Chapter 28

2746 Words

“AYOS ka na?” tanong ni Abet. Napalingon si Carlo sa kaibigan, kinuha niya ang inabot nitong cup ng kape. Naroon sila sa rooftop ng ospital, alas-dos na ng madaling araw, dapat ay ginagamit niya ang oras na iyon para magpahinga. Pero alam niyang kahit mahiga siya sa quarters nila ay hindi rin siya makakatulog, dahil naiwan kay Yumi ang kanyang puso at isipan. Isang malalim na buntong-hininga ang sinagot niya dito. “Magsisinungaling lang ako kapag sinabi kong oo.” Umakbay ito sa kanya at tinapik siya sa balikat. “Hindi ko nga alam kung paano mo nagawang humarap sa pamilya niya ng ganoon. I mean, hindi naman kaila sa kanila na may relasyon kayo ni Yumi. Gaya nila, alam kong nasasaktan ka pa rin hanggang ngayon. Dapat kasama ka nilang umiiyak pero humarap sa kanila at ikaw pa ang nagsab

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD