Chapter 8

1061 Words
“PUWEDE pa tayong umatras, Yumi? Sabihin mo na ngayon pa lang,” baling sa kanya ni Mylene bago sila bumaba ng kotse. Lumingon siya sa simbahan, ang lugar kung saan nagsisimula na ang seremonyas ng kasal ni Celine. Her heart is pounding hard at that moment. Nangingilid na ang luha sa mga mata niya. Mula doon sa loob ay nakikita niya si Mikee, nakasuot ng amerikana, ang ganda ng ngiti nito habang nakikipag-usap sa mga kaibigan. Ang mommy nito’y panay ang ayos sa necktie na suot ng lalaki. At habang pinagmamasdan niya ito ay lalong bumibigat ang kanyang dibdib. Part of her is envious, but also part of her is angry at him. Mula ng malaman niya ang relasyon nito kay Celine, doon napagtanto ni Yumi na wala siyang halaga kay Mikee. She’s nothing but a reservation. Pupuntahan kung kailan lang siya nito kailangan. Makikipagkita, magtetext o tatawag kung kailan lang siya nito maalala. Noon pa man ay nagtataka na siya, sinasabi sa kanya nito na mahal na mahal siya nito at huwag siyang aalis sa buhay nito. Pero nagagawa nitong matiis na hindi siya makita o makausap man lang ng ilang buwan? Iyon pala ay nalilibang na ito sa kandungan ng ibang babae, ang mas masakit pa ay sa kaibigan niya. And to make the situation worst, walang kaalam-alam ito na niloloko din ito ni Mikee. “Kailangan kong gawin ‘to, Mylene. Kailangan harapin ko siya. Kailangan ko ipakita sa kanya na alam ko na ang panloloko n’ya. Gusto kong ako ang pumutol ng relasyon namin. Kahit sa parteng iyon man lang, maibangon ko ang sarili ko at magawa kong bawiin ang mga panahon na pinagmukha niya akong tanga. I know coming here is not necessary. But I want to do this. For the sake of my own peace mind. Para maka-move on na ako at maalis ko na siya ng tuluyan sa sistema ko.” Hinawakan ni Mylene ang kamay niya at naiiyak din na ngumiti. “Nandito lang ako, ha? Sabihin mo lang sa akin kung aalis na tayo.” “Okay,” garalgal na sagot niya. Pagbaba ay hindi siya nagpakita kay Celine. Ang usapan nila ay sa gilid ng simbahan siya dadaan para pumasok sa loob. Habang si Mylene naman ang nagpakita kay Celine na naghihintay sa loob ng bridal car. Pumwesto siya sa pinaka gilid ng aisle. Gusto ni Yumi na gulatin si Mikee. Gusto niya na kapag naglakad ito papunta ng altar ay siya agad ang makita nito. She wants to distraught him on his wedding day. Patawarin siya ni Celine sa gagawin pero ngayon ay hindi na muna niya iisipin ang ibang tao. Sa unang pagkakataon, kahit ngayon, iisipin naman niya ang sarili at gagawin ang kanyang gusto. Ilang sandali pa ay dumating na si Mylene. “Magsisimula na,” bulong nito. “Okay.” Kumabog ng mabilis ang kanyang dibdib nang magsimula ang wedding song. Nang magsimulang maglakad si Mikee palapit ay hindi na napigilan ni Yumi ang emosyon niya. Namalayan na lang niya ang sarili na umiiyak. Nang malapit na si Mikee kung saan siya nakapuwesto, doon nagtama ang mga mata nila. His face literally turned pale. Napahinto ito sa paglalakad at natulala na nakatingin lang sa kanya. Then, he cried. No words. Nothing but tears. Ang buong akala ni Yumi ay hindi na siya masasaktan ng ganoon dahil nakita na niya ang dalawa ng magkasama. Pero nanumbalik ang sakit, wala nang mas sasakit pa na siya mismo ang makasaksi ng ikasal ang lalaking mahal sa ibang babae. Just few weeks ago, when he spent his free time with him. They kissed, made love and ate together. Masaya pa sila nang gabing iyon. But only to find out after that he’s marrying another woman, or her friend to be exact. Isang bagay na minsan niyang pinangarap para sa kanilang dalawa. Ang akala niya ay mangunguna ang kanyang galit para sa dating nobyo. Ang plano niyang sumbatan at kausapin ito para tuldukan ang kanilang relasyon ay naglahong parang bula. Instead, she just found herself smiling at him in tears, then mouthed… “Congratulations.” Nagpatuloy ito sa paglalakad pero hindi nito inalis ang tingin sa kanya hanggang sa makalagpas ito. Doon siya tumalikod. “I’m leaving,” bulong niya kay Mylene. Hindi na hinintay pa ni Yumi na sumagot ang kaibigan. Basta na lang siya naglakad palabas ng simbahan habang patuloy na nagtatangis ang kanyang puso at hilam sa luha ang mga mata niyang pagod na rin sa pag-iyak. Sa bawat paghakbang ni Yumi palayo kay Mikee ay ang tuluyan na rin niyang pamamaalam dito. Sa tatlong taon na inakala niyang perpektong relasyon ngunit puno pala ng kasinungalingan. Siguro nga sinadya na rin ng langit na mangyari ang lahat ng ito. Nang sa ganoon ay mailigtas siya sa mas malaking gulo at para hindi siya masaktan ng mas malala. Marahil hanggang doon na lang talaga ang lahat para sa kanilang dalawa. Sa kabila ng ginawa sa kanya ni Mikee, hindi maaaring itanggi ni Yumi na minahal niya ito ng buo. Pero dumating na ang oras para isarado na niya ang libro ng kuwento nilang dalawa. Nang makarating sa pinaparadahan ng kotse, kumapit siya doon at saka nilabas ang lahat ng sama ng loob. Sa pagkakataon na iyon ay hindi niya pinigilan ang sarili at hinayaan na umiyak ng malakas. Emosyonal din na lumapit sa kanya si Mylene, kasunod niyon ay niyakap siya ng mahigpit nito. Sa mga bisig ng kaibigan ay doon umiyak ng umiyak si Yumi. “Sige lang, iiyak mo lang.” “Para akong tanga… ang tapang ko pang pumunta dito,” sabi pa niya habang patuloy na umiiyak. “Sabi ko naman sa’yo eh, hindi mo kailangan pumunta dito. Madali naman magdahilan kay Celine eh.” Umiling siya. “I… I have to… kailangan… kailangan ko… gawin ‘to… para… para sa sarili ko. Para may dahilan na ako para bumitaw…” pautal-utal na sagot niya matapos makaramdam ng unti-unting paninikip at hirap sa paghinga. “Sumakay ka na,” sabi pa nito nang mapansin na bumibigat at sunod-sunod na ang paghinga niya. Pagsakay nila sa kotse ay inabot nito sa kanya ang mga gamot niya. “I’ll take you to doctor De Luna.” Hinawakan niya ito sa braso at umiling. “I’m okay, just take me home,” garalgal pa rin na sagot niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD