Chapter 7

1329 Words
“NGA PALA, kumusta ka na?” tanong pa nito. Napahinto si Yumi sa pagkuha sana ng pagkain gamit ang chopstick. Dinala siya ni Carlo sa isang Japanese Restaurant. Saglit pa niyang pinag-isipan ang isasagot. Bigla ay hindi sigurado si Yumi kung okay ba siya. “Tagal mo naman sumagot, hindi ka sure kung okay ka?” sabi pa ulit nito na para bang nahulaan ang kanyang iniisip. “Ewan ko, ang hirap kasing sabihin na oo, okay ako, tapos hindi naman pala. But if there’s one thing, I am sure right now, that is I’m way better than the last time we talked.” Napangiti si Carlo. “Sounds good enough.” “I owe that to you Doctor De Luna, kung hin—” “I told you, it’s Carlo, kapag wala tayo sa ospital.” Marahan siyang natawa nang maalala ang sinabi nito. “Right. Sorry. Carlo. As I was saying, kung hindi dahil sa’yo, baka hanggang ngayon nagmumukmok pa rin ako.” “Masaya akong nakatulong sa’yo sa personal na bagay.” “Nakatulong ‘yong mga advices mo sa akin, pati ng mga kaibigan ko. I realized that you guys are right, I should not dwell on the negative. I’m trying to slowly, one step at a time.” Tumango-tango ito. “Do you still love him?” Bahagyang nabigla si Yumi sa tanong na iyon. It is a straightforward question that she doesn’t expect to hear from him. But she also knows, sooner or later, she needs to face that question. “Oo,” deretsong sagot niya. Matipid na ngumiti si Carlo at umiwas ng tingin saka tumango tango. “Right. Hindi naman agad mawawala iyon,” sabi pa nito. “Naiiyak pa rin ako kapag naiisip ko siya. Nasasaktan pa rin ako sa tuwing naalala ko kung paano niya ako sinaktan. Namimiss ko pa rin siya sa tuwing naalala ko ‘yong mga panahon na masaya lang kami. Pero alam mo kung anong nakakatawa sa kabila ng mga naiisip ko na ‘yon? Naroon na ako sa punto na kahit ganoon, dumating na ako sa punto na ayoko na siyang makita, na ayoko na siyang mamiss, ayoko na rin masaktan, at ayoko na rin siyang mahalin.” “That’s great, Yumi. That is such a big improvement,” puri nito sa kanya. “And some of it, I owe it to you,” bigla niyang dugtong na pinagtaka nito. “Me? In what way?” naguguluhan na tanong nito. Huminga ng malalim si Yumi. “Ngayon ko lang din na-realized bago mo i-open ang topic tungkol kay Mikee. Kapag kasama kita, nalilibang ako, naalala ko ulit kung paano maging masaya at tumawa. Nakakalimutan ko siya. Hindi ko nararamdaman na may sakit ako. I felt safe when I’m with you, Carlo. Maybe because you’re my doctor, but aside from that, I just knew I found a special friend in you.” Marahan itong natawa. Sumunod siyang natawa dahil biglang namula sa hiya ang mukha nito. “Oh my gosh, Carlo, you’re blushing!” puna pa niya. “Ay!” reaksyon lang nito at pilit na iniwas ang mukha habang tumatawa. “Hayaan mo na kasi ‘yon,” nahihiya pa rin na sagot nito. “But really, salamat ng marami.” Nakangiti na muling sinalubong siya ni Carlo ng tingin. “I’m happy that I get to help you in that way. Ang gusto ko lang naman talaga ay gumaling ka. I mean, a guy as jerk as him isn’t worth it of your life, right?” Natawa na naman siya. “Right. Very much correct.” “Kain ka ng kain.” “Okay.” “Are you tired? Gusto mo ihatid na kita pagkatapos nito?” tanong pa nito mayamaya. “Hindi pa naman, I’m okay.” Saglit na nag-isip si Carlo. “Do you want to go and see a movie?” tanong pa nito. “Uy sure! Tagal ko na rin pala hindi nakakanood ng sine,” mabilis niyang sagot nito. Nang matapos ay si Carlo pa ang nagbayad ng kinain nila. Nag-agawan pa sila noong una sa bill, pero hindi siya nanalo dito. Habang masayang nag-uusap habang naglalakad. Biglang napalis ang ngiti ni Yumi nang may mamataan siyang dalawang pamilyar na mukha. Para siyang pinako sa kinatatayuan at hindi makuhang humakbang. Nangilid ang kanyang luha. Kasunod niyon ay muling nabuhay ang sakit na pilit niyang nilalakipan ng saya. “Yumi, bakit?” nagtatakang tanong ni Carlo. “Si… Si… Mi-Mikee,” nauutal na sagot niya. “Nasaan?” Naroon sa di kalayuan si Mikee kasama si Celine. Kitang-kita ni Yumi kung gaano kasaya ang dalawa, huminto ang dalawa sa isang shop na nagtitinda ng mga gamit ng baby. Magkahawak pa ng kamay ang dalawa. Nariyan aakbay si Mikee kay Celine at hahalikan ito sa pisngi. Nakaramdam ng magkahalong, galit, inggit at selos si Yumi. Ang nakikita niya ngayon ay ang kanyang pangarap para sa relasyon nila. Iyon malaya silang maglakad sa labas, iyong walang kinatatakutan na baka may makakita sa kanila. Iyong malaya sila. Nang lumingon sa gawi nila si Mikee. Nagulat na lang si Yumi nang biglang humarang si Carlo sa harapan niya. She can see the anger on his face. He looked at her straight in the eyes, again, with those unnamed emotions. “Hindi mo sila kailangan panoorin. Don’t hurt yourself like this, Yumi. Huwag mong pahirapan ang sarili mo. Dahil nahihirapan akong nakikita kang nasasaktan,” puno ng emosyon na sagot nito pagkatapos ay niyakap siya ng mahigpit. Hindi napigilan ni Yumi ang mapaiyak. That was the first time she saw them together with her own eyes. Mas masakit pala kapag ikaw mismo ang nakakita na masaya sa ibang babae ang lalaking minahal mo. Mas masakit pala kapag sinampal ka ng katotohanan na hindi na siya sa iyo. Mas masakit pala na makumpirma niya mismo na kailangan na talaga niya itong pakawalan. “Let’s go,” yaya nito sa kanya. Nang hawakan siya sa kamay ni Carlo at hilahin palayo ay nagpatangay na lang siya dito. Agad siyang nilayo ng binata doon, nasa kotse na sila nito ay iyak pa rin siya ng iyak. “Where do you want to go? Ihatid na kita?” may pag-aalalang tanong nito. “Kahit saan, basta huwag muna sa bahay o sa restaurant. Ayokong makita ako ng pamilya ko o mga kaibigan ko na umiiyak na naman.” “Okay,” sagot nito. Dinala siya ni Carlo sa townhouse unit nito. Pagdating sa loob ay pinaupo siya nito sa sofa. “Sandali lang,” sabi pa nito. Pagbalik nito ilang minuto ang nakakalipas at nilapag ang isang tasa ng kape sa ibabaw ng coffee table nito. “Here. Your favorite coffee.” Sa kabila ng pag-iyak ay bahagya siyang natawa, sabay angat ng tingin kay Carlo. He looked at her with empathy. Pagkatapos ay umurong ito palapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Hindi tumutol si Yumi. Hinayaan niyang ikulong siya nito sa isang mahigpit na yakap. Sa balikat ng binata ay umiyak siya at binuhos ang buong emosyon. “Nagkausap na ba kayo?” “Hindi pa. Hindi na talaga siya nagparamdam sa akin.” “Kalimutan mo na siya,” deretsong sabi nito. Mayamaya ay nilayo siya nito para tingnan ng deretso sa mga mata. Ginagap nito ang mukha niya at pinunasan ang luha sa kanyang pisngi. “He’s not worth crying for, Yumi. Stop crying. Kalimutan mo na siya. Sabihin mo lang, handa akong tulungan ka.” Humihikbi na tumango siya. Pagkatapos ay kinuha nito ang kape niya. “Here.” “Thank you.” Isang ngiti ang sinagot nito sa kanya na tuluyan nagpakalma sa damdamin niya. Pero alam ni Yumi na darating ang araw na kailangan niyang harapin si Mikee. Hindi para habulin o magmakaawa na bumalik ito sa kanya. Kung hindi para ipaalam dito na alam niya ang panloloko nito nang sa ganoon ay tuluyan na matuldukan ang relasyon nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD