, gusto pa rin nilang makatulong sa ibang tao sa pamamagitan ng organ donor. Pero hindi dahil ikaw ang recipient, masama ka na. So, please, stop thinking about it.” Matipid na ngumiti si Yumi at marahan tumango. “Yes, doc. Thank you.” Naiintindihan niya ang sinasabi ni Carlo. Pero may mga pagkakataon talaga na hindi niya maiwasan isipin iyon. Matapos ang kanyang check-up ay una nang lumabas si Diane mula sa private clinic ni Carlo nang may tumawag sa phone nito. Nang maiwan silang dalawa ay saka nilabas ni Yumi ang isang rectangular glass box mula sa paper bag na kanina pa nila dala. “I have something for you,” sabi niya. “Ano ‘yon?” Nilabas niya sa paper bag ang dala. Nanlaki ang mata nito nang makita ang nasa loob ng glass display box. It’s Carlo’s clay doll. Dinisenyo niya ang ceramic doll ayon sa eksakto itsura ng mukha ng lalaki. Maging ang ayos ng buhok ay gaya sa buhok ng binata. Nakasuot ito ng scrab suit at white lab gown gaya nang unang beses silang nagkakilala pagkatapos ay may stethoscope na nakasabit sa leeg nito. Nilapag niya iyon sa ibabaw ng mesa nito. “Wow,” manghang bulalas nito habang hindi inaalis ang pagkakatingin sa clay doll. “I made it. Wala naman din kasi akong ginagawa sa bahay itong weekend kaya naisipan ko na gumawa nito at ibigay sa’yo, bilang pasasalamat lang din. Simula nang magkakilala tayo, you always take good care of me. Hindi mo lang ako tinatrato bilang pasyente mo, but also as a friend. I really appreciate you for always being there and giving me advices. I mean, from a man’s perspective. It’s a big deal.” Ngumiti ito at tumingin sa kanya. “Thank you. I’ll make sure to take good care of this. At alam mo bang maraming ganitong dolls sa bahay namin? When my mom is still alive, gustong-gusto niya ang mga ganitong dolls, bumibili siya at ginagawang collection, madalas nga iyon bumili online.” Nanlaki ang mga mata niya sa gulat. “Wow, really? That’s great. I wish I can see your mom’s collection. Bihira lang kasi ang may hilig sa ganitong klaseng dolls. Medyo mahal kasi ang presyo talaga dahil sa materials.” “I know. Ang pangongolekta n’yan ang isa sa hobby niya. Kung mga lalaki ang kinokolekta mga action figures, si Mom naman ganyan. Hayaan mo, isang araw dadalhin kita sa bahay ng parents ko para ipakita sa’yo. Nasa antipolo kasi talaga ang bahay namin.” Napalitan ng saya at excitement ang nararamdaman ni Yumi. As a ceramic doll maker and as someone who loves clay dolls. It gives her too much excitement to know that there’s someone else who has the same interest as her. Sayang lamang at hindi na niya makikilala ang mommy ni Carlo. “Sure, I would love to, basta sabihin mo sa akin anytime.” “Sayang, hindi mo na makikilala si Mommy. Sigurado akong magkakasundo kayo no’n.” “Oo nga eh, sayang, minsan lang ako makakilala na mahilig din sa ganitong clay doll.” “But this gift is too much, Yumi. Pero hindi ko rin tatanggihan ito. Masyado itong maganda para hindi ko tanggapin. Isa pa, ayokong masayang pagod mo,” sabi pa nito at nilagay sa ibabaw ng drawer sa likod ng swivel chair nito iyon. “Bagay ba dito sa clinic ko?” tanong pa ni Carlo. Bakas sa ekspresyon ng mukha nito ang saya. “Super bagay,” hindi nawawala ang ngiti na sagot niya. “Salamat at nagustuhan mo.” “No. Thank you,” sa halip ay sabi nito. “Iingatan ko ‘to.” Doon siya tumayo at nagpaalam. “Sige mauna na ako.” “Okay, mag-iingat ka.” Palapit pa lang siya sa pinto nang humabol si Carlo at hawakan siya sa kamay. Agad napalingon si Yumi sa binata. “May nakalimutan ka pang sabihin?” nagtatakang tanong niya. “Uhm… o-on weekend, I was just wondering if you’re free.” Kumunot ang noo niya. Mayamaya ay napangiti siya nang makuha ang gusto nitong sabihin. “Bakit? Gusto mo akong yayain lumabas?” Nahihiyang napangiti si Carlo. “Parang ganoon, kung puwede ka lang naman.” Bumuntong-hininga siya. “Bilang kagagaling ko lang sa heart break, literally. I just want to make sure you’re single and not dating anyone.” Tumawa ito. “Look, I’m not your ex-boyfriend. Hindi ako maglalakas loob na yayain kang lumabas kung may girlfriend o asawa ako. I’m your doctor, alam ko kung anong makakabuti at makakasama sa’yo.” Kunwari’y pinaningkitan niya ito ng mata. “Hmmm… so, ang ibig sabihin ikaw ‘yong makakabuti para sa akin?” pabirong tanong niya. Nagkibit-balikat ito. “Sa iyo na galing ‘yan,” pabirong sagot nito. “Fine. I’ll go out with you. Just text me when and what time.” Natawa ulit si Yumi nang tila nakahinga ito ng maluwag. “Thank you. I’ll keep in touch,” sagot nito. “I’ll go ahead.” “Okay. T-Thanks again, for the doll.” “You’re welcome.” Habang naglalakad palabas ng ospital. Hindi maiwasan isipin ni Yumi si Mikee. Simula nang huli nilang pag-uusap doon sa kanyang condo ay hindi pa rin sila ulit nag-uusap. Hindi alam ni Yumi kung alam na nitong alam niya ang relasyon at kasal nito kay Celine. Ang kuwento lang kasi ni Lia sa kanya ay nagka-salubong si Mikee at Michael sa eroplano na. Pero hindi nito nabanggit kung kasama ni Mikee si Celine ng oras na iyon. Pero sa tuwing naiisip niya na hindi man lang nag-eeffort ang lalaki na tawagan siya hanggang ngayon, lumalabas na wala itong balak sabihin sa kanya ang tungkol sa nangyayari sa buhay nito. Mukhang plano nitong patuloy na bilugin ang ulo niya. But after seeing Mikee with her friend personally, it’s enough reason for Yumi to finally let go and moved on. Isa na lang ang gusto niyang mangyari sa pinakahuling pagkakataon. To give Mikee the taste of his own medicine. Naging mabait, maunawain at mapagbigay masyado si Yumi sa nakalipas na tatlong taon. Nagtiis siya sa mga tira-tirang oras at atensiyon nito pero sa huli siya pa ang niloko. Mayumi will stop being a good girl this time.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD