“ARE you really sure you’re going to do this? Kasi alam mo, girl, puwede ka naman mag-alibi eh.”
Huminga ng malalim si Yumi saka pinagpatuloy ang pagtingin ng mga kitchen wares na puwedeng ipang-regalo. Naroon siya sa mall ng mga sandaling iyon, kasama si Diane at namimili ng ireregalo para sa nalalapit na kasal ni Celine.
“Kakauwi lang ni Celine, matagal tayong hindi nagkita-kita at excited siyang ma-witness namin ni Mylene ang kasal niya.”
“Ayan ka na naman eh, mas iniisip mo na naman ang ibang tao,” parang nakukunsumi nang sagot ni Diane.
Natawa lang siya at umakbay sa kaibigan saka tinapik ito sa braso.
“I’m okay,” sabi pa niya.
“Well, I’m not. Hindi okay sa akin na masyado ka na naman mabait. Tatlong taon kang nagtiis at sakripisyo para sa relasyon n’yo tapos ganoon lang gagawin ng g*gong ‘yon sa’yo? Tapos ngayon may balak ka pang pumunta sa kasal nila? Masasaktan ka lang, promise.”
Humarap si Yumi sa kaibigan. Nginitian niya ito. Hindi para kumbinsihin o magpanggap siyang okay sa kanya ang desisyon, kung hindi para ipakita nito na okay lang siya.
“Of course, it will not be easy for me. Akala mo ba hindi ako nasasaktan ngayon pa lang? I’ve been hurting since the day I knew about it. Pero na-realize ko rin sa tatlong taon na naging relasyon namin, noon pa man nasasaktan na ako. Tinatago o dine-deny ko lang. Nagbubulag-bulagan lang ako. Hanggang ngayon nga hindi ko rin alam kung tama ba itong ginagawa ko o kung kaya ko bang makitang kinakasal si Mikee. But the thing is, Celine is not just a random girl. She’s my best friend. Walang alam si Celine sa relasyon namin at hindi niya kasalanan na nilihim ako ni Mikee. Para sa kanya, kaya ko ginagawa ito. Besides, kahit anong ingat ko o iwas ko dahil sa sakit ko, darating talaga ang pagkakataon na sa ayaw at gusto ko, kailangan ko harapin ang problema ko, kahit ano pa maging kapalit.”
Sa sandaling iyon ay si Diane naman ang napabuntong-hininga.
“Fine. Sige. Sabi mo eh. Pero huwag mong sabihin na hindi ako nag-warning sa’yo.”
“Halika na, para makauwi na tayo,” sabi pa niya.
“Okay, pili ka na ng bibilhin mo.”
Isang set ng dinnerware ang kanyang napili pagkatapos ay pina-gift wrapped na niya iyon. Habang naglalakad, papunta na sana sila sa isang restaurant para kumain nang biglang may tumawag sa kanyang pangalan.
“Yumi?”
Napahinto siya at agad na hinanap kung sino iyon. Bahagya pa siyang napapitlag nang biglang lumapit si Carlo. Namilog ang kanyang mga mata.
“Ay dok, hello!” bati niya.
Ngumiti ito at nagpalipat-lipat ng tingin sa kanila ni Diane.
“Musta?”
“Okay naman po,” sagot niya.
“Mukhang nagsha-shopping kayo ah.”
“Naku hindi, bumili lang ng pang-regalo. Ikaw dok? Anong ginagawa mo dito?”
Tinaas ni Carlo ang dalang isang paper bag. “Trying to buy something to wear for work. Alam mo naman sa trabaho namin. Kaya lang nahihirapan akong mamili eh,” natatawang sagot nito.
“Want my help?” nakangiting alok niya.
Natigilan ito saglit saka ngumiti ng malapad. “Talaga? Gagawin mo ‘yon? Well, if you’re not busy, hindi ko tatanggihan ‘yan alok mo.”
“Ah dok, excuse me,” biglang sabad ni Diane.
“Yes?” baling nito sa kaibigan.
“Busy ka ba? May gagawin ka ba pagkatapos nito?”
Nagtataka na umiling ito. “Wala naman.”
Biglang lumingon sa kanya si Diane at binigyan siya ng nanunudyong ngisi. Kinabahan bigla si Yumi sa klase ng ngiti na binigay nito sa kanya. Parang may tumatakbong kalokohan sa isipan nito. Mayamaya ay bigla siyang tinulak nito palapit kay Carlo. “Dok, kung hindi naman makakaabala, puwede bang ikaw na bahala kay Yumi? Namimiss ko na kasi si Mylene, gusto ko siyang makita, kaya mauuna na ako,” sabi pa nito sabay agaw sa kanya ng paper bag kung saan nakalagay ang binili nilang dinnerware.
Napakunot-noo si Yumi sa sinabi ng kaibigan. Bigla siyang naguluhan dahil sa pagkakaalam niya ay ang usapan nila ay kakain sila.
“Huh? Teka… akala ko kakain tayo sa—”
“Doon na ako kakain sa restaurant!”
Nang lumingon siya kay Carlo ay natatawa lang ito habang umiiling.
“Dok, ikaw na bahala sa kaibigan ko ha?” bilin pa nito sa binata sabay lakad palayo.
“Sure, I’ll take care of her,” natatawa pa rin na sagot nito.
Mayamaya ay bigla itong bumalik sabay lahad ng palad.
“Susi?”
“Ha?”
“Susi ng kotse.”
“Eh paano ko makakauwi mamaya?”
Nginuso nito si Carlo. “Eh di si dok, ihahatid ka niya, di ba, dok?”
“Oo, ako na bahala kay Yumi.”
Napapikit na lang si Yumi at umiling.
“Lagot ka sa akin mamaya talaga,” nanggigigil ngunit pabiro niyang banta.
Hindi naman pinansin ni Diane ang sinabi niya at nanunudyo pang ngumiti at kumindat sa kanya. “Bye!” paalam nito pagkatapos makuha ang susi ng kotse niya.
Hindi makapaniwala si Yumi sa nangyari nan ang humarap siya kay Carlo ay natulala na lang siya sa bilis ng pangyayari.
“I am so sorry,” tangi na lang niyang nasabi.
Kasunod niyon ay sabay silang dalawa na natawa.
“Looks like your friend wants you to have a good time with me.”
“I… ah… I really don’t know why she did that. But I swear, I don’t know any—”
Hindi na niya natapos ang sasabihin nang bigla siya nitong hawakan sa kamay.
“It’s okay. Let’s go!”
KUMUHA si Yumi ng isang tatlong longsleeve polo na iba-iba ang kulay. Isang light blue, light pink at maroon, pagkatapos ay inabot iyon kay Carlo.
“Here, try them.”
Napangiti na lang siya nang walang reklamo nitong kinuha iyon at pumasok sa loob ng fitting room. Habang naghihintay ay tumingin naman siya ng mga necktie na babagay sa mga pinili niyang mga polo.
“What do you think?”
Biglang napalingon si Yumi. Agad sumilay ang magandang ngiti sa kanyang labi nang makitang bumagay dito ang mga kulay na kanyang pinili. Lumapit pa siya dito dala ang tatlong napili niyang ties.
“Wow, you look great!” bulalas niya.
Matapos ay lumapit siya dito at tinaas ang kuwelyo niyon. Siya mismo ang nagkabit ng necktie nito. Habang inaayos iyon, bigla siyang natigilan nang mapansin na nakatitig sa kanya si Carlo. Sinalubong ni Yumi ang mga tingin nitong tila hinahalukay ang kanyang pagkatao hanggang kaluluwa. May kung anong emosyon siyang naaninag sa mga mata nito, sapat na para tila tumalon ang kanyang puso. Ngumiti ulit siya at pinilit na hinila ang paningin palayo sa nakakatunaw na titig nito.
“There!” she exclaimed and took a little step back.
“Who is it?” tanong pa nito.
“Look at the mirror,” sagot niya.
Pagharap nito sa salamin ay tatango-tango ito habang sinisipat ang sariling repleksiyon.
“Nice…” komento pa nito.
Tumayo sa tabi nito sabay kuha ng kanyang phone at tinapat iyon sa salamin.
“Picture!” sabi pa niya.
Nagulat si Yumi nang bigla itong umakbay sa kanya sabay nag-v sign. Nang agad makabawi ay saka siya kumuha ng mga larawan nila ng ilang beses.
“Para saan ‘yon?” tanong pa nito.
“Souvenier,” nakangiting sagot niya.
“Sandali magpapalit na ulit ako, kukunin ko na lahat ‘to.”
Matapos bayaran ang mga binili ay saka sila lumabas ng shop na iyon. Bumili pa sila ng ilang short sleeves polo at iba pang t-shirt. Nagtatawanan pa nga silang dalawa sa isa pang shop na pinuntahan nila dahil pinilian niya ito ng mga printed shirts. Nagpo-protesta si Carlo dahil plain lang ang hilig nito, pero giniit ni Yumi na bagay dito at sinang-ayunan naman siya ng mga staff ng shop. Nang mabili na nito lahat ng kailangan ay nilagay muna nito sa kotse ang mga pinamili bago sila bumalik sa loob para maghanap ng restaurant na kakainan.
“Bakit yata nag-shopping ka ngayon? Are you going somewhere?” tanong pa nito.
“Wala naman, nagbawas kasi ako ng mga damit. Inalis ko na ‘yung mga luma o kaya ay hindi na kasya sa akin kaya bumili ako ng mga bago. Alam mo naman sa propesyon namin, humaharap kami sa iba-ibang tao. O kaya kapag may medical conference o seminar kaming pinupuntahan, kailangan namin magbihis ng maayos. Buti nga nakita kita eh, sa totoo lang hindi ko alam ang bibilhin ko. Hindi naman talaga ako mahilig mag-shopping. Minsan lang, kapag wala na talaga akong maisuot o masyado nang luma ‘yong damit ko.”
Napangiti si Yumi at umiling. “Nah, wala ‘yon. Wala rin naman akong gagawin sa restaurant eh. Maaga ko natapos ‘yong trabaho ko kanina. Kaya, keri lang.”
“Let’s go. Let’s eat. May alam akong masarap na restaurant,” sabi pa nito.
“Okay.”