PAGBABA ng stretcher mula sa ambulansya ay agad na tinulak ito ni Carlo kasama ang mga medic at mga doctor at nurses papasok ng emergency room. Samantala ang isa sa medic ay sinasabi sa mga doctors ang vitals signs, ang lagay at injuries ng pasyente. Sinubukan ni Carlo na mag-focus at pairalin muna ang kanyang pagiging doctor. Pilit sinasantabi ang personal niyang damdamin para sa dalaga kahit na ang totoo ay parang sasabog na ang emosyon. He needs to control himself. Hindi maliligtas ang buhay ni Yumi kapag inuna niya ang sariling damdamin. “On my count, one, two, three!” sabi ni Abet at sabay sabay nilang nilipat mula sa stretcher papunta sa hospital bed ang hanggang ngayon ay wala pa rin malay na si Yumi. “Yumi? Yumi! Can you hear me?” tawag ni Abet dito habang tinitignan ang mata